"Sira. Ayokong isipin iyon. Gusto ko andito ka lang din."

Tumikhim siya. "Change topic na nga lang." Natatawang sabi niya.

"Ikaw ba, ano ang tingin mo sa akin?" Tanong ko sa kaniya.

"Maganda at mabait. Iyan ang tingin ko sa iyo. Sa lahat ng babaeng nakilala ko ay ikaw lang iyong nagparamdam sa akin ng kakaiba. Ikaw ang isa sa inspirasyon ko ngayon Vera."

Napangiti ako.

"Levon, sigurado ka ba talaga sa nararamdaman mo sa akin?"

"Siyempre naman."

"Mahal din kita kaya hindi ko na 'to patatagalin pa. Sinasagot na kita Levon." Natigilan siya sa sinabi ko.

"Seryoso ka ba Vera?"

"Gusto mo bawiin ko?"

"No! Naninigurado lang ako."

Napayakap ito bigla sa akin. "Thank you Vera. Thank you for loving me."

"Hindi Levon. Thank you sa iyo dahil minahal mo ang isang bulag na tulad ko." Madamdamin kong sabi bago ko naramdaman na naglapat ang mga labi namin ni Levon.

Napahawak ako sa batok niya nang maghiwalay kami.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bigla ay nailang ako sa kaniya. Natawa siya sa inasta ko.

"I'm your boyfriend now Vera. I'll make sure that you'll be happy with me."

"Lagi naman eh."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila upang makatayo.

"Pasok na tayo sa loob?"

Nang gabing iyon ay tabi kaming natulog ni Levon sa kwarto ko. Hinayaan ko na lamang siya dahil hindi rin naman siya magiging kumportable kung sa sala siya matutulog.

Kinaumagahan ay nagising ako sa mabigat na nakadantay sa bewang ko. Bahagya akong natigilan bago naalala na dito ko nga pala pinatulog si Levon.

Mahimbing pa ang tulog nito. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya na nakadantay sa akin tiyaka bumangon upang makapag-sepilyo at makapag-hilamos ng mukha.

Paglabas ko ng banyo ay agad akong dumeretso sa may sala.

"Good morning Ate Vera." Inaantok na tinig na bati sa akin ni Maya.

"Ang aga mo ah. Hindi ka ba napagod kagabi?"

"Hindi Ate. Okay lang po ako. Kailangan kong pumasok ngayong araw dahil may quiz daw kami sabi ni Ma'am Mela."

Napatango ako. "Galingan mo Maya."

"Hindi ako nag-review Ate Vera."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit naman? Dapat nag-review ka. Mahirap kapag mababa ang score na makukuha mo eh quiz pa man din iyon."

"Naku, tinatamad ako ate eh. May mga kaibigan naman ako. Tatabi ako sa kanila mamaya. Tutal pinapakopya ko naman sila sa ibang subj--- aray!"

Kinurot ko ito sa tagiliran ngunit pabiro lamang. "Bad iyon!"

"Hindi po bad iyon! Ang tawag po doon ay group work."

Napabuntong hininga na lamang ako. Elementary pa lamang si Maya ngunit talamak na ang kopyahan sa silid-aralan nila. Napailing ako.

"Kahit na."

"Pero--- Hayyyy.... sige na nga. Minsan na lang namin gagawin iyon." Pagsuko niya. Bagama't hindi niya napangako na hindi niya na uulitin ay hinayaan ko na lamang.

Wala naman ata kasing studyante ang hindi nakaranas ng pangongopya. Kahit ang top 1 sa klase namin ay nangongopya din naman.

"Kain na tayo!" Tawag sa amin ni Aling Maymay.

"Ako na gigising kay Kuya Keith!" Pag-presinta ni Maya at narinig ko na lamang ang tunog ng pagtakbo niya papunta sa kwarto.

Maya-maya ay dumating na siya. Naramdaman ko ang pagtabi ni Levon sa akin.

"Bakit hindi ikaw ang nanggising sa akin?" Tanong ni Levon.

"Bakit kailangan ako? Nag-presinta si Maya kaya siya na lang."

Gaya ng inaasahan. Pinainit Aling Maymay ang pancit na handa kahapon. Iyon ang umagahan namin ngayon. Mabuti na lamang at wala akong reklamo na narinig mula kay Levon.

"Uminom kayo ng kape. Pampainit ng sikmura."

Kinapa ko ang baso sa tabi ng plato ko. Nagulat ako ng hawakan iyon ni Levon at siya na mismo ang nag-guide sa kamay ko sa tasa ng kape.

"Salamat."

"Mag-ingat ka baka mapaso ka." Paalala niya at tinanguan ko naman.

"Huwag kang maging masyadong sweet." Sabi ko naman.

"Bakit naman?"

"Baka masanay ako."

Napahagikhik ako gayundin siya. Tumikhim si Aling Maymay sa amin.

"Umamin nga kayong dalawa, kayo na ba?"

"Opo/Opo." Sabay naming sagot.

"Haynaku, kayo talaga. Sabi na nga ba at kayo din sa huli."

Napahagikhik ako sa sinabi ni Aling Maymay.

"Hindi po ako natiis ni Vera kaya sinagot niya agad ako."

Siniko ko siya sa sinabi niya.

"Sira. Naawa lang ako sa iyo." Natatawang biro ko at nagtawanan kaming lahat.

"Hayyy... namiss ko tuloy si Edgar."

"Nay naman, matagal nang namamayapa si itay mamaya ay bumangon pa iyon para sa iyo." Biro ni Maymay at agad na napakatok si Aling Maymay sa mesa na gawa sa kahoy.

"Aba'y loko ka talagang bata ka. Kapag bumangon ang itay mo ay ikaw agad papamulto ko."

"Nay naman eh..." Natatakot na sabi na ni Maya. Natawa na lamang kami.

"Ikaw Maya, maghanap ka din ng katulad ng kuya Keith mo ah. Ganiyan dapat. Maghanap ka ng matino at kaya kang pakisamahan kahit anuman ang estado mo sa buhay."

"Wala naman na katulad si Kuya Keith."

"Maghanap ka din ng magtatagal kasama ka." Makahulugang sabi ni Levon kay Maya.

Napatango naman ako.

Si Levon hindi niya ako iniwan at alam kong hindi niya ako iiwan.

   

My Heart Knows [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon