Siguro naman gising ka na ngayon diba?

Good morning!

Bati na tayo!


April 21 at 12:12 PM

Did u just block me on facebook and twitter?

That's just pathetic, Riley

You don't have to ignore me just because I told you what I feel!



April 22 at 2:02 AM

This is because I told you I love you right?

Hindi ko yun babawiin

That's what I feel and I'll stand by it!

 If it makes you really uncomfortable then fine!

Tangina mo kala mo kung sino kang gwapo

I can live my life without you and your fake friendship


4:49 AM

I regret ever being friends with you

You don't deserve the world and it's not because you're gay. 

It's because you're a horrible person.



          Sa sobrang galit, nabato ko sa sahig ang cellphone ko. Sa sobrang galit parang maiiyak na ako pero pilit kong tinatagan ang sarili ko. Ako? Iiyak dahil sa baklang 'yon? Ano siya sineswerte? Sarili ko ngang tatay di ko iniyakan nang iwan kami, siya pa kaya?!

        Putangina! Bakit ba ang hilig nilang mang abandona porket alam nilang mahal ko sila! Yan sila eh! Magaling mang-iwan! They'll make their way through your fcking heart and by the time you're already so attached to them, they'll ditch you and stomp on your heart!

         Dali-dali kong binuksan ang laptop at pinaandar ang playlist ko. Konektado ito sa speakers na nagkalat sa apat na sulok ng kwarto ko kaya mabilis na umalingawngaw ang napakalakas na musikang lagi kong kasangga.

        "Coz I fcking hate you! You're such a liar! I'd love to hang you! You're all the same to me!" I started screaming along to the song playing when all a sudden, my bedroom door opened.

        "Reika! Utang na loob ang aga aga pa!" Sawyer yelled drowsily. His hair was a mess and his hands were busy rubbing his eyes. He was yelling more words but I couldn't hear it because of the music.

        "This is my room! This is my house! Nakikitulog ka lang sa guest room! I make the rules! Get out!" Paalala ko at binato siya ng unan dahilan para tumama ito sa mukha niya.

       Nagulat ako nang muling bumukas ang pinto at pumasok si Magno na may yakap pang unan at nakataas sa noo ang suot na eyemask. Walang lahing intsik ang pamilya namin pero dahil sa antok, nagmukhang singkit ang pinsan ko.

      Walang sabi-sabing inagaw ni Magno ang laptop ko at pinatay ang music. Babatukan ko sana siya at sisigawan pero nagulat ako nang naupo siya sa tabi ko at napabuntong-hininga.

      "Ano bang problema?" tanong ni Magno kaya namilog ang mga mata ko at litong napatingin sa kanya. Halatang antok na antok pa si Magno, pumipikit halos ang mata niya at para siyang matutumba na pero pilit itong nananatiling gising.

        Sa isang iglap, bumaha ang katahimikan sa buong silid. Nabasag lamang ito nang magsalita si Sawyer.

      "Looks like a family meeting. I'm out." Umingos ito at mabilis na umalis kaya naiwan kami ni Magno sa kwarto, nakaupo sa kama ko habang nakatingin sa kawalan.

       "Problema?" tanong muli ni Magno pero halata parin ang antok sa boses niya.

       "Anong problema?" pabalang kong sagot. "Ikaw ata may problema eh! Umalis ka nga sa kwarto ko!"

         Napabuntong-hininga si Magno. Tumayo siya at nagsimulang maglakad patungo sa pinto, pero bago pa man siya makalabas, biglang sumagi ulit sa isipan ko ang ideyang ilang araw naring bumabagabag sa akin.

        "I'm coming back with you to Filimon Heights..." 

         Mabilis na napalingon si Magno sa akin. Bakas parin ang antok sa mukha niya at hindi parin halos bumuka ang kanyang mga mata pero sa kabila nito ay nagawa niyang maikunot ang noo.

        "Seryoso ka?" aniya.

         Tumango ako. Buo ang pasya.

         Humanda sa akin si Riley. Papatunayan ko sa kanya na isang malaking pagkakamali ang pagtalikod niya sa akin. Siya ang nawalan, hindi ako. Magkakaroon ako ng napakaraming kaibigan. I'll find friends who are better than him and he'll see how wrong he is for abandoning me... for throwing me away like a piece of trash. 


END OF CHAPTER 3

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

The Rebel's RivalOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz