••Panaginip••
Written by: Atengsissy
6:00pm nang gabi, malamig ang simoy nang hangin, maganda at maliwanag ang buwan.. Ako ay nasa sala at nakaupo sa tumba tumba na upuan habang nagkakape.. Nagring bigla ang telepono..
*kriiiing... Kriiiiing*
Kinuha ko ang telopono at sinagot ito
👦 "hello? Sino to? "
Walang sumasagot.. Paulit ulit kong tinanong kung sino cya.. Pero d nagsasalita.. Bigla nalang binaba yung telepono at hinayaan ko nalang baka na wrong call lang yun.. Binaba ko narin ang telepono at bumalik sa inuupuan ko.... Kinuha ko yung cellphone ko, sinaksak ko ang headset at nagpatugtug.. Napaidlip ako bigla....
*Nanaginip*
*Sa panaginip....... *
Akoy nasa sala, nanood nang tv, bigla ako nakarinig nang para bagang may bumukas nang pintuan nang kwarto sa itaas, tumayo ako at umakyat dahan dahan sa hagdanan papunta sa itaas dala dala ang pamalo baka kasi may magnanakaw na nakapasok... Nang akoy nakarating nasa taas, sarado ang pintuan nang kwarto, tahimik naman ang kwarto walang ingay kaya nagtaka ako, lumamig bigla ang simoy nang hangin na nagpapatayo nang balahibo ko, binuksan ko dahan dahan ang kwarto habang binuksan ko ang kwarto sumalobung naman ang lamig nang hangin na parang yumayakap sakin..
Nang pagbukas ko, nakita ko ang isang babaeng nakaputi natalikod at nakadungaw sa may bintana.. Napalaki ang mata ko, akoy pinagpawisan, at nanginginig sa takot, tinitigan ko sya na para bagang kahawig nya ang girlfriend ko..
Biglang lumingon ang babae, akoy napaatras, napakalakas nang tibok nang puso ko, siyay umabante papunta sa akin. Nakita ko ang mukha nyang maganda, labi nyang kay pula at mata nyang nagniningning na parang bituin, siya ang girlfriend ko, patay na siya, namatay sya sa dahil may sakit sya sa puso bago lang. Napaluha ako at napapapikit dahil sya ay nasa aking harapan halo halo ang aking nararamdaman
Hinawakan nya ang kabilang kong pisngi na naramdaman ko ang lamig nang kanyang kamay.. Narinig kong para syang umiiyak, napadilat ako, nakita ko syang nakayuko, imbis akoy natakot bigla akong naglakas loob na syay harapin
👦 "ella?? " nanginginig ang boses ko nang sinabi ko ang pangalan nya
Napatingin sya sa akin
👧 "nathan," bigla nya akong niyakap
👦 "bat, andito ka? "
👧 "nathan sorry sa lahat, sorry sa pagkukulang ko, sorry sa mga araw na kailangan mo ako ay d kita pinagtutu. Onan nang pansin, sorry. Salamat na andun ka sa tabi ko nung kinakailangan kita at lumalaban sa sakit ko.. Andito ako nathan para humingi nang tawad, dahil kahit wala na ako ay d parin mawala sa isip ko ang pagkukulang ko sayo.. "Syay umiiyak habang sinasabi nya yun
Niyakap ko sya at umiyak,
👦 "tahan na, tahan na, ok lang yun, alam mo naman na di kita matitiis, kahit wala ka na ay mahal na mahal parin kita tandaan mo yan, nakaukit lahat nang mga alala mo dito sa puso ko, mahal kita"
👧 "mahal na mahal din kita"
Hinalikan ko sya noo at sa labi, at niyakap ko sya nang mahigpit..
5:00 am, umaga na, biglang tumunog ang alarm clock, nagising ako, na may luha pa ang aking mga mata tumitingin ako sa paligid, naalala ko ang aking napanaginipan ko gabi, tiningnan ko ang picture namin ni ella sa frame na nakapatong sa aparador na maliit.
👦"miss na kita"
Naisipan kong dalawin sya sa menteryo kung saan sya nakalibing, gumayak ako nang mabilis..
Ilang minuto..
Nasa menteryo na ako, dala dala ko ang bulaklak at tsokolateng paborito nya, umupo ako at nilagay ang dala dala ko,
👦 "miss na miss nakita mahal, salamat na sa kahit sa panaginip lang ay nakasama kita, andito ka palagi sa puso ko at d ka mawawala dito, basta tandaan mo palagi na mahal na mahal na mahal kita"
Tumulo ang luha ko nung sinabi ko ang mga iyon, naalala ko nalang ang mga masasayang araw na magkasama kami at nang mga ala alang na d makakalimutan.
Strawberry🍓
--end--
YOU ARE READING
PANAGINIP
HorrorIsang maikling kwento na may kunting kababalaghan na kung saan ang isang taong minahal nya nang sobra ay bumalik at nagpakita sa kanya para humingi nang tawad sa kanya.
