TTG: 38 - Big Problem

Start from the beginning
                                    

Nagising ako dahil narinig kong umiyak si Kezya kaya nagmadali akong puntahan siya.

Kahit anong pilit kong tanungin kung ano'ng nangyari , hindi siya nagsasalita. Nag aalala na ako sa kaibigan ko.

Wala na akong nagawa kung hindi yakapin na lang siya. Hinayaan ko na lang siyang umiyak, sa bawat paghinga ni Kezya at sa bawat iyak niya, mararamdaman mo ang sakit na nararamdaman niya, she must have a big problem.

Nang huminahon na siya ng kaunti ay inabutan ko agad siya ng tubig. " Kez, tell me. What happened? " kalmado kong sabi habang nakahawak sa magkabilang braso niya.

May luha pang tumulo sa kanang nata niya na agad naman niyang pinunasan. " Si Sam, n-nacomatose siya. Inatake na naman siya ng sakit niya, Alexa. " sabi niya, nanginginig ang mga kamay niya kaya hinawakan ko 'yon ng mahigpit.

Nagulat ako sa narinig ko, naikwento na sa'kin ni Kezya ang tungkol sa kapatid niya, pareho silang may sakit. Nakakagulat lang na nacomatose ang kapatid niya. Muli, niyakap ko na naman siya ng napakahigpit. Hindi ko pa man nakikita si Samantha, pero hindi ko din maiwasang mag alala sa kanya, nakakagulat, nakakabigla lang talaga ang lahat.

Nagsimula na naman,siyang umiyak kaya hinagod ko lang 'yung likod niya. " Kezya, nandito lang ako, nandito lang kami kaya please be strong. Gigising pa si Sam, gagaling pa siya. "

" A-Alexa tumawag kasi s-sa'kin si Mommy eh, tapos ang sabi niya n-nacomatose si Sam, gusto ko silang puntahan. Alexa, gusto ko silang puntahan. " wala na akong nagawa kung hindi yakapin ko na lang siya. Hinayaan ko na lang siyang magsalita.

" Ang bigat sa pakiramdam. Hindi man lang agad sinabi sa'kin ni Mommy na last week pa pala nacomatose ang kapatid ko. " nahihirapan na s'yang magsalita dahil sa sobrang iyak niya. Naaawa ako sakanya, kung ako siguro ang nasa sitwasyon niya, masasaktan din ako. Imagine, wala kang kaalam alam na nacomatose ang taong mahal mo sa buhay.

Ilang minuto pa s'yang umiyak bago ko naramdaman na tumataas baba ang likod niya, hanggang ngayon kasi nakayap pa rin ako sa kanya. Tinignan ko siya at tulog na nga. Dahan dahan ko s'yang hiniga sa kama.

Kahit tulog siya, halata pa rin sa mukha niya na malungkot siya, sobra siyang nag alala para sa kapatid niya. " Everything will be alright. " sabi ko kahit tulog siya.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi muna siya siguro papasok ngayon. Naghanda na ako at inayos ang sarili. Naghanda din ako ng makakain ni Kezya incase na magutom siya, nilagay ko 'yon sa bedside table at naglagay na rin ako ng note.

Eat this if you're hungry,
'Wag ka na munang pumasok, just rest, okay?:)
                              - Alexa

Muli kong sinulyapan si Kezya bago ako lumabas at dumeretso sa school. Pagkarating ko r'on, andaming nagkukumpulan sa may bulletin board.

Teka, anong meron d'on? Agad akong lumapit, pero hindi ko gaanong makita dahil masyadong maraming tao at nakaharang pa ang mga cellphones nila dahil kinukuhanan nila ng litrato 'yung nasa bulketin board.

Dahil sa inis ko, nagtanong na labg ako. " Ano'ng meron? " tanong ko sa katabi kong babae.

" Meron kasing poster na nakalagay sa bulletin board, litrato siya ng isang lalaki na kasama 'yung babae. Dito sila nag aaral. " mukha pa siyang inosente, nerd din kasi siya eh.

Dahil sa narinig ko, napakurap kurap ako. Seriously? Pati ang dalawang lalaki at babae, gagawan nila ng issue? Tsk, they're so childish ang immatured. Pati ba 'yon, ikakalat nila?

Tumalikod na lang ako at akmang maglakakad na paalis nang may hindi ako sinasadyang marinig.

" Grabe, ang landi pala ng nerd na 'to noh, landiin ba naman si Rein? " napantig ang tenga ako nang marinig ko ang pangalan ni Rein at naningkit ang mata ko. Sino ba ang tinutukoy nilang babae? At involve pa talaga ang kaibigan ko, ah?

 Tutoring the GangsterWhere stories live. Discover now