⚫ i n t r o ⚫

147 5 0
                                    


Noong unang panahon
Sa langit kung saan masayang naninirahan ang mga diyos at diyosa.

Isang pinag babawal na pag-iibigan ang nabuo.
Pag-iibigan sa pagitan nila Sidapa, diyos ng kamatayan at ni Libulan, ang diyos ng buwan.

Dahil dito ay pinarusahan, ni Kaptan diyos sa lahat ng diyos, si Sidapa tinanggalan nito ng mga alala kasama na dito ang alala ng pinaka mamahal niyang si Bulan.

Dahil dito, nawala na parang bula si Libulan. Hindi alam ng ibang diyos at diyosa kung saan nag tungo si Libulan. Kasabay ng pagkawala ni Libulan ay siya ding pagkawala ng buwan sa kalangitan.

Ngunit nabura man ang ala-ala sa isipan
Pati ba ang nararamdaman ng puso ay nabura?

LibulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon