"I have a very special kind of family," ngumiti ako sa kanya, "ako ang bastardong anak pero ako ang rightful heir sa kompanya na itinayo ng aking lolo."

"T-teka, nagugulohan ako," nangamot ng ulo si Yumi.

"Ganito kasi 'yun," panimula ko, "'Yung mommmy ko, hinahabol ang daddy ko. Kaso, ang daddy ko ay may gustong iba, isang babaeng single mom. Nagpabuntis ang mommy ko sa dad ko, hoping na mapipikot niya si Dad pero hindi pa rin siya pinanagutan. In the end, my dad married the woman he loved and adopted the woman's son, na itinuturing kong Kuya."

"So dahil ikaw ang kadugo ng lolo mo, ikaw ang tunay na tagapag-mana," dinugtungan ni Yumi ang sinabi ko kaya tumango na lamang ako sa kanya bilang pagsasabing tama siya.

"So ano ang relasyon ng sitwasyon ng pamilya mo sa pagtuklas ng mga sekreto ng sindikato?" tanong ni Yumi.

"Dahil ako ang tagapagmana ng kompanya, at dahil hindi napapatunayan ng mga pulis ang ugnayan ng Yamano-Kai sa pagpaslang sa akin, kay Kuya ibanaling ang bintang," sagot ko.

"Hala kawawa naman ng kuya mo," nalungkot si Yumi.

"Kaya nga kailangang maisiwalat ang kasamaan ng Yamano-Kai upang hindi na mapagbintangan si Kuya," agad kong sagot.

"Tama ka," sumang-ayun siya, "kailangan nating gawan ng paraan upang malinis natin ang pangalan ng kuya mo."

___________

Sinubukan naming makipag-ugnayan kay sarhento Valderama pero nalaman naming under the protection program siya ngayon dahil pinagtangkaan siyang patayin ng Yamano-Kai. Wala akong ibang pinagkakatiwalaan kaya napagpasyahan namin ni Yumi na hintayin ang pagbalik ni sarhento saka niya ito kakausapin. Si sarhento Valderama lang ang inaasahan kong tutulong sa amin.

Habang hinihintay ang pagbalik ni sarhento ay nagpatuloy kami sa pang-araw-araw naming gawain. Mapilit si Yumi na i-tutor ko siya sa statistics kaya ito ang naging isa sa mga ginagawa namin tuwing hapon. Sumasama pa rin ako sa kanya sa kanyang pag-aaral hanggang sa kanyang pag-ensayo sa larong soccer.

Kung dati ay ayaw kong pinapaghintay, ngayon, wala akong reklamong naghihintay na matapos si Yumi sa kanilang pag-eensayo. Nakakaproud ang kanyang galing kaya natutuwa akong panoorin ang mga laro nila. Nakita kong naipasok niya sa goal ang bola kaya hindi ko naiwasang mapatayo sa tuwa pero hindi ko inasahan ang biglang paglingon niya sa akin. Biglang nag-zoom in ang mga mata ko sa napakaganda niyang mukha. Naging manhid ako sa paligid habang parang slow motion naman ang pagngiti niya sa akin.

Nag-mute ang paligid ang bigla kong narinig ang malakas na kabog ng aking dibdib. Hindi ako makapaniwala sa nararamdaman ko kaya agad kong kinapa ang aking dibdib.

'Tumibok ang puso ko!'

*Yumi's POV*

"Okay ka lang?" tanong ko kay Xavier nang mapag-isa na kami, "kanina pa kita napapansing tahimik. May problema ba?"

"W-wala," umiwas siya ng tingin sa akin kaya lalo akong nagtaka.

"May nagawa ba akong mali?" huminto ako at hinarap siya, "may nasabi ba ako na hindi mo nagustohan?"

"Wala nga," parang naiinis niyang saad, "tara, uwi na tayo," pagpatuloy niya saka ako nilagpasan ng lakad.

Napasimangot akong tumingin sa kanya. Hindi ako sanay na tahimik siya at lalong hindi ako sanay na hindi niya ako pinapansin. Ano ba ang problema ng multong 'to? Dati naman niya akong kinukulit ah, bakit ngayon, ang tahimik niya?

Tahimik akong sumakay sa jeep na minamaneho ni Coco habang katabi ko si Tiyang. Dati, kinukulit ako ni Xavier dahil alam niyang hindi ako makakapag-react pero ngayon, tahimik lang siyang nakasakay. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka may tinatago siyang sekreto na ayaw niyang ipaalam sa akin.

Pumasok ako kaagad sa silid saka agad siyang hinarap, "ano ba? Hindi ka ba talaga magsasalita?"

"Pagod ka na," walang emosyon niyang saad, "mas mabuti pang magpahinga ka na."

"'Di ba i-tututor mo pa ako?" palusot ko.

"Wala ka namang pasok bukas," sagot niya.

Inis kong tinanggal ang suot kong pang-itaas pero nagulat ako nang nagmadali siyang tumalikod sa akin. Hindi naman siya dating ganito, ano ba ang problema niya?

Nagpatuloy ako sa pagbibihis saka humiga sa kama.

"Hoy, hindi ka pa nakakain," saad niya.

"Pakialam mo?" sagot ko, "ni hindi mo nga ako pinapansin eh."

"Yumi, huwag matigas ang ulo!" bahagyang tumaas ang kanyang boses, "kumain ka na muna."

"Ano ba?" tumaas na rin ang boses ko.

"Yumi, maririnig ka ng tiyahin mo!" bumilog ang kanyang mga mata.

"Wala akong pakialam kung maririnig ako. Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo mo sa akin," namaywang kong saad.

"Hindi mo rin naman maiintindihan," sagot niya, "kaya huwag mo nang alamin," saka siya tumalikod.

"Tigilan mo na nga ang kakatalikod mo sa akin!" saad ko, "sagutin mo ang tanong ko. Bakit nagbago ang pakikitungo mo sa akin?"

Sasagot na sana siya ngunit sabay kaming tumingin sa pinto dahil kumatok ang tiyahin ko, "Yumi? Hija, okay ka lang ba? Kailangan mo ba ng kausap?"

Bumuntong hininga ako saka sinabing, "okay lang ako, tiyang. Nag-aansayo lang ako para sa drama namin bukas."

"Oh sige," mahinang sagot ni tiyang, "kung sakaling nagugutom ka, may iniwan akong pagkain sa mesa."

Muli kong ibinaling ang galit kong tingin kay Xavier. Higit sa lahat, ayokong pinaglilihiman ako at lalong ayoko yung biglang magbabago ang pakikitungo sa akin na hindi ko alam ang dahilan, "sasagutin mo ako o gagawa ako ng kalokohan?"

"Walang problema," sagot niya, "batid ko lang na pagod ka kaya hindi na lang muna kita kinukulit."

Naiinis ako sa sagot niya kaya agad akong pumunta sa laptop ko at naisip na inisin siya. Dahil alam ko ang password ng real account niya sa facebook, naisipan kong i-change status ito at nilagay na engage siya sa akin at ang date na nilagay ko ay ang araw mismo ng online wedding namin bilang si Eros at Eris. Agad ko ring kinonfirm ang relationship status request niya sa akin saka pinalitan ang password ng dalawang account pati na rin ang email na nakalink sa mga accounts.

"Anong ginawa mo?" galit niyang saad.

"Mananatiling ganyan ang status mo hanggang hindi mo sinasabi sa akin kung bakit nagbago ang asal mo," saad ko.

"Alam mo bang nilagay mo sa pahamak ang sarili mo?" bulyaw niya sa akin.

"Bakit? May magagalit ba kung malaman nilang engage tayo?" agad kong saad. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konting selos nang makitang ayaw niyang ilagay na engage siya sa akin.

Alam kong wala namang halaga 'yung online marriage namin. Katuwaan lang 'yun pero sa ilang araw na magkasama kami at sa tuwing pinaparamdam niya sa akin na asawa niya ako, hindi ko mapigilan ang sariling tuloyang mahulog sa kanya.

"Walang magagalit! Ang inaalala ko lang ay ang Yamano-Kai. Sa ginawa mo, you let them trace you!" napalunok ako sa sinabi niya saka mabilis na binalikan ang laptop.

Balak ko sanang palitan ang relationship status namin pero iba ang ginawa ko, pinalitan ko lang ang privacy nito.

"B-bakit hindi mo binago?" kabadong tanong niya.

"Kasal tayo, 'di ba? Anong problema sa status natin?" nagkibit balikat ako saka nilagpasan siya, "kakain muna ako ng hapunan," saad ko saka lumabas ng silid.

Binabakuran ko ba si Xavier? Ewan, pero masaya akong ituring niyang asawa kahit online lang kaming ikinasal.

Status: In a Relationship with a GhostWhere stories live. Discover now