MD 2

321 3 0
                                    


OMG! Ayun siya! Kakababa lang ng sports car niya. Nandito kami ngayon ni Sidekick Turk sa may poste malapit sa bahay ni crush! Gwapo niya talaga!!!

"Nice shots!" sabi ni Sidekick Turk. "Namern!" pagmamayabang ko.

Kinukuhanan ko kasi ng pics si Baby!!! Fufufu!

Habang chinecheck ko ang aking nakuhang mga pics, biglang ata dumilim.

"Turk naman eh, sino may sabi na patayin mo yung araw?" tanong ko sa kasama ko.

Nagsalubong na ang aking kilay sa gilid ko kasi kalabit-labit nang kalabit-bit.

"Ano ba?!" pagalit kong sabi.

"Aherm!" Natauhan ako. Tumingala ako at umayos ng tayo.

"What are you doing here?" 

Nanlaki ang aking mga mata. He spoke to me!!!

"Uhm. . ." Ngumi-ngiwi na ako ngayon. Naku po! Semento bumuka ka! Lamunin mo na ako.

Nung hindi niya na mahintay ang sagot ko sa tanong niya. Hinablot niya ang aking camera.

"Are you a paparazzo stalker?" Goodness!!!

"She's MD short for Madam Detective!" patawang sagot ni Turk.

"Uhm. . . can I have my camera back?" Nakatingin lang ako sa sahig kasi nahihiya ako!

Naramdaman ko ang kanyang isang kamay at pinilit na tumingin ako sa mukha niyang super gwapo!

"Eyes on me, MD." Nung titingin na ulit ako sa baba, lumapit yung mukha niya.

Napakagat na ako ng lips ko!!! Those eyes are so pretty!!!

"Should I report you to the police?" Naramdaman ko na parang umiiksi na yung pasensya niya!!! Imbis na matakot lalo akong kinilig na parang natatae!

"Sorry na brad, alis na lang kami okay?" sabi ni Turk na inakbayan na ako at hahablutin niya sana pabalik yung camera ko.

"What? So ganun ganun lang?!" Ay galit na si baby ko!!! Itinaas niya sa ere yung camera ko.

Natauhan na ako sa pagkaka-estatwa ko sa presensya niya kasi I mentally slapped myself on the face.

"Sharp Mint sir, please po, huwag niyo po kami i-rereport sa pulis." Binaba niya na yung camera ko and tinignan kami na galit pa rin.

"Who are you people? At ikaw bakit mo ako kinukuhanan?" turo niya sa akin.

Huminga ako ng malalim and. . . "Look a flying plane!" mabilis kung turo sa langit.

Tumingin naman si baby sa langit. Pati si Turk tumingin.



Madam DetectiveWhere stories live. Discover now