Dummy Account Part 1

66 5 5
                                        

Nichole Anne...

Nakilala ko siya sa roleplayer world simula noong gumawa ako ng Dummy Account. Ang DP niya ay ang sikat na kpop idol na si Joy ng Red Velvet, samantalang ang DP ko naman ay ang Sungjae ng Btob.

Siya ang unang naging kaibigan ko sa RP world. Madali lang siyang maging close dahil sa happy-go-lucky niyang ugali.

At sa hindi inaasahang pangyayari... nahulog ang loob ko sa kaniya... sa mundo kung saan... ang lahat ay hindi totoo.

Nichole Anne
Active Now

Nichole Anne
Gud Morning Hampri :)

Humprey Gabreill
Gud Morning den :)

Nichole Anne
Kumain kana?

Humprey Gabreill
Hindi pa. Ikaw?

Isa sa mga nagustuhang ugali ko sa kaniya ay ang pagiging maalalahanin niya.

Nichole Anne
Kumain na ako. Kumain kana den :)

Humprey Gabreill
Sige kakain na ako. Sabi mo eh ;)

Alam kong maling mahulog ang loob ko sa taong hindi ko naman kilala at maling mahulog ang loob ko sa loob ng mundong 'to kung saan ang lahat ay hindi makatotohanan.

Maaari lang ako masaktan pero hindi ko na iniisip pa 'yon. Ano naman kung masaktan ako? At least masaya akong ka-close siya.

Napabuntong hininga ako.

"Oy, kakain kaba o tutulala nalang dyan? Lalamig na yung pagkain!" Sabi ni Mobi, magana itong kumakain.

"Tss inubos mo na lahat ng pagkain natin eh! Ano pa bang makakain ko eh kinain mo na lahat!?" Umismid ako.

"Sorry naman! Gutom lang! Atleast diretso sa tyan ko eh ikaw? Tinititigan mo lang na akala mo ay magkakabuhay at biglang lalapit sa bibig mo para makakain ka!"

"Tss..."

Hindi ko nalang siya sinagot. Siya si Mobi, ang aking bestfriend simula nung Grade 4.

"Oy. Balita ko may ka-rs ka sa RPW?" Tanong ko sa kaniya.

Napatingin siya sa akin bago tumango-tango. "Oo. Meron nga. Paano mo nalaman?"

Ngumisi lang ako sa kaniya. "I have my ways." Hindi naman na siya kumibo.

Uwian na namin at excited na ako umuwi sa bahay dahil maki-kipag chat na ako sa kaniya.

Kaso di lang naman niya ako kausap eh, marami siyang kausap. PERO AYOS LANG AKO NA MASAKTAN BASTA MASAYA SIYA.

At ngayong araw na 'to ako aamin sa kaniya.

Nichole Anne
Active Now

Nichole Anne
Oy! HAMPREEEEEEE!!

Seen by Humprey✔

Nichole Anne
Oy! Wag mo akong i-seen :(

Seen by Humprey✔

Nichole Anne
Hmp! Seener ka ah!

Seen by Humprey✔

Nichole Anne
Hindi na kita papanSEENin isang SEEN mo pa!!!

Humprey Gabreill

Typing...
May sasabihin ako sayo :)

Nichole Anne
Hoy! SEENER KA ha! Alam mo bang kinabahan ako don!? Akala ko parehas kayo ng mga ibang naging kaibigan ko dito sa RPW. MGA MANG IIWAN!! 😭😭😭😭😭😭😭

Humprey Gabreill
Oy. Sorry na
:( wag kana umiyak. May sasabihin ako sayo :)

Nichole Anne
ANO!?

Seen by Humprey✔

Nichole Anne
Tignan mo to!! Bahala ka jan!! Mag lalog out na ako!

Nichole Anne
Active 1 minute ago

Napahawak ako sa dibdib ko. Malakas ang tibok ng puso ko. Napabuntong hininga ako. Nagalit pa ata sa akin si Nichole. Sana wag naman.

Nanginginig ang mga kamay ko habang nagtatype. Naisipan kong umamin kay Nichole habang hindi siya active. Kinakabahan kasi ako. Baka mareject ako.

Nichole Anne
Active 5 minutes ago

Humprey Gabreill
Nichole. Sorry kung sineen kita kanina. Kinakabahan lang talaga ako. Sorry talaga. So eto nga. May sasabihin sana ako sayo. Nichole... I like you. No. I love you. Di ko alam kung kailan nagsimula pero ang alam ko nahulog nalang ako bigla sayo. Sorry kung masira ko man ang friendship natin kahit dito lang sa RPW. Pwede bang maging totoohan na 'to? Kahit yung pagkakaibigan lang natin. Ako bilang ako at ikaw bilang ikaw. Okay lang na mareject ako :( sana friends parin tayo sa lahat ng nalaman mo.

Hit send! Hays! Kinakabahan na ako kahit hindi pa isiniseen ni Nichole ang message ko. NagFB muna ako habang hinihintay ang message ni Nichole... nang biglang may lumabas sa notification ko. Pinindot ko yon at halos mapanganga ako sa nakita ko.

Chàrlìzè the Ģŕèàt taged you in a post.

Nichole Anne is In a relationship with Reyan Dehl.
• Like • Comment • Share
• Comments

Chàrlìzè the Ģŕèàt
Bagal mo. Humprey Gabreill.

Shyshone
Pagong naman nung isa dyan. Ehem. Ehem.

Jedddddyyyyy
Wat is dis!?

ANO!?

Dummy AccountWhere stories live. Discover now