WALA AKONG PAKE :P

103 4 1
                                    

Hello. Ako si SEURICHAN. Nakalimutan ko yung isusulat ko HAHAHAHA. Anyanyanyanya. Maaalala ko rin 'yan mamaya. Magkekwento muna ako. Palakihan po tayo ng eyebags HAHAHA Dumating yung time dati na dahil sa wattpad at iba pang gawain, hindi ako natutulog tapos sa sobrang subsob ko, hindi ako nakakaramdam ng gutom. Masaya naman kasi may product but noooo. Take care of thyself too. Masaya kasi magtrabaho kapag gusto mo talaga yung ginagawa mo, diba? Pero TAO tayo, hindi tayo superhuman o E.T., kailangan natin ng tulog, kailangan natin kumain, kailangan natin mag-exercise, kailangan nating MAGPAHINGA! So dear reader, please take care of yourself too, okay?

WALA AKONG PAKE! 

Minsan mas effective 'yung mawalan ka nalang ng pakialam sa mangyayari, sa nangyari, sa magiging reaksyon nila, sa naging reaksyon nila. Alam mo kung bakit? The lesser you care, the happier you'll be. Nakakatawa 'no? Puro quotes ang madalas kong naibibigay ngayon. Oh well. Funny as it is pero totoo 'yan. Kapag nabawasan 'yung pakialam mo sa isang bagay, mas magaan sa pakiramdam. 

For example, bumagsak ka sa test, 4/20 ka lang. Tingin mo may magagawa pa 'yung pagmamaktol mo? Wala na diba? Hindi naman sa mawawalan ka ng pakialam totally. That's NOT MY POINT. But if you could care less, why not? Isipin mo nalang. Depressed na depressed ka sa isang bagay na nangyari na, patuloy mo siyang iniisip and that prevents you from moving on. Mahirap diba, pero saan ba nagsisimula ang lahat? SA MERE THOUGHT. Just say it confidently. 'WALA NA AKONG PAKIALAM.' at hindi mahirap gawin 'yan. Kung alam mong mag magiging maayos, bakit hindi? Minsan kasi pinakikialaman pa natin kahit hindi naman na dapat. Minsan dada tayo ng dada e wala namang naghahanap ng opinyon natin so what's the point? Hindi naman isang live blogspot (wth am i saying) ang mundo, ang twitter o ang facebook. Basta, bawasan ang care sa mga bagay na hindi naman kailangan pagtuunan ng pansin.

Paano? Edi una, hanapin mo muna kung ano ba 'yung iniisip mo na hindi naman nakakatulong sayo tapos isa-isahin mo na silang dipatsahin. Pangalawa, try mong mawalan talaga ng pakialam. Yung tipong wala ka nang pakialam, hindi ka pa magsasalita AT magsasaya ka pa. Seriously, I got 4/20 pero hindi ako nababaliw tulad nung mga kulang na lang maghyperventilate sa Trigo classroom namin. All the time I was just asking myself, bakit ako nagCE!? Haha. De, ikekwento ko lang ha. (Dapat ata nagPsychology nalang ako) Nakakalungkot yun, 4/20. Samantalang dati..... Marami pa akong mga tests na ibinagsak at kulang nalang, ilampaso ko. Pero sa totoo lang, wala akong pakialam na bumagsak ako. Kase alam ko may susunod pa. At sa susunod na 'yun, duon ko ibubuhos lahat ng pakialam ko. Kasi kung madedepress ako sa 4/20, nakakabuild ba 'yun ng confidence? Nakakainspire ba 'yun? Oo minsan naiisip natin na kapag nagkamali tayo, 'ay next time pagbubutihan ko na para hindi na mababa score ko.'. Mag-e-aim ka ng mataas dahil bumagsak ka na. Tama naman 'yun. :D Pero siguraduhin mo lang na hindi ka nagpapaka-OA sa reaksyon mo sa 4/20 mo kasi masama 'yun. Dapat matuto tayong magmove on agad. Kung hindi mo matanggap, wag mong pakialamanan! HAHAHA!

Another thing na dapat sinasabihan ng 'WALA AKONG PAKIALAM SA'YO!' ay ang buhay ng iba. Charot lang hahaha pero tama diba? No, minsan nagagawa mo 'to ng effortless. HAHAHAHA There's a good side and a bad side in everything naman e. Minsan mali, minsan tama. Ikaw nalang humusga. Pero yung tinutukoy ko talaga na isa pang bagay... SYEMPRE! BUHAY NG IBA! HAHAHA TAWA TAYO! XD De, eto na. Syempre, dapat wala kang pakialam sa mga bagay na alam mong ikasisira mo, ng inner peace mo, ng sanity mo at ng dignity mo. AY ANG TARAAAAAAAAAAY HAHAHA.

Garls, seryoso ako -,-

May mga bagay kang iniintindi na wala namang kinalaman sa ikabubuhay mo at ikauunlad mo. Tulad nalang ng mga sinasabi nila, na bakla ka raw! na bobo ka raw! na inutil ka! na wala kang kwenta! At kung anu-ano pang pang-iinsulto at panghuhusga. Dapat mo ring patunayan sa kanila na mali sila, diba? Garls, don't get mad kapag nakakarinig kayo ng hindi nyo gusto. GET EVEN. And don't just say it. DO IT. Yun nga lang, parang may pakialam ka parin. Mas cool kung wala talaga. 

Minsan siguro, effective yung kunware walang narinig, kunware walang nakita, kunware wala. Minsan mas okay magpanggap na wala kang pakialam kaysa ipakita mo. Pwede naman 'yun e. 'Wag lang sosobra ang pagpapanggap mo baka mag-isa kang matigok dyan. Pero mas cool talaga 'yung wala kang pakialam. 

Kunware wala kang pakialam na bobo sya. Wala kang pakialam na hater mo sya. Wala kang pakialam na chuchueklabooh. Alam nyo naman kung ano yung dapat pakialamanan but sometimes, may nahahalong wala namang kwentang bagay na hindi mo alam kung saan pinulot pero iniisip mo parin. No. Hindi tama 'yun. Selfish tignan pero sa mga desisyon mo, tignan mo rin kung aayon sa'yo. Pwedeng 'wag mong pakialamanan basta para sa ikabubuti mo. Kung hindi, wag na. Dapat ikabubuti MO o kaya NYO! 

Naguguluhan ako sa pinagsusulat ko hahaha! Care less. Kasi kapag malaki at matindi at malakas at matibay ang pangingialam mo, pwede kang masaktan or worse.... pwede kang makasakit.

Alis na nga ako dito! Kung anu-ano lang sinasabi ko! 

Basta, kapag sinabi mo 'yan.... PANINDIGAN MO. Kasi masaya sya mapanindigan :)

ASDFGHJKL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon