"Doc Raffy, hindi pa po ba kayo uuwi?"
Si Ivy, sikretarya ko. Agad naman akong napa-tingin sa wall clock na nasa bandang kanan ko. Mag aalas-sais na ng gabi, hindi ko na naman namalayan ang oras.
"Okay lang ako, Ivy. May tina-tapos lang ako, uuwi rin ako pagkatapos."
Nakangiti kong tugon habang ang mga mata'y nakatuon na sa mga papeles na hawak ko.
"Okay po, Doc Raffy. Ingat po kayo pauwi."
Nag 'okay' sign nalang ako bilang sagot. Maya-maya, narinig ko na ang pagsara ng pinto. Huminto ako sa ginagawa ko at agad na nilingon ang pintoan. Walang araw na hindi ako nakakaramdam ng lungkot sa tuwing ako nalang mag-isa ang natitira.
When I entered college, that's when I became independent. Ako nalang kase at ang Kuya Donny ko ang natira sa pamilya namin. Our parents died on a plane crashed when I was 15 years old. Papunta sila ng China para sa isang business fair ng mag crashed ang eroplanong sinasakyan nila. Dalawa sila sa mahigit dalawang daang pasahero na namatay. Simula ng araw na iyon, ang Kuya Donny ko na ang nagsilbing magulang ko. Second year college palang siya noon at kumukuha ng kursong Political Science ng mapilitan siyang mag shift ng kursong Business Administration. Siya na rin ang nag asikaso ng business na iniwan ng mga magulang namin. Sa isang buwan, halos isa o dalawang beses lang kaming magkita dahil sa busy schedule niya. Sa totoo lang, naaawa ako sa kanya. Alam ko kaseng gusto niyang maging lawyer kesa maging taga pag asikaso ng business na naiwan ng mga magulang namin. Samantalang noong mag college ako, hinayaan niyang piliin ko ang kursong gusto ko.
Agad namang nabaling ang atensyun ko sa pagpasok ni Mang Efren, isa sa mga Janitor dito sa ospital na pinagta-trabahoan ko.
"Doc Raffy, nandito pa pala kayo? Aba'y pasensya na at hindi na ako kumatok, akala ko kase'y wala ng tao. Ako'y maglilinis lang sana."
"Naku, kayo talaga Mang Efren. Wala po'ng problema yun. Paalis na naman din po ako."
Nakangiti kong sagot habang inaayos ang mga gamit ko. Nang masigurado kong wala na akong naiwan, agad akong tumayo at nagpaalam na kay Mang Efren.
Tinungo ko agad ang elevator. Pipindotin ko na sana ang floor ng parking area ng maalala kong coding nga pala ngayon ng sasakyan ko kaya't dumiretso nalang ako sa ground floor. Pagkalabas ko ng ospital, agad akong dumiritso sa bus stop para maghintay ng bus. Kapag gabi, mas komportable akong sumakay ng bus kesa mag taxi. Mas gusto ko kase ng may naririnig akong ingay sa karamihan.
Pagkasakay ko, agad kong inilibot ang paningin ko para humanap ng bakanteng upuan. Sakto namang may bakante sa kaliwang banda kaya agad kong tinungo iyon.
Mahigit sampung minuto palang simula ng umandar ang bus ng dumaan ito sa may Edsa. Agad ko namang kinuha ang airpods ko sa bag at pumili ng kanta. Ito ang parati kung ginagawa kapag nasa may bandang Edsa na. If there's one thing I realized is that kahit pasensyoso kang tao, mawawalan at mawawalan ka talaga ng pasensya kakahintay kung kailan aabante ang bus.
Maya-maya, nabaling ang atensyun ko ng may itinuturo ang iilang pasahero sa may bandang unahan ko.
"May ganyan ka gwapo pa palang nilalang na nabubuhay?"
"Gwapo na nga, ang yaman pa. Big time!"
"Wag kang mag ambisyon girl, langit yan."
"Napanuod ko 'yan kahapon sa TV sa isang interview. Kay gwapong bata pero kay sungit mag salita."
Sabay-sabay na sambit ng mga pasahero.
Out of curiosity, napasulyap din ako sa direksyun na tinitingnan nila at isang malaking billboard ang tumambad sa paningin ko.
It was a huge on. On that billboard was a portarait of a man with the prettiest face you could ever see, looking like a Greek God in a business suit. His eyes were blank but extremely full of authority.
Nagbabadya ang mga luha ko. Pilit kong pinipigilan ito ngunit sobrang sakit. Bakit? Paano? Isa-isa, bumabalik lahat ng mga ala-ala. Nang tumugtog ang sumunod na kanta, tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina pa gusto kumiwala.
"All I want is nothing more
To hear you knocking at my door
'Cause if I could see your face once more
I could die a happy woman, I'm sure
When you said your last goodbye
I died a little bit inside..."
"Lucas..."
Wala sa sariling nasambit ko.
ESTÁS LEYENDO
Beautiful Mess
RomanceLucas Santillan, a chinise-filipino who is an arrogant, rich, handsome, and the Heir of the Santillan Group of Companies. Fame, money, power, lahat nasa kanya. He is feared by many because everyone knows na kaya niyang durugin lahat ng babangga sa k...
