(Malalaks na katok)"Hoy, bumangon ka na! Malalate ka na naman! Kuya!" (binuksan ang mga bintana, habang niyuyugyog ni Selene ang kama ng kuya) "Kuya!!!" (Hinatak yung kumot at dinilat ang mga mata) "oohhh ok! Ok na! Eto na babangon na! (hinaing niya sabay inat ng mahaba)
(puno ang kwarto ni Sky ng mga poster ng banda, gitara sa gilid, computer at mga libro, kalat kalat na damit at kung ano ano pang basura)
"hhaayss, bagong araw pero hindi nakakanibago"
(kumilos na siya at nagmadali papasok, nagsimula din siya makinig sa phone niya ng mga kanta, sabay naman tugtog sa pagsakay niya sa jeep. Habang umaandar, pinagmamasdan niya ang estado ng kanya dinadaanan na tila hindi na magbabago.)
(pagdating na pagdating niya ng classroom agad naman siya binati ng 2 niyang kaibigan) "Sky!"(akbay) "nagawa mo na yung assignment natin sa Stats?" (ani ni Polo habang nakangisi at parang nangaasar) "huh? Malamang! Di naman ako kasing tamad mo." (iritadong sagot ni Sky) "Ayos! Pakopya naman hehe", "wala talagang silbing kaibigan tong si Polo eh noh Sky?", "Grabe ka sakin Marvin" (patawang kinukuwa sa kamay ni Sky yung assignment nila)
(ilang minuto lumipas at nagsimula ang klase pero wala sa silid ang isip ni Sky, pero kahit ganun naririnig niya padin ang tinig ng guro niya) "Ok for our world literature class, i would like to share with you guys a movie i had the pleasure to watch recently last weekend, although this might be a little out of your taste but it has a great heartwarming story, this ones an anime film entitled Kimi No Na Wa or in english is Your Name. " (medyo umingay ang klase at kinakatyawan ng mga estudyante ang kanilang professor) "Hhooyyy grabe kayo guys!!" (tinig ng kanilang president ang umalingawngaw) "ehem, napanuod ko na po yan, maganda naman yan masyado kayong mga judger, tungkol kaya yan sa fated love, yung parang nagconspire ang mundo para maging sila." (tilian ang mga babae at kanya kanya na ulit ingay)
(nakatulala si Sky sa pinto nila habang nakalagay sa kaliwa niyang tenga ang isang earphone niya at nakikinig ng music) "Kasi guys kung mean't to be kayo, kayo padin kahit anong mangyari, pero kailangan padin mageffort noh, di dapat sa tadhana nakasalalay lahat." (ani ng isa niyang kaklaseng babae) "huh, ganun pala yun (bulong ni Sky sa sarili)
(Natapos ang araw na halos wala namang iba, nagpaalam na si Sky sa mga kaibigan niya at nagdesisyon siya maglakad nalang pauwi tutal di naman ganun kalayo bahay niya, habang naglalakad siya sa tulay may napansin siyang babaeng nakatayo, bahid sa muka nito ang lungkot, pero nagpatuloy siya sa paglakad sa kabilang panig ng kalsada, saktong pagalis ng babae may nakita siyang nahulog na jolen, sinubukan niyang habulin yung babae pero nilamon na to sa dumog ng mga tao, itinuloy na lamang niya ang paglalakad hanggang makauwi siya. Madilim na nung nakarating siya sa kanila at rinig niya sa tv ang balita tila may aksidente sa kanilang lugar.) "Nang dinala ang biktima sa ospital agad na itong binawian ng buhay."
"Hoy, bumangon ka na! Malalate ka na naman! kuya!" (binuksan ni Selene ang bintana at niyugyog ang kama ng kuya niya) "Kuya!!" (Hinatak niya ang kumot at dinilat ang mga mata) "Ohh ok na eto na babangon na" (naalala niya padin yung nangyari kahapon) (Muli siyang kumilos at pumasok, dumaan ang jeep sa tulay)
(Pagdating niya ng klase binati siya ng 2ng niyang kaibigan) "Sky!" (akbay) "Nagawa mo na yung assignment natin sa Stats?" (ani ni Polo habang nakangisi at parang nangaasar) "huh?, teka? Stats? Di ba kahapon pa yun?" (nagtatakang tanong ni Sky) (napakamot naman si Polo) "wag mong sabihin pati ikaw di gumawa?" (ani ni Marvin) "huh eh di ba pinasa na kahapon yun?" (tinignan niya ang bag niya ang laking gulat niya na andun padin ang assignment nila) "Hala! Di ko ba to napasa?!!", " Baliw ka na pre? Yan yung hinihingi ko sayo eh." (agaw ni Polo) "Salamat!", "Teka nga patingin nga niyan" (inagaw ulit ni Sky at tinignan niya, yun nga ang assignment nila) "mga pre feeling ko nadedejavu ako, as in nangyari nato lahat." , "Baliw ka na nga Sky" (asar ni Polo) "feeling ko kakatulog mo yan ng nakaearphone, natatambol nadin siguro utak mo hahaha" (kantiyaw naman ni Marvin) "Hindi gago, ewan ko, yaan niyo na. (nagsimula ang klase) "Ok for our world literature class, i would like to share with you guys a movie i had the pleasure to watch recently last weekend, although this might be a little out of your taste but it has a great heartwarming story, this ones an anime film entitled Kimi No Na Wa or in english is Your Name" (Biglang nagising ang diwa ni Sky) (nagcommento na muli ang kaklase niyang babae) "kasi guys kung meant to be kayo, kayo padin kahit anong mangyari, pero dapat padin mageffort di dapat nakasalalay sa tadhana ang lahat" (sinabayan niya ng bigkas ang kaklase niyang babae at nagtinginan ang lahat sa kanya at pinagaasar silang dalawa)
YOU ARE READING
Dapithapon
Mystery / Thrillerfirst tagalog story, would try to modify it more.. thanks and tell me what you think
