CHAPTER TWO

7 0 0
                                    

CHAPTER TWO

Hurting.

Matamlay ako nang makauwi ako sa bahay. Parang sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ayoko ng ganito. Ayoko ng hindi kami maayos ni Ethan.

Sinalubong ako ni Nanny Molly pagkapasok ko sa bahay.

"Anak, nagluto ako ng spaghetti gusto mo bang kumain?"

"Busog pa po ako Nanny, nagmerienda po ako sa school..Sina mommy po?"

"Hindi pa sila dumarating eh."

Mabuti na lang wala pa sina mommy. Wala kasi ako sa mood makipag-usap ngayon. Panigurado alam na ng mga yon ang resulta ng exam.

Pumanhik na ako sa kwarto ko.

Pabagsak akong humiga sa kama. Ang bigat sa pakiramdam, ang sakit-sakit pa.

Maya-maya naramdaman ko na lang na umiiyak na pala ako. Hinayaan ko lang tumulo ang luha ko..

Baka pag naiiyak ko na to, mawala na ang sakit kahit papaano.

Ang hirap ng ganito na bigla na lang nanlamig at nagbago sakin si Ethan kahit alam kong wala naman akong ginawang mali sa relasyon namin.

Bigla na lang siya nagbago. Sobrang nahihirapan ako dahil mahal na mahal ko siya.

Siya pa lang ang naging boyfriend ko kaya naman hirap ako sa mga nangyayari. Isang taon na ang relasyon namin pero bakit ngayon pa nangyayari ang ganito?

Bakit pakiramdam ko wala kahit kaunting epekto sa kanya ang mga nangyayari at ako lang ang nasasaktan sa amin dalawa?

Ako lang ba ang nagmamahal? Is our relationship a one-sided love? Pero imposible. Hindi kami aabot ng isang taon kung ako lang ang nagmamahal.

Nagising ako kinabukasan na mahapdi ang mga mata ko. Nakatulog pala ako kagabi habang umiiyak.

Alas-nuwebe na pala. Mabuti na lang at tapos na ang exams. Wala na kaming gagawin sa school kaya puwede nang hindi pumasok. Hihintayin na lang namin ni Erin ang graduation two weeks from now.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ko para kumain.

Nadatnan ko si mommy sa sala. Nagbabasa siya ng magazine.

Pagkakita niya sakin ay ngumiti ito at tumayo para yakapin ako.

"Congratulations sweetheart. We're really proud of you."

"Thank you mom.."

Nakangiti pa rin si Mommy pagkatapos niya kong yakapin.

"Kagabi ka sana namin kakausapin ng daddy mo pero late na kaming nakauwi.."

"It's okay mom."

Umupo kami sa couch.

"Sabi ng Dad mo kanina bago siya umalis ibigay ko daw kahit anong gusto mo. He's so happy for you.. So what do you want, darling?"

Nag-isip ako. Pero wala naman pumapasok sa isip ko. Ang gusto ko lang ngayon maayos namin ni Ethan ang problema namin.

"Wala pa sa ngayon, Mom. Pwede bang ireserve muna?"

Tumawa si Mommy ng bahagya.

"Sure baby.."

Ang bait talaga ng parents ko. Gusto kong mag open-up kay Mommy tungkol sa problema ko pero hindi pa siguro ito ang right time.

"May isusuot ka na ba sa graduation mo?"

"Wala pa mommy.."

Biglang kumislap ang mga mata niya.

"Shopping?"

Naisip ko matagal na rin kaming hindi nagbobonding ni mommy sa sobrang busy ko sa school.

"Sure mom.."

Mabilis kaming nagbihis ni mommy at nagpunta ng mall.

Pagdating namin sa mall ay kumain muna kami. Hindi pa rin pala nag breakfast si mommy gaya ko.

Nakapagkwentuhan din kami sa wakas. Ang tagal na rin ng huli kaming mag-usap. Busy kasi siya sa negosyo ako naman busy sa pag-aaral.

"So what's your plan after ng graduation mo baby?"

Nag-isip ako sandali.

"I'm planning to apply as an apprentice sa architectural firm nina Tito Miguel, mom.. Kailangan ko pa kasi ng two years experience bago ako makapag-take ng licensure examination."

Tumango-tango siya bago muling nagsalita.

"Don't you think getting experience abroad is much better? Ayaw mo bang subukan? Dad can help you and you know that."

Kaagad akong umiling. For sure hindi naman papayag si Ethan na mag-abroad ako. At isa pa, hindi naman kami nag break para gumawa ako mag-isa ng desisyon.

"Ok na ko dito mom.. Pagbubutihan ko na lang.."

Ngumiti pa rin si mommy kahit hindi ako pumayag sa inaalok niya.

"If that's what you want baby. You know we will support you all the way."

Tsaka niya itinuloy ang pagkain niya.

Naalala ko bigla itext si Ethan. Maybe we need to talk.

Kinuha ko sa bag ang cellphone ko at nag type.

Me:

Good morning hon.

Can we talk later?

Pagkasend ko ng message ay nagreply naman ito kaagad.

Ethan:

No, maybe next time. May family gathering kami today.

Napabuntong hininga na lang ako.

Kailan kaya ang next time na yun.

Tsaka family gathering? Bakit hindi niya ko sinama? Dati-rati naman palagi niya kong sinasama kahit nga sa maliit na family dinner lagi akong present. Pero bakit ngayon iba na?

Change is ConstantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon