Yumuko ako para itago ang pagkabigo sa aking mukha. Lumapit si Lukas sa akin at hinawakan ang aking baba. Half of his face was illuminated by the moon while the other half was covered by the darkness of the night. I sighed painfully as I swallow the funny metaphor. Lukas is light and dark, a mystery and an answer all at the same time. He's the mixture of sweet heaven and painful hell.

Umigting ang panga niya bago hinawakan ang aking batok. Huminga siya ng malalim na para bang hirap sa susunod na sasabihin.

"Sinira ng mga mayayaman ang buhay ko, Noelle. Sinira ng mga may kapangyarihan ang maraming buhay dito sa isla."

Lumunok ako bago kumunot ang aking noo. Lukas breathe so hard and I reached for his chest. His heart was drumming so bad against my palm.

"Luke..."

He opened his eyes and stared at me. His bloodshot gaze filled with anger searched my face. Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinawakan ang magkabila niyang pisngi para maibsan ang paghihirap niya.

Binaling niya ang mukha pakaliwa bago lumapat ang labi sa aking palad. Violent shivers ran down on my spine as I felt his lips on my bare skin.

"T-they killed my mother..." his voice broke. Tumulo ang luha sa kanyang kaliwang mata at pumatak iyon sa aking palad.

"Lukas...stop.." I whispered. My voice shook as I watch him in pain. My heart just went out to him as he struggled in narrating his story.

"Twenty three years ago, a rich family came here. Hindi pa moderno ang isla namin at hindi rin bukas sa turismo. Namumuhay lang ang mga tao sa pangingisda."

Huminto siya at huminga ng malalim. Bumaba ang kamay ko at agad niya iyong hinagip at hinawakan.

"Nagtayo iyong mayaman na pamilya ng minahan rito, sa may dulo lang ng isla. Maraming umapila noon pero mas maraming mga taga isla ang nasilaw sa pera. Sumama sila at naging minero ng pamilyang iyon. Isa sa mga naging empleyado nila ang inay ko."

His thumb absentmindedly played with my hand. He was trying his best to calm down but the memory of his pained past haunts him now.

"Nakilala ng inay ko si Soren Cirineo, anak ng may ari ng minahan. Minahal siya ni inay pero..."

Pumikit siya ng mariin. His adam's apple bobbed savagely as he control his ravaging emotions.

"Nagkaroon ng malakas na bagyo sa isla pero hindi pinatigil ng mga Cirineo ang operasyon sa minahan. Nagkaroon ng landslide at maraming namatay."

"Kasama ang inay mo?" tanong ko. Madilim ang mukha ni Lukas noong umiling siya.

"Hindi. Pero tinakbuhan ng mga Cirineo ang pamilya ng mga namatay. Kasama nilang umalis si Soren para bumalik sa Maynila."

Napapikit ako. Kahit hindi tapusin ni Lukas ang kwento ay may ideya na ako. If my hunch is right, then, he has all the rights to hate every rich person that he would cross paths with.

"Sumunod si inay sa Maynila para kay Soren. Pero noong makarating siya roon ay sumalubong sa kanya ang balita na ikakasal na si Soren sa isa pang anak mayaman. My mother came back here heartbroken. Sa kanya rin hinahanap ng mga taga isla ang pamilyang Cirineo. Alam ng lahat na naging karelasyon ni inay si Soren kaya siya ang napagdiskitahan."

I bit my lip and pulled him to sit beside me. Umusog ako at kahit maliit ang bato para sa aming dalawa ay pinagkasya niya kami. Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan iyong pinisil.

"Hindi alam ni inay na buntis na pala siya sa akin. Noong manganak siya ay iniwan niya ako kay Lola Esmeng para subukang lumapit ulit kay Soren," umiling si Lukas at tinitigan ang malawak na dagat.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon