Villages

11 0 0
                                    

Ang The Great City ay binubuo ng 8 Villages.

-Farmer's Village: Dito nakatira ang mga nagsasaka ng mga lupain na pag-aari ng Suprema. Dito rin sinasaka ang mga Prutas, Gulay atbp. na ginagamit sa Factory at Food Village. Dito nagmimina, nangingisda at nagpapastol.

-Factory Village: Nandito ang mga factories kung saan ginagawa ang mga bagay na makikita/ ibinebenta sa Market, Fashion at Food Village.

-Market Village: Dito makikita ang iba't-ibang tindahan kung saan lahat ng kailangan mo ay makikita dito. Mabibili mo rin ito kung gugustuhin mo. Kung magtatayo ka naman ng sarili mong tindahan, kinakailangan mong humingi ng permiso sa Suprema lalong-lalo na kung may kapareha ka. Wag kang magkakamaling magnakaw dito o gumawa ng masama dahil siguradong sa Black Village ang diretso mo.

-Fashion Village: Spa's, Salons, High-end stores, yan ang mga kalimitang makikita sa Fashion East ng Village na ito. Samantalang mga Ukay-ukay, Class A na mga damit at mumurahing sapatos at mga bags naman ang makikita sa Fashion West.

-Food Village: Cuisines around the world ay nagsama-sama rito. Lahat ng pwedeng kainin, dito mo lang makikita. Hindi lang yan. Kwek-kwek, Fishballs, Beetles at iba't-ibang exotic and street foods ay mabibili rin dito.

-Paradise Village: Nahahati rin ang Village na ito sa dalawa, ang North at South. Sa North Paradise makikita ang iba't-ibang Resorts, Amusement Parks, Mountains, at marami pang iba na talagang pinupuntahan ng mga turista. South Paradise. Di ka pwedeng pumasok dito basta-basta. Sa lahat ng Villages, ito ang pinakamaganda at isa lang ang nakatira dito. Ang Suprema.

-Black Village: Isa itong maliit na isla na katapat ng South Paradise. Kumbaga sa Greek Myth,  Ito ang Tartarus, Kokonti pa lang ang nakakapunta dito at karamihan sa kanila, kung hindi patay na, eh matanda na. Dito pinapatapon ang mga nagkasala. Kung sakaling mapunta ka dito, may tyansa pa namang makabalik sa isla. Yun nga lang, Kailangan mong makumbinsi ang Suprema sa pamamagitan ng pagbabagong-buhay.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Aug 15, 2014 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

The Great CityOnde histórias criam vida. Descubra agora