SHE'S DATING THE DANCER-KUNO

126 3 3
                                    

SHE'S DATING THE DANCER-KUNO

S A N D R A's P O V

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa lalaking nakayuko at nakaupo sa sahig ng Student Council Room.

Inangat niya ang ulo niya, showing me his handsome and freckled face, ahh, SIYA na naman pala.

Nagkusot siya ng mata, aba at dito pa sa room na ito natulog? Tss. "I looked for a place to hide and found this place. Napagod ako kaya nakatulog ako." cool niyang sabe sabay tayo at suot ng isang strap ng backpack niya. Napagod? Ah, siguro kakatakbo palayo mula sa mga fangirls niya.

Pumamewang ako, "Just for an additional information Mr. Montecillo, hindi hotel ang SSC Room. Hindi ka pwedeng matulog dito alam mo ba iyon?"

Kumunot yung noo niya in a mocking way, "Ang taray," saka siya naglakad papalapit saakin, "E diba Vice President ka lang? Alalay ka lang ng President, magkayear pa kayo kaya sabay sabay tayong gagraduate this year. So basically, hindi na aangat ang posisyon mo." he smirked. "Number 2."

My hands immediately balled into a fist. Aba't-- ! Ang kapal talaga ng mukha ng hinayupak na ito! Wala nang ginawa kundi mambwisit! Hindi porket na meron akong undying childhood love for him ay palalagpasin ko na lang ito! This is beyond the limit!

I took a breath and control my temper, he must not see me being frightened, or being embarassed technically, with what he said. Nilagpasan ko siya at umupo duon sa table na katabi ng desk ni Prez. Nilapag ko yung mga folder doon at nagsimula na akong pirmahan ang mga iyon.

Wala si prez ngayon, dumalo ng seminar sa Laguna, kaya ako ang pipirma for her, kaya ko naman yung pirma niya kaya saakin niya ito inassign.

"That's forgery." nabitawan ko agad yung ballpen sa gulat. Anak ka ng-- !

Inangat ko ang tingin ko sa kaliwa ko at nakita ko ang malapit niyang mukha, halos magdikit ang kilay ko sa inis habang siya nakangiti pa. Damn. Why does his breath have to smell this fresh?

"Pwede ka nang umalis, Montecillo." matigas kong sabi. Hiding the over palpitation of my heart.

He stood straight, "Sabi mo eh" then he left the room. Nailing na lang ako, why is he even so famous here? Ang yabang niya at nakakainis! Oo magaling siyang sumayaw but! There's a big BUT! Isa siyang delinquent na dinadaan ang lahat sa pera at panlabas na itsura! Damn him. Siya ang nangunguna sa watch list ng SSC, which is, ako ang naghahawak.

Ewan ko ba kay Prez, tinamaan din yata doon kaya hindi niya binibigyan ng punishment. Hindi ko naman yun pwedeng parusahan nang hindi siya naga-agree and unfortunately, hindi siya naga-agree! ヽ(`Д´#)ノ

Tinapos ko na ang lahat ng pipirmahan, malapit nang  mag-dismissal kaya naman dapat matapos ko ito agad.

✌('ω'✌ )三✌('ω')✌三( ✌'ω')✌

"Babye, Vice!" paalam ni Janice, ang treasurer sabay sakay sa kotse ng boyfriend niya.

"Bye. Ingat ka" paalam ko sakanya. Agad na nakaalis yung kotse nila, ako na lang ang tao sa campus at hindi ako pwedeng umalis nang hindi iniiwan si manong guard dito sa may gate, prestigious ang Olympus International Academy, madaming umaaligid dito.

"Ang tagal naman." tinignan ko yung relo ko at 7:05 PM na. Geezus! Asan na ba si manong guard??

*BEEP BEEP!*

"Ay puting kabayo!" nalaglag ko lahat ng gamit na hawak ko. Anak ka naman ng pitumpu't pitong puting tupa! Ano ba naman yon?!

"Ikaw?!" sigaw ko nang makita ko ang isang dilaw na convertible na kotse, nasa driver's seat ang magaling na si Luis Van Montecillo. Hindi naman pala puting kabayo, puting prinsipe lang. "Bakit ka ba nanggugulat ha?!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's Dating the Dancer (ONE-SHOT)Where stories live. Discover now