II - SS?

46 4 4
                                    

A/N
This story is heavily inspired of other stories school with killings here in wattpad, kaya please kung may sasabihin nyong may katulad ang istoryang to, malamang meron talaga. Again this is inspired by a lot of stories.

SOMI

Madilim, sobrang dilim at sobrang tahimik. Maingat akong naglalakad at naghahanap ng daan palabas ng isang masukal na gubat, ni hindi ko alam kung bakit ako nandito. Walang kahit anong ingay kundi ang ingay ng sapatos kong tumatapak sa mga tuyong dahon na nadadaanan ko, nakakabingi at nakakapangilabot. Malamig din ang panahon at bahagyang umaambon na mas nagdadagdag ng takot ko sa lugar na to.

Nang biglang nagkaron ng ingay, may mga asong kumakahol. Lumingon ako sa likuran ko kung saan nagmumula ang tunog at nakakita ako ng pigura ng isang taong nakasuot ng itim na hoodie at may suot rin siyang itim na maskara. Sobrang dilim kaya hindi ko maaninag ang mukha niya pero dinig na dinig ng dalawang tenga ko kung paano kumahol ang dalawang asong hawak niya sa magkabilang kamay.

Nang sa isang iglap ay bigla nalang siya napunta sa harap ko, sinipa niya ako at napahiga ako sa mga tuyong dahon. Nakita ko sa magkabilang gilid ko ang dalawang asong handang handa na akong lapain.

Napaangat naman ulit ang tingin ko sa taong iyon nang bigla nalamang niya akong tutukan ng isang matalim na kutsilyo sa kaliwang mata. Ngumiti siya ng nakakapangilabot sakin sabay sabi ng mga katagang.

"Peek-a-boo."

"Somi! Anak ka talaga ng tupa, bumangon ka na dyan!" rinig kong sigaw ng isang nakakabinging boses.

Napabalikwas nalang ako sa bangon nang maramdaman kong pinagpapalo na ako ng nilalang na pinanggagalingan ng boses na yon, idinilat ko ang mata ko at doon ko nakita si Mama na may hawak na raketang pangbugaw ng lamok. Pinagpapalo niya ako noon hanggang sa tuluyan na akong tumayo sa kama.

"Ma naman! Pwede mo naman akong gisingin ng matino, tatayo naman ako." reklamo ko at napakamot nalang sa ulo.

"Aba hoy batang mukhang kano, Mahigit dalawampung minutos na nung sinimulan ka naming gisingin hindi ka parin bumabangon? Sinabi nang ngayon ang araw na lilipat ka sa bago mong school!" sigaw niya ulit sakin, napairap naman ako dahil naalala kong lilipat na nga pala ako ng academy ngayong taon.

"Iirap irap ka pa dyan! Maligo ka na!" sigaw niya ulit, napangiwi naman ako dahil sa nakakabinging boses ni mama.

Hinampas niya pa akong muli nang dala dala niyang pangbugaw ng lamok kaya napatalon ako at napatakbo na sa banyo.

Napabuntong hininga nalang ako habang binubuksan ko ang shower, napapikit naman ako nang unti unti kong maramdaman ang malamig na tubig sa katawan ko. Pero kasabay ng pagpikit ko ay nakita ko ang taong muntik na akong patayin sa panaginip ko, nakangisi siya sakin kaya naman napadilat ako agad at napabuntong hininga na lamang muli.

Hanggang sa matapos akong maligo ay hindi mawala sa isip ko ang pagmumukha ng hayop na yun. Kaya naman hinanap ko ang speaker ko at nagpatugtog para matanggal siya sa utak ko.

Bang Bang Bang by BIG BANG was blasting out on my speakers and I was dancing crazily to it habang nagbibihis ako.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SINISTER ACADEMY || SS ENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon