ToppDogg

40 1 1
                                        




Yung halos basagin mo na ang keyboard mo at ibato sa dingding ang mouse para lang makarecconect sa game pero walang nangyayari. Dalawang minutong pagka disconnect sa server pero pakiramdam mo isang taon kang nahihintay. Ang modem namumula ang ilaw.

"Pusang gala!!!! bakit ngayon pa ako na disconnect?!" Kung pwede mo lang ipasok sa monitor ang mga kamay mo ay gagawin mo na para masakal ang mga kalaban na pinanggigigilan mo.

"Hayup na yan buhay pa kaya ako?" Hanggang kamot na lang ng batok ang nagawa mo kasi wala na, nilamon na ng bulok na sistema ng internet ang mundo mo. Nagbukas ka ng chippy unang kagat masama na ang lasa, sinilip ang expiry date... 2 months na palang expired. Dagdag inis na naman... nagbuntong-hininga na lang habang tinititigan ang traydor mo na modem.

At parang dininig ng mga anghel ang pangarap mo ng bigla kang nakaconnect uli sa laro! yung halos lumundag ka sa tuwa only to realize na ayun, may baril na nakatutok sa character mo. Timing na yung pagkareconnect bagsak na ang character mo. Hanggang sapak ka na lang uli sa gaming table mo sabay sigaw ng "HAYUP!" pero naririnig mo yung nakapatay sa'yo ay naka mic to all, isang babae or nagkukunwaring babae? Nagdadalawang-isip ka kung bubuksan mo ba ang mic mo pero marupok ka kaya CLICK! Mic on.

"Psst miss ikaw ba pumatay sa akin?"

"Bobo ka ba? dumaan lang ako dito. Pag bobo dapat di na nagsasalita kita mo naman sigurong ako ang bumaril sayo. Tatanga-tanga."

Cute. Yun ang una mong naisip at pangalawa ay SHIT NAKAKAHIYA NAPATAY AKO NG BABAE!

"na DC kasi ako kaya swerte mo." Mahinahon mong sagot

"Excuse ng mga ugok, dyan ka na nga wala naman kwenta mga items mo." Natutuwa ka sa boses nya. Mean girl na parang kay sarap kilalanin.

"pa-add ha!" Hindi ka hanap-bebe pero parang gusto mo syang hanapin at makabarilan muli este mabaril nya muli.

"Di ako nag-aadd ng ugok!" At yun wala ka ng magawa kung hindi i-spectate ang cute na babaeng trashtalker. Pansin mong magaling siya maglaro. Ayaw mong mahuli ka niyang nakaspectate kaya di ka nagsasalita.

"RavenScarlet" pabulong mong binanggit ang in-game nya na nakangiti. "mahahanap din kita sa laro, gaganti ako."

Magsisimula ka na sana ng panibagong round pero naririnig mong may kumakatok.

"Po!" kamot sa batok na may halong pagkayamot, may isturbo na naman. Sabado ngayon at walang pasok kaya alam mong hindi ka masesermonan ng nanay mo kung bakit naglalaro ka buong araw.

"Andito si Nadine kuya."

Ahhhh si Nadine, ang girlfriend mo for 4 years. Si Nadine na talakera na parang nanay mo kung magdabog at magsermon at parang pulis kung manghuli ng mga messages sa iyong cellphone.

Ok naman kayo ni Nadine noong mga unang tatlong taon, masaya kahit may kunting away, pero recently parang naging toxic. Dumating lang talaga siguro sa punto na nagkakasawaan na.

You like gaming, she likes makeup, you like comics, she likes talking about celebrity posts sa instagram. Higit sa lahat kapag galit siya na naglalaro ka ng computer game binubunot nya ang main power ng computer. Halos limang cellphone mo na din ang nabasag at nasira nya dahil kapag may nagmessage na babae sa iyo nagagalit ito kahit na walang dapat ikagalit. She is unreasonable. Kapag nagpapasundo sya sa school kailangan on time ka at kapag nag demand siya na magkita kayo or gumala kayo kailangan GO ka agad. Ayaw din nya na hindi ka nakakabati sa monthsary nyo. Yung feeling na mas gusto mo lagi masaya lang araw-araw at di na iisipin ang monthsary ay nagiging dahilan pa ng away ninyo kasi di pa nga tapos ang monthsary ninyo nag eexpect na siya uli ng mga plano mo sa susunod na monthsary. For short masyado siyang needy.

My Gamer GirlStories to obsess over. Discover now