Ngmiti ako sa babae bago nauna ng lumabas.

     Abala na ang lahat sa pag-aayos ng mga nasira. Sa paggamot ng mga nasugatan.

     Deretso ako sa kubo kung saan ginagamot si Ejercito. Nadatnan ko doon sina Drigo at pangunahin miyembro nya.

     When I say pangunahin ang tinutukoy ko ay si Sena, Trina, Pedro Benito at Winona. Umiiyak ang huli habang nakahawak sa kamay ni Ejercito na nakahiga sa papag may nakatapal na dahon sa sugat ng lalaki. Gising din sya at nakikipag-usap kay Drigo.

     “Patawad Drigo. Hindi ko na protektahan si binibini Rayette.” Bakas ang pagkabigo at panlulumo sa tinig nya. Wala pa nakakapansin na nasa loob na ako.

     “Saka na natin pag-usapan  iyan Ejercito. Sa ngayon magpahinga ka muna at magpagaling.”

     Umiling si Ejercito. “Handa na ako tanggapin ang parusa pinuno kahit ngayon.”

     “Anong parusa?” sabat ko.

     Sabay-sabay sila tumingin sa akin.

     “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Drigo na hindi ko pinansin. Binigyan ako ng daan ni Benito at  Pedro nang humakbang ako papalapit sa gilid ng higaan ni Ejercito.

     “Bakit kailangan mo parusahan?” tanong ko kay Ejercito.

      Umiwas ng tingin si Ejercito sa akin. Tinignan si Winona na nasa kabila side nya bago yumuko na para bang hiyang-hiya sya sa akin.

     “Dahil hindi kita naprotekhan ng maayos binibini.” 

     “Iyon lang? Napakaliit na bagay iyon para parusuhan ka.” Hindi makapaniwala sabi ko bago napatingin kay Drigo na tahimik na pinagmamasdan ako.

     “Nasaktan ka binibini. Nasugatan dahil hindi kita naprotektahan mabuti.” Bumalik ang tingin ko kay Ejercito. Nakayuko parin sya.

“Look at me.” Alam ko hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Pero mukha naramdaman nya ang ibig ko sabihin at kaseryosohan sa tinig ko dahil nagtaas sya ng tingin sa akin. “Kung hindi dahil sayo malamang hindi ako nakatayo ngayon sa harapan mo at humihinga pa. Oo nasugatan ako given na iyon. Hindi naman maiiwasan dahil nasa labanan nga diba.” Napasinghap sya at nanlaki ang mga mata ng iba ng lumuhod ako sa gilid ng papag niya. Habang tumiim  bagang naman si Drigo.

     “Ako pa nga dapat ang magpasalamat dahil handa ka itaya ang buhay mo sa isang tulad ko lang.” Hinalikan ko ang kaliwang pisngi nya. “Salamat Ejercito.” Ngumiti ako ng matamis sa gulat na gulat nya ekspresyon.

     “Bakit basta ka na lang nanghahalik? Hindi iyan gawain ng isang matinong dalaga.” Sita ni Sena kasabay ng isang kamay na humahawak sa braso ko at hinila ako patayo. “Bayaran babae ka ba?” dagdag nya pa.

     Una ko tinignan si Sena. “Bayaran babae kaagad.” Sinubukan ko hilahin ang braso ko na hawak ni… Drigo.

     Shit hawak ako ni Drigo. Kasabay ng pagpukpok ni flirty side sa isang tambol ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

     “Ang paghalik ng isang babae sa hindi niya kasintahan ay gawain ng isang bayaran babae.”

     Ngumisi ako kay Sena. “Ang halik sa pisngi ay natural na ginagawa sa mundo namin Sena.”

     “Wala ka sinasabi mo mundo mo. Kumilos ka ng angkop dito kung ayaw mo maipadala sa Bahay-Aliwan.”

     Sasagot sana ako pero nagsalita si Drigo na hawak parin ang braso ko.

DayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon