Mabilis ang bawat hakbang ko papuntang labas..
'Magkikita na ulit kami'
Nang matanaw ko na siya...."yesh!!" Malakas na tawag ko sa kanya
"Kate!!" Tawag nya sa akin
Nagsalubong kami ng yakap sa isa't isa... higpit na yakap ang iginanti namin sa bawat isa bago kumalas..
"Hmm lagpas yung lipstick mo oh!" Sabi niya ay saka tinanggal ang lagpas na lipstick
"Salamat" naka ngiting sabi ko
"..hmm san tayo?"
"Sa dati!" Masayang sambit niya..
Masaya kaming naglakad papunta sa parke kung saan una kaming nagkita..
*flashback
"Hi! Ano yang kinakain mo?" Tanong ko sa babaeng mahaba ang buhok at may hawak na parang malaking bulak.
"Cotton candy.." malamig niyang tugon sa akin
Saglit akong napatahimil at pinagmasdan kung paano siya kumain..
"What are you staring at?" Tanong niya
"Anong lasa nyan?" Inosente kong tanong
"Huh? 'Di mo alam lasa nito? Seriously?"
Tumango naman ako... saglit syang umalis at bumalik na may bitbit na bagong cotton candy.. na iba naman ang kulay...
"Here.. eat it" sabi niya sabag talikod
*end of flashback
Pagkatapos no'n ay lagi ko na siyang nakikita dito sa parke... kinakausap ko siya.. nung una ay 'di niya talaga ako kinakausap...tipid ng mga sagot...pero 'di nagtagal ay naging magkaibigan na kami..
Nalaman ko rin na masarap at may ganoon klaseng pagkain pala. Bukod doon ay nalaman ko rin at natikman ang icecream!
"Kate.." tawag niya
"Hmm?"
"San ka nga pala nakatira?"
"Ahh dyan lang! Sa malapit!" Sagot ko..
Nahihiya akong banggitin ang tirahan ko..
"Eh ikaw?"
"Doon sa kabilang village! Kanan netong park!" Naka ngitig sabi pa nya
Saglit pa kaming natahimik at kinain ang burger na bili niya.
"Ahh yesh oh" sabi ko sabay bigay ng kwintas na may pabilog na pendant, malambot lang iyon ngunit makapit.
"Wow! Parehas tayo?" Nakangiting tanong niya
"Oo naman! At kapag mawawarak lang iyan kapag hindi na kailan man pa tayo magkikita pa... kaya ingatan mo ah!"
Sabi ko at tumango tango naman siya. Pinagmasdan niya iyon habang nakangiti
"Kaye!" Napalingon ako kung saan nanggaling ang sigaw na iyon
"Sino sya kaye?" Tanong ni yesh
Di ko na sya nagawang sagutin pa
"Kaye! Lintek na.. andito ka lang pala! At ano?! Lagi ka na pala natakas ng di alam ng yaya mo! Anong tingin mo sa sarili mo?! Superhero?!" Sigaw ni mama
Mabalis na nakalapit sya sa akin at hinila ang kamay ko
"... tara! Umuwi na tayo! Kung ganyan lang rin naman.pala eh! Sayang lang ang pampagamot namin sa yo! Alam mo kung gaano ka kagasta sa oxygen! Bawal na bawal ka ng walang oxygen!"
Pasigaw na sabi sa harap namin ni yesh. Hinila na ako ni mama papuntang sasakyan namin..
"Kailan kapa natakas ha?! At sino to?!" Turo niya kay yesh habang nakahawak pa din sa akin
"..k-kaibigan..." hindi natuloy ni yesh ang sasabihin niya dahil kinabig na sya
"Kate!!" Sigaw ni yesh na nahabol sa amin na nasa kabilang kalsada na.
Ngunit natigilan ako ng madapa siya at tumilapon sa gitna ng kalsada ang kwintas na bigay ko
"Sakay!"
Di ko na napakinggan ang sinabi ni mama dahil natuon ang atensyon ko kay yesh at sa kwintas.... na nasagasaan...at... nasira
Eto na ba ang huli?? Yesh?
