Chapter 8

2.9K 71 0
                                    

Aubrey Mendoza's POV.

Nakakapagtaka bakit hindi namin naririnig ang pinaguusapan nila, hindi kaya ginamit ni Ms. Jocelyn ang barier nya. Hindi ko alam na kaya nya yong gawin.

"Naririnig mo ba ang sinasabi nila?" Tanong ni Sy umiling ako sa kaniya at napabuntong hininga.

"Hindi eh mukhang may gumamit ng barier." wika ko.

"Oo nga. Mahalaga ba ang pinag uusapan nila?" tanong ni Cortes.

"Mukhang." usal ni Hernandez.

"Kung ano man yon sigurado akong napaka importante ng pinag uusapan nila." wika ko.

Amy's POV.

Bumaba na kami sa gym pansin ko na nagulat ang mga teacher's at student's na naroroon pa ako.

"Mukhang nagbago ata ang isip mo Ms. Rachel?" giit ni Mr. Gerald.

"Meron siyang sasabihin." wika ni Ms. Rachel.

"Mukhang hindi naman importante yun eh." nakangising sabi ni Mr. Gerald. Mas topak pa to keysa kay Jonas.

"Nasaan ba si Bb. Mae?" diretsong tanong ni Ms. Moneth.

"Matuto ka ngang gumalang." nagulat kami ng biglang sampalin ni Ms. Gina si Ms. Moneth. "Tandaan mo na mas nakakataas parin kami."

"Tss... Kung kilala nyo lang ang kakampi namin." bulong ni Ms. Moneth. Ang sakit nun.... Pero!

"Ma'am Moneth at Ma'am Rachel kayo pong dalawa naka tikim na ng sampal." natatawa kong sabi pero silang dalawa seryosong nakatingin sakin. "Tignan niyo po si Ma'am Jocelyn di parin na sasampal." dagdag ko. Natatawa talaga ako boset. Ayaw lumabas yung pagiging seryoso ko.

"Bakit mo ba ako hinahanap dahil ba jan sa sinasabi mo o iba pa?" napatingin ako sa nag salita mula sa malayo at nakita ko si Bb. Mae! Pero mukhang wala siya sa mood...

Someone's POV.

Nakita ko na sinampal ni Ms. Gina si Ms. Moneth, pero sino naman ang bagong bata na iyon?  Hindi ba niya alam ang mangyayare sa kaniya? Mukhang magiging hapunan nila to ah. Bahala siya sa bu— teka siya ang transfer student dito si Amy Roses baka mapahamak siya!

Nag bago agad ang aking wangis at walang pag aalinlangan na sumugod sa mga bampira.

Amy's POV.

Nagulat kami ng biglang may lumabas na taong lobo out of nowhere. Agad namang nagpula ang mga mata at lumabas ang mga pangil ng mga teacher's at student's maliban sakin. Syempre bawal nilang malaman kung sino ako...

"Mukhang mabait po siya. Wag niyo po siyang sasaktan." giit ko at hinarangan ang taong lobo.

"Umalis ka jan Roses, kung ayaw mong masaktan." saad ni Ms. Gina.

Wala na akong magagawa kinuha ko ang kutsilyo na naka tago sa sapatos ko at tinutok kay Ms. Gina.

"Akala mo ba mapapatay mo kami gamit niyan? Hindi!" ngising sabi niya.

"Anong hindi?" sinugatan ko ang kamay niya at kitang nasaktan siya. "Sa tingin mo maglalabas ako ng patalim na di nakakapatay sa bampira?" ngumisi naman ako at umiling. "Kayo pag di nyo siya tinigilan papatayin ko tong nagmamataas na to." dagdag ko pa. Agad naman silang lumayo sa taong lobo kaya agad akong sumakay dito at umalis na sa school.

Risa Cortes POV.

Naghinala si Hernandez na isang bampira si Roses mukhang nagkamali siya sa hinala niya maski si Ms. Gina nasaktan niya ng ganon-ganon lang. Mukhang nasa panig pa ng mga taong lobo si Roses.

The Vampire Princess | ✔Where stories live. Discover now