"Ang seryoso naman natin!" Tumatawa ako nang humarap ulit sa kanya. "Kalimutan mo na lang 'yong tinanong ko, medyo bangag pa kasi ako dahil hindi kinulang ng tulog kagabi." Kinamot ko ang batok ko at patuloy pa rin sa pagbungisngis.

Sana 'wag niyang pansinin ang pagkaweirdo ko ngayon kung hindi patay na! Inipit ko ang takas na buhok sa tainga ko at pasimpleng ibinuga ang buntong-hininga ko.

"I was serious," he said out of the blue.

"H-Ha?" Ito na ang sinasabi ko! Shems. I have to think of a good topic na makakapag-alis ng awkward na feeling ngayon. And sad to say, my brain wasn't functioning properly. Damn this life and brain. I was completely worthless! Hindi lang keneme 'to dahil talagang wala ng pumasok na maganda sa utak ko, jusko.

"I was serious when I told you I like you," Okay, shit. How could he say that? I mean, it was so plain and lifeless. Parang ang easy-easy lang na lumabas sa bibig niya 'yon. In fact, umaamin siya sa'kin. Hindi niya ba narealize iyon?

"Uhm... I see,"

"May gusto kang itanong, 'di ba?" I quickly glanced at him as I nodded. Good, he just changed the topic.

"Kaano-ano mo iyong tumawag sa'kin ng mortal enemy? Naalala mo no'ng dala ko 'yong project natin sa Math tapos may tumawag sa'yo?" I hope na hindi niya kaibigan o kamag-anak 'yong libag na 'yon dahil talaga naman! Masusumpa ko ang lahi nila.

"Si Rhyzhen ba?" Pati pangalan, amoy libag.

"Ah, Rhyzhen pala," I mumbled to myself. "Kaano-ano mo?" I asked again.

"Kaibigan ko, bakit?" He looked at me with his wrinkled nose. "Type mo?" I could sense the bitterness in his voice.

Selos siya?

Umiling ako. "Natanong ko lang." Balak ko talagang ipakulam o kaya naman isulat ang pangalan niya sa Death Note. Isusunod ko na lang 'yong surname niya.

Hindi na siya sumagot at buong oras ay tahimik lang. I tried to open some topics pero mukhang nawala siya sa mood at bumalik na naman 'yong pagkayelo niya. Really, what's wrong with him?

Nagdesisyon na lang ako na bumalik na sa classroom dahil baka naroon na rin si Prof. Vacant lang naman 'yong isa naming subject kaya nakalabas kami ta's saktong kasunod no'n ay lunch kaya medyo matagal.

Mabilis na lumipas ang araw at Science na ngayon. Last subject namin. Busy ako sa pagsusulat ng lecture dahil nakalimutan ni Prof na i-print 'yong mga reviewers. May long quiz pa naman kami bukas.

Automatic ang pagtaas ng kilay ko nang may kumalabit sa akin. Sinong kulang na naman sa aruga ang bwisit na kakalabit sa'kin?

"What?" I frustratedly asked as I gave a glance at him.

"Tawag ka." Sinundan ko ang daliri niya na itinuturo si Leigh. What now?

"Okay." Bumalik na ito sa pagsusulat habang si Leigh naman ay pasimpleng itinaas ang cellphone niya dahilan para kumunot ang noo ko.

Tinuro niya iyong cellphone niya at ako. Ako? Tiningnan ko 'yong phone ko at binuksan. May text niya. Pasimple akong tumingin kay Prof at nang masigurado kong hindi ako nito mapapansin ay saka ko binasa ang message ni Leigh.

Teka. Paano niya nakuha ang number ko?!

From: 0934126110*

Parking lot, sweetheart.

What? My forehead creased as I sent my reply to him.

To: 0934126110*

That Cold Guy Is MineWhere stories live. Discover now