BAKIT?
Bakit,isang salitang hinahanap ang tanging kasagutan
Isang natatanging katanungan
Na hindi ko alam kung ano nga ba ang dahilan
Isang katanungan, kung bakit kailangan mo pa akong iwasan?Bakit mo nga ba ako iniiwasan?
Wala naman akong nagawang kasalanan
Bakit parang unti-unti kang lumisan?
Dahil ba sa dahilang may kasintahan?Hindi ko maintindihan
Bakit sarili'y nakakaramdam ng kalungkutan
Sa tuwing nararamdaman kong parang tinatakasan
Bakit puso ko'y nasusugatan?Sarili'y parang nasa kulungan
Na wari'y walang makita dahil sa kadiliman
Pwede bang ako'y huwag ng iwasan?
Dahil sa mga oras na ito sa tingin ko ikaw lang ang tangi kong makakapitan
YOU ARE READING
Bakit?
PoetryLahat ng mga ito ay isang mga katanungan ni AUTHOR na baliw,praning ,maartistahin at higit sa lahat OA sana makarelate kayo sa mga poetry ko..HOpe you all like it!!and please dont forget to vote and comment