Intersection

2 0 0
                                    

Monday nanaman, pasukan nanaman sa school. Nakakatamad naman eh! Bakit kasi napakaaga ng pasok kapag college?! Pwede namang 1 nalang ng hapon ang pasok! Bakit kailangang 9 pa ng umaga? Tsk.

Naglalakad ako ngayon, dadaan nanaman ako sa buwis buhay na intersection na 'to. Tatawid nanaman ako sa pedestrian lane papuntang langit. De joke lang! Hehe. Papuntang kabilang street lang naman. Grabe naman kung papuntang langit 'to edi sana matagal na akong nasa langit. Madami na kasing naaksidente at namatay dito kaya sabi nila ito na daw ang way papuntang langit. Habang naglalakad ako, nakapukaw ng atensyon ko ang isang lalaki. Nasa kabilang street siya, magkasalubong kami ng street. Sa uniform na suot niya, tiga kabilang university siya. Tsk. Ano ba 'to? Bakit ba pinagtutuunan ko ng pansin yang lalakeng yan?! Tsk. Oo na, outstanding lang talaga ng itsura niya, ang chachaka kasi ng mga kasabay niya maglakad eh.

Tsk. Makapanlait eh no? haha...

Red na yung stoplight, tatawid na kami. Nung nasa kalagitnaan na kami ng pagtawid ay binangga ako nung lalaking kasalubong ko. At dahil dun ay nahulog yung 3 books ko at yung mga nakaipit na papel dun. LINTEK!

"Anu ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Tulog ka pa yata eh!" -ako

Pinulot ko yung mga libro at papel sa daanan at hindi man lang ako tinulungan nung lalaki!

"Anong ako?! Ikaw kaya yun! Napaka-bulag mo naman!" -lalaki

Aba't! sumagot pa! Tsk! Sinabihan pa ako ng bulag habang nagpupulot ako! LINTEK! Eh kung tinulungan nalang niya ako dito, diba?! Edi natuwa pa ako sakanya!

"Ang kapal naman ng mukha mong sabihan akong bulag! Eh ikaw nga 'tong hindi tumitingin sa daanan mo eh!" -ako

"Anak ng! Eh ikaw?! Sigurado kang nakatingin ka sa dinadaanan mo?! Binangga mo nga rin ako eh!" -lalaki

Nagsigawan lang kami ng nagsigawan sa gitna ng kalsada. Andami ng bumubusinang sasakyan saamin kasi grrenlight na at nasa gitna parin kami ng pedestrian lane!

'Oy! Kayong dalawa diyan! Tumigil na nga kayo! Pareho kayong may kasalanan! Kanina pa Go oh! Nakakasagabal na kayo!'

Sigaw nung isang driver, tapos nag-'oo nga...' yung iba. Last na 'to isang sigaw nalang!

Tumingin ako sa mata niya.

"Ewan ko sayo! Ang kapal ng mukha mo! Bahala ka sa buhay mo!" -ako

Tapos tinalikuran ko na siya at naglakad na palayo, hindi ko na siya nilingon dahil kumukulo talaga yung dugo ko sakanya. NAKAKAINEEESS!!!! Buset! Kinginis! Ang sarap niyang ipasagasa sa mga dumadaang truck dito! Kaines!

"Masagasaan ka sana!" -ako

Nakakita ako ng trash can at sinipa ko yun dahil nababanas na talaga ako! OUCH!

"What the! Ano ba!" -girl

Oh nowz! Natapunan ng basura yung paa nung babae!

"Gosh! This is so KADIRI! GROSS!" -girl

Isa lang ang masasabi ko sakanya, isa siyang maarte na tinubuan ng katawan. Halos maglupasay na nga siya sa sahig sa sobrang kaartehan eh!

"S-sorry Miss! It's not my intention to—" -ako

"You bitch! Alam mo ba kung gaano kamahal yang SHOES KO para tapunan mo lang ng basura?!" -girl

Bitch?! Ako?! Putek! Eh kung ipalamon ko kaya sakanya yung mga basurang natapon?!

Napahawak nalang ako sa noo ko at napairap.

"Pakealam ko ba dyan sa SAPATOS MO? Eh mukhang galling nga lang sa UKAY-UKAY yan eh! Tch, napakaarte! Tyaka di ka ba marunong tumanggap ng sorry?! Mayaman ka ba?! Ha?! Eh sa ugali mo parang ka-level mo lang yang mga basurang yan eh!" -ako

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOTS COMPILATIONWhere stories live. Discover now