Nalaglag ang panga niya sa biglaang pag sigaw ko. Pumungay rin ang mga mata niya.

"Stop the shouting, please." maamo niyang sinabi bago ngumiti. Oh shut up!

"Ano? Bakit di ka makasagot? Ngayon mo sabihin kung bakit ka nagagalit!"

I felt the loud thump of my heart for my sudden outburst. Lumapit pa ako sa kanya pero ni hindi manlamg ata siya natinag dahil hindi siya gumalaw.

Huminga siya ng malalim.

"Hmm. E ikaw? Bakit ka nagagalit ngayon?" tanong niya habang nakatitig sa mata ko.

Nanuyo agad ang lalamunan ko. Hindi ako nakasagot kaya umatras ako saglit. Bakit nga ba kasi ako galit? Ano bang dahilan ko at nagiging si incredible hulk ako ngayon dito? Tungkol nga ba ito sa madalas niyang galit sa akin? O may iba pang dahilan?

"Oh bakit hindi ka makasagot ngayon, Jessica?" siya naman ngayon humahamon sakin.

Umiling ako at tsaka umatras. Baka mamaya kung ano pa ang masabi ko kung magsasalita ako.

"Ano?" pag uulit niya.

"Wala." matigas kong sinabi. "Alam mo? Bumalik ka na lang kay Krisha sa baba. She enjoyed your bite. Mukha rin naman nag enjoy ka so go back to her." inirapan ko siya at pumihit na para lumabas sana ng banyo nang magsalita siya.

"So is that why you are mad?" Napahinto ako roon.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Yun nga ba? Yun ba ang pinag mumulan ng lahat ng inis ko? Ng galit ko? Kaya nagwawala ako ngayon? I don't know. I don't know it that's really the reason or I just can't admit it to myself.

"Is that it?" nagulat ako ng nasa harap ko na siya ngayon at pinag tataasan ako ng kilay.

Kung iyon nga talaga ang rason then I won't admit it! Not to him, of course? Ano ako? Siraulo?

"No!" umirap ako sa inis. Hindi sa kanya kundi sa sarili ko.

"So babalik ka rin kay Vaughn? Because you liked his kiss?" Nakasimangot na ulit siya. Ano ba talaga? Naiinis ba siya o ano?

Tinitigan ko siya ng masama. Sinabi ng hindi ko nga nagustuhan e! Nakakainis ka lalo!

"Wala kang pake." Tapos ay nilagpasan ko na siya.

Buti na lang ay hindi na niya ako pinigilan pa. Baka kasi sabihin ko nang hindi ko talaga magustuhan iyong kiss ni Vaughn pag nagtanong pa ulit siya. E hindi ko naman kasi talaga nagustuhan! Agh

Padabog akong bumaba ng hagdan. Binilisan ko na lang para hindi ako makita ni Kevin at ng iilang kasama niya. Di kalaunan ay sumundo si Xander sa akin. Nasa likod ko siya habang nag lalakad pero di ko pinapansin.

"Wag ka roon sa foam. Sa may fresh water ka sa puno," aniya pero di ko siya pinansin.

Lumabas ako sa bahay. Ganon din siya. Nag tipon na ang mga tao sa kung saan ang pinaka foam party. So this is the finale.

Huminto si Xander ng huminto ako.

"Doon tayo," aniya at sinubukang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko iyon.

Bakit ba ito sunod ng sunod? Pag katapos ng pag uusap namin kanina hindi pa siya lalayo? I don't wanna be near him. Bumalik na nga lang siya kay Krisha!

Iniwan ko siya roon. Nasaan ba si Evan? Baka pag kasama ko na si Evan ay hindi na niya ako kulitin.

"Baka mainfect, Jessica," aniya at sinusundan parin ako.

"Whatever, Xander." sabi ko at hindi siya hinarap.

Kahit naman di niya naman na sabihin ay alam ko. Wala rin naman akong balak na nagpabasa doon sa may sabon hano. Ang hapdi kaya ng tumalsik sa akin kanina.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant