Simula

23 6 30
                                    

1962

"Te prometo solo mi amor"

Translate: I promise you only my love

"Pangako din Ysabelle kahit ikakasal ka na"sabi ko at pinupunasan ko luha niya sa mata niya. Nag aral din ako ng wikang espanyol

"I love you"sabi niya pero 'di ko naintindihan ang wikang 'yon

"No, i mean. Mahal kita"sabi niya at napangiti ako tsaka niyakap siya

"Mahal din kita, Ysabelle"sabi ko kaya hinayaan ko na siyang umalis

"Paalam..."bulong ko

Biglang tumutusok ang puso ko dahil palayo na siya ng palayo

Aking mahal... kahit dumaan ang ilang siglo. Ikaw at ikaw lang ang aking mamahalin.

Pinunasan ko ang aking mga luha sa aking mga mata

Tatalikod na sana ako may bigla akong narinig na sigaw sa likod

"SAAN KA NANGGALING YSABELLE?!"narinig kong sigaw ni Alejandro "PINAGTATAKSILAN MO BA AKO?"

Dali dali akomg nagtago sa likod ng puno tsaka sinilip sila

"Makinig ka! Alejandro! Wala akong ginagawang masama!"sigaw ni Ysabelle

"Tama ba sa babae na pumunta dito ng hating gabi na?! MAY Nililihim ka ba sa akin?!"galit na

"Wala, Alejandro! Tara na't baka hinahanap na tayo ni papa"

"Hindi maari! Gusto ko malaman ko. Kung ano ang ginagawa mo dito sa likod ng aming Mansyon!"hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya lumabas na ako sa likod ng puno. Dahil hindi ko kayang nakikitang nasasaktan si Ysabelle

"Ako ang kasama niya, Alejandro"diin kong sabi

"Samuel... Please Go away!"sigaw ni Ysabella pero 'di ko naintindihan

"ANO ANG IYONG SINASABI YSABELLA?"Galit na tanong ni Alejandro kay Ysabella

"Samuel..."

"PINAGTATAKSILAN NIYO BA AKO?!"sigaw ni Alejandro

"Alejandro, mali ka ng iyong iniisip"sabi ni Ysabelle kaya nanatili akong tahimik dito

"Ikaw? Samuel?! Tinuring kita na parang kapatid tapos ito ang igaganti mo sa akin?"sabi ni Alejandro

"Alejandro, mali ang iyong iniisip. Walang namamagitan sa amin ni Samuel"

"Eh ano ito?! Simula ngayon tapos na ang ating pagkakaibigan!"sabi ni Alejandro tsaka umalis kasama si Ysabelle

Umalis na ako sa lagi naming tagpuan ni Ysabelle at habang naglalakad ako sa ilalim ng buwan na nagbibigay ng kaunting liwanag sa paligid.

May mga kawal ni Alejandro na biglang hinarangan ako at pinosas

"Sandali! Anong ginagawa niyo? Wala akong kasalanan!" Sigaw ko

"Sumama ka sa amin at pinapa utos ito ni Señor Alejandro"sabi ng kawal kaya sumunod na ako

Hanggang sa napuntahan namin ang aming pupuntahan bigla nila ako kinulong sa isang masangsang na amoy mukhang may mga bahid pa ng mga dugo ng tao rito.

"Pakiusap! Anong gagawin niyo sa akin? Pakiusap lang! Itigil niyo ito! Wala akong ginagawang masama!"sigaw ko

'Di nila ako pinansin kaya bigla na lang nilang sinarado ang pintuan tsaka pinatay ang ilaw sa gasera.

Ito na ba katapusan ko?

Narinig ko na lang may nagsisigawan sa labas na may sunog daw.

Nagulat ako nasusunog na rin ang paligid ko pero wala na akong pakealam.

Ito na ata huling beses na makikita ko si Ysabelle ngunit ang pagkikita na yun ay pagpapalaya namin sa isa't isa.

"Samuel!"napatingin ako sa taas ng bintana na nasira

"Narra? Anong ginagawa mo diyan? Baka ika'y mahulog"sabi ko

"Ayos lang mahulog, Samuel. Kung sayo ako mahuhulog"sabi niya "biro lang"dagdag niya pa"tara na Samuel! Ililigtas kita! Ilalayo kita dito sa lugar na ito! "Sigaw niya

'Teka lang"sabi ko at buti na lang may upuan na maliit dito. Abot ang sirang bintana na nabuksan ni Narra.

"Ipalit mo itong damit mo! Ipapalabas nating ika'y patay na para hindi ka na hanapin ni Alejandro"sabi niya at tsaka may binatong damit para sa akin

Nawala na sa bintana si Narra kaya nagbihis na ako at ibinato

Umakyat ako sa bintana

Ito na ang simula, simulang kalimutan ang babaeng minahal ko.

Nang nakababa ako sa bintana tumakbo kami ni Narra

"Nga pala, Samuel. Dala ko ang iyong kuwaderno"sabi niya at napangiti ako

"Salamat, Narra."sabi ko at pumunta na kami ng Daungan

Nakita ko bigla si Ysabelle

"Señora Ysabelle, si Señor Samuel ay patay na din kasama ang kanyang mga magulang"

Biglang nanuyo ang aking lalamunan

Si mama at papa?... patay  na? Paano

"A-Ano?... paanong namatay si Samuel!? Nasan siya! Gusto ko siyang makita!"sigaw ni Ysabelle. Dinudurog na naman ang aking puso

Ikaw lamang, ang tangi kong minamahal.

"Señora! Saglit lang po! Baka mapagalitan po kayo ni Alejandro"

"Samuel, tara na. Papaalis na ang barkong sasakyan natin"sabi ni Narra kaya umalis na kami tsaka sumakay

Paalam Ysabelle. Hanggang sa muli. Maraming salamat sa lahat

~*~

AUTHOR'S NOTE

Hello! Correct me if i'm wrong HAHAHAHAH tsaka trip ko lang din gumawa ng Historical Stories! Tsaka wala akong alam sa panahon na yan Hahahaha pero pag aaralan ko para sainyo yieee! Sana magustuhan niyo! Lovelots!

~Owwcieeee

The Story Of Us (On-Going)Where stories live. Discover now