Kagat-kagat ko ang labi ko noong marealize ko na MAPEH na nga pala at ngayon na ang performance namin. Nangangatog ang kamay ko na kinuha ang gitara at pick. Wish ko lang na 'wag akong mangatog mamaya para maging maayos 'yong pag-execute ko sa kanta. Sobra akong kinakabahan.

"So, we would begin our performance. Lalaki muna ang kakanta at sunod naman ay babae. For our first performer, please stand up, Aquino." Ibinigay ni Prof ang harapan sa kaklase ko at umupo sa unahang upuan. Nasa bandang gitna lang ako.

Kahit na anong kanta ng mga kaklase ko, hindi ko maintindihan. Lumulutang 'yong utak ko sa ibang dimension dahil pilit kong ikinakalma ang sarili ko. I'm not a good performer kaya halata naman. Hindi rin ganoon kaganda ang boses ko pero pwede na... pinaghandaan ko 'to kasi gusto kong makita ang reaction ni Leigh. Dito nakasalalay kung ano ang dapat kong desisyunan.

"Hudson," parang automatic na bumalik ang senses ng katawan ko. Naipilig ko ang ulo ko nang makita ang seryosong mata ni Leigh na nakatingin sa'kin, inalis niya rin naman iyon no'ng tumayo siya para pumunta sa harap. Mas lalo akong kinabahan.

Dala-dala niya ang gitara at umupo sa harapan. Nagde-kwatro siya at ipinatong sa hita niya ang gitara saka nagsimulang magstrum. Namiss ko bigla ang boses niya.

Malamig pero... ang komportable.

"Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa twing tayo'y magkasama..."

Unang linya pa lang, halos tumigil na ang oras. Iginala ko ang paningin ko sa buong classroom at tama nga ako, lahat ng babae ay nasa kanya ang atensyon at ngiting-ngiti sila. Hindi na nadala 'tong mga daydreamer na 'to. Palibhasa, hindi pa nila nasasagap ang chismis na nililigawan ako ni Leigh. Argh! As much as possible, ayokong magrely sa thought na 'yon pero nakakainis kasi.

"Bakit pa kelangan ang rosas
Kung marami namang nag-aalay sayo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara..."

Hinihintay kong tumingin siya sa akin dahil 'di ba ganoon 'yong sa mga romantic movies? Pero yelo talaga. Nakatuon lang ang buong pansin niya sa gitara. Habang ako, titig na titig sa kanya at kulang na lang ay matunaw siyang parang ice cream.

Pinapaasa niya lang ba kasi ako?

"Mapapagod lang sa kakatingin
Kung marami namang nakaharang
Aawit na lang at magpaparinig
Ng lahat ng aking nadarama
Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapang manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara..."

That Cold Guy Is MineOù les histoires vivent. Découvrez maintenant