BAKIT?

2 0 0
                                    


BAKIT?

Bakit,isang salitang hinahanap ang tanging kasagutan
Isang natatanging katanungan
Na hindi ko alam kung ano nga ba ang dahilan
Isang katanungan, kung bakit kailangan mo pa akong iwasan?

Bakit mo nga ba ako iniiwasan?
Wala naman akong nagawang kasalanan
Bakit parang unti-unti kang lumisan?
Dahil ba sa dahilang may kasintahan?

Hindi ko maintindihan
Bakit sarili'y nakakaramdam ng kalungkutan
Sa tuwing nararamdaman kong parang tinatakasan
Bakit puso ko'y nasusugatan?

Sarili'y parang nasa kulungan
Na wari'y walang makita dahil sa kadiliman
Pwede bang ako'y huwag ng iwasan?
Dahil sa mga oras na ito sa tingin ko ikaw lang ang tangi kong makakapitan

Bakit?Where stories live. Discover now