II

35 1 3

Ang we-weird nila!!

Wala naman akong ginawa pero tinitignan nila ako sa Toilet tapos nung paharap na ako sa kanila umalis sila.

Anong mga problema nila??

Hindi ko na pinoblema yun at lumabas narin ako ng Toilet. Ang Problema ko naman ngayon ay kung saan ako pupunta.. Ayoko na namang bumalik sa canteen at makisama sa table nila Jenica dahil for sure hanggang ngayon ay pinagtitinginan parin sila ng mga tao dun, kung bakit naman kasi masyado silang PDA. Asar!!!

Naglakad-lakad nlang ako at nag hanap ng mapupuntahan.. Sakto naman sa hindi kalayuan may natanaw akong parang Canteen infareness naman sa sobrang laki ng University meron itong 3 pwesto ng canteen.. Don ako pumunta at maghihintay sana ng oras pero ng makarating ako ay puro college ang nandon nahiya naman ako kaya naisip ko nalang na bumalik at maghintay nalang sa labas ng lab.

Nang biglang may tumawag sa akin..

Risz!!

Nagulat ako dahil tinignan ko pa talaga ang buong canteen kanina at puro college ang nandon. Takang taka ko itong nilingon.. Nakita ko naman ang Isang matangkad na lalaking naglalakad papalapit sa akin. Gulat na gulat ako dahil college uniform ang suot nito at hindi ko talaga ito kilala. Huminto lang ako at hinintay ko siyang makalapit.

Hi Risz!! ako nga pala si Nick. at inilahad ang kamay.

Pano mo nalaman pangalan ko?

Kapit bahay mo ako hindi mo lang siguro ako nakikita, pero kaibigan ko sila Jk.

Ha? Talaga? Pasensya kana parang ngayon nga lang kita nakita..Hindi ka siguro lumalabas sa inyo..

Ikaw ang hindi masyadong lumalabas.. Lagi ka kasing nag kukulong sa inyo e. Bat ka pala napadaan dito?

Ah kasi dami tao dun sa isang canteen malapit sa comp. lab. e. Hindi ko alam na para pala sa mga college tong Canteen dito.

Hindi naman. Nagkataon lang na puro college ung mga naka tambay now, maaga kasi kami denismissed ng prof. namin. Tara dito ka nalang muna pakilala kita sa mga kaibigan ko.

Naku wag nalang nahihiya ako eh.. isa pa puro kayo college jan eh..

Wag ka ng mahiya kasi wala din namang hiya yang mga yan..

(Inakbayan ako nito papunta sa canteen, tinignan ko ang relo ko at sinabing oras ko na para pumasok sa susunod kong subject para kumawala dito.)

Tumakbo nalang ako papalayo.

Nang malapit na ako sa Building namin ay naglakad nalang ako ang totoo noy mayroon pang 10 mins. bago ang susunod naming klase. Binagalan ko nalang ang lakad ko, balak ko noon ay pipila nalang ako sa labas ng comp. lab. Pero ng huminto ako sa labas ng Lab. ay may tumapik sa balikat ko. Si Nick sinundan pala niya ako. Gulat na gulat ako at wala na akong nasabi.

Risz bawal tumambay dito dahil pag nalaman ng next subj. Teacher niyo na maaga kayong pinalabas ng last subj. niyo malalagot siya.

Ha? Pano mo nalaman na maaga kaming pinalabas?

After 12 kasi wala ng nagbbreak. chaka oviously parang yung mga classmates mo nasa canteen pa. Alam mo tara dun nalang tayo sa canteen sa mga classmates mo.

Nag punta na kami sa canteen ang awkward nga lang kasi naiisip ko na nalaman niyang nagsinungaling ako sa kanya kanina..Mabuti nalang at may nabakanteng 1 table pag dating namin sa canteen. Pag upo namin ay tense na tense ako dahil nahihiya talaga ako sa kanya.

Long Distance IIBasahin ang storyang ito ng LIBRE!