“You’re idling Spencer.” It was Mitch.

“W –what?” Maang na tanong niya.

“I was asking if you saw your brother, I remember that I need to talk to him.”

“Oh, Killian? I think he’s in the hotel.” Wala pa rin sa sariling tugon niya.

“Okay, thank you.” Nagmamadaling umalis si Mitch, alam niyang kunyari lamang ito na hinahanap si Killian pero ang totoo ay gusto lamang nitong makalayo sa kanya. Daig pa niya ang may malubha at nakakahawang karamdaman kung layuan nito. Mabuti pa si James, ni minsan ay hindi siya nito itrinato kagaya ng pag trato ni Mitch sa kanya.

Napapadyak siya, bakit ba niya ipinagkukumpara ang dalawang lalaki at bakit ba tila lumalamang si James samantalang si Mitch naman ang talagang gusto niya?

Kinuha niya ang cellphone at naiinis na tinawagan si James, naninibago lamang siya na wala ito kaya kung anu –ano ang naiisip niya, kapag dumating iyon dito ay tiyak na maiinis lang siya dito at mas gusto niyang mainis na lamang dito kaysa naman ang na –mi –miss ito.

Lalo siyang napapadyak.

“I’m not missing him!” Hindi niya napigilang sabihin maski wala naman siyang kausap bukod sa sarili niya.

Lalo siyang nainis nang ang operator ang sumagot sa tawag niya, nakapatay ang cellphone nito, baka may kasama itong babae kaya nakapatay ang cellphone. Sa naisip niya ay damang –dama niya ang pagngingitngit ng kanyang kalooban. Sumunod na lamang siya kay Mitch para hindi siya mainis pa kay James, dapat ding samantalahin niya na wala ito. Walang sasagabal sa mga plano niyang makuha si Mitch.

-

“Pare, bakit hindi ka pumupunta sa race?”

It was Mitch. Tapos na ang huling Grand Prix at pinuntahan na siya nito sa opisina niya, inabutan siya nitong abala sa ginagawa.

“As you can see, busy ako Mitch, pasensya ka na, hayaan mo at sa susunod ay pupunta na ako.”

“Si Spencer kasi, damn her, she’s all over the place, kung nasaan ako ay nandoon din, nilagyan yata ng babaeng ‘yon ng tracking device ang katawan ko.”

Ngumiti siya, pero nakadama siya ng pagkainis kay Spencer, bakit ba kasi ang kulit nito at ayaw pang tigilan ang kaibigan niya, narito naman siya.

“Don’t worry, pagkatapos ko dito ay ako na ang bahala sa kanya.”

Tumango tango lamang ito sa kanya, tapos ay lumakad ito patungo sa couch at nahiga doon.

“Hintayin kitang matapos dyan.”

“Hindi mo man lang ba ako tutulungan dito?” Natatawang tanong niya dahil daig pa nito ang nasa bahay kung humilata sa opisina niya.

I've never been this nasty 2 (JAMES FRANCESCO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon