SMTAPBCH 32

3.7K 66 2
                                    

LJ's P.O.V.

(after 7 months...)

nasa mall ako ngayon namimili mag-isa, agad akong nagpunta sa section para sa babies...kasalukuyan akong namimili nang may mabangga ako...

"oh, I'm sorry"-sabi ko

"ok lang"-sabi nya

teka...pamilyar yung boses nya, pagtingin ko...

"Kyron?"-gulat na tanong ko

"yes babe"-nakangiting sagot nya

"anong ginagawa mo dito?"-nakangiting tanong ko

"pumapasyal...bawal ba?"-tanong nya

"no, I mean dito sa section for babies"-sabi ko

"ahhh, yun ba? bibili ako ng para sa inaanak ko, kung payag kang maging ninong ako"-sabi nya

"sige ba!"-pagsang-ayon ko

why not? kilala ko at naging kaibigan ko rin naman sya...

"Really?"-masayang tanong nya

"oo naman"-masaya ring sagot ko

"oh sya, sabayan na kita, baka mapano ka pa"-sabi nya

naglibot at namili kami ng gamit para sa babies ko at dahil nagutom ako, sa Jollibee ang bagsak namin...

"grabe ka, LJ"-manghang sabi ni Kyron

"V-Vakit?"-sabi ko habang ngumunguya

"wala, kumain ka nalang ng kumain"-sabi nya

ang pagkain ko lang naman ay spaghetti with chicken, fries, burger at coke...akin lang lahat yun, hehehe...after ng ilang minuto, naubos ko na lahat yun...pagtingin ko kay Kyron, nakapout sya...

"bakit?"-tanong ko

"Grabe ka talaga...lakas mong kumain, mamumulubi ako sayo"-sabi nya

"sino ba kasi nagsabing ilibre mo ko?"-taas-kilay kong sabi at tumayo na

"ok, ok"-pagsuko nya

binuhat nya lahat ng pinamili at sumunod na...

"huy, LJ sorry na"-sabi nya habang papunta kami ng parking lot

"oo na"-sabi ko

"napipilitan ka lang ihhhh"-reklamo nya

"ayaw mo? sige, bahala ka"-sabi ko at naglakad palayo

"LJ! wait lang! oo na, sabi ko nga..."-pahabol nya

natatawang bumalik ako sa kung nasaan sya...

"bakit ka tumatawa?"-nakapout na tanong nya

ang cute....sa sobrang cute nya, biglang...

"ou-ouch, LJ"-reklamo nya

ang cute nya kasi kaya kinurot ko ang pisngi nya...

"ang sakit nun ah"-nakabusangot na sabi nya

pumasok na ko sa kotse nya habang nilalagay nya yung mga pinamili sa backseat...pagpasok nya...

"pwedeng pahatid ako sa bahay"-sabi ko

"Sure!"-sabi nya

"alam mo ba kung saan?"-tanong ko

"oo naman"-sagot nya

"paano mo nalaman?"-tanong ko

"kasi doon ako galing kanina, may pinahatid si Cross"-sabi nya

"anong pinahatid nya?"-tanong ko pa

"secret..."-sabi nya

"What?!ano nga yun?"-tanong ko ulit

"di ko pwedeng sabihin"-sabi nya ulit

"bakit?"-tanong ko ulit, curious ako eh

"kasi sikreto nga yun"-sabi nya ulit

"k!"-sabi ko at tinalikuran sya

kung ano man yun, aalamin ko yun...

Author's P.O.V.

'sorry LJ, pero di mo dapat malaman yun'-sa isip-isip ni Kyron

naging tahimik ang paligid nilang dalawa at ramdam ni Kyron na galit si LJ dahil ayaw nyang sabihin kung ano man yung pinahatid ni Cross...pero di nakatiis si Kyron at binasag ang katahimikan...

"LJ..."-tawag ni Kyron

"..."-di ito nagsalita

"sorry na"-sabi nya

"..."-di pa rin ito nagsasalita

minabuti ni Kyron na manahimik nalang, hayaang makapagpahinga at makapagisip-isip si LJ...

sa kabilang banda naman ay isa ng CEO si Alexis sa kanilang kompanya...nagsikap sya para kay LJ at umaasang babalik ito para sa kanya, para sa magiging anak nila pero hindi, 7 buwan na ang nakalipas pero ni minsan di ito bumalik o nagparamdam manlang kaya nagfocus nalang sya sa pagpapatakbo ng kompanya nila...kalagitnaan ng trabaho nya nang pumasok si Joy sa office nya...

"hey babe"-bati ni Joy sa kanya pero di nya ito pinansin

"babe"-tawag ni Joy sa kanya

"don't call me 'babe' matagal na tayong wala"-seryosong sabi ni Alexis at binalikan ang ginagawa

"akala ko ba---"-naputol ang sasabihin ni Joy

"akala mo lang yun, wag kang mag-assume na 'MAHAL NA ULIT KITA' dahil hinding-hindi na mangyayari yun..."-pokerface na sabi ni Alexis

"si LJ pa rin ba?"-tanong ni Joy

"oo!"-diretsong sagot ni Alexis

"Angelo, please...kahit ngayon lang, ako muna...ako muna yung mahal mo"-sabi ni Joy

"no! never!"-sabi ni Alexis

"lagi nalang si LJ, LJ, LJ! ako yung nandito, Angelo! ako yung kasama mo"-umiiyak na sabi ni Joy

"oo...ikaw yung nandito, ikaw yung kasama ko...pero hindi ikaw si LJ, Hindi ikaw yung babaeng mahal ko kaya hindi ko maibibigay ang gusto mo"-seryosong sabi ni Alexis at umalis sa sariling opisina....

umalis sya ng kompanya at dumiretso sa bar para uminom...habang umiinom sya, di nya maiwasang umiyak....

"asawa ko, please bumalik ka na"-umiiyak na sabi nya

patuloy syang umiinom habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha nya...

"I'm sorry, asawa ko...mahal na mahal kita"-yun ang huling sinabi nya bago makatulog dahil sa kalasingan...

*****
A/N:
Long time no ud ba? Hahaha sorry busy lang me...so, sana may mag-abang pa hanggang ending...yun lang at maraming salamattttt....

Secretly Married to a Possessive but Cassanova HeartthrobWhere stories live. Discover now