"Here." Binigay ko sa kanya iyong gitara at pick.

"Look at me," the voice was cold but you could feel the authority.

"A-Ano?" Saglit ko siyang sinulyapan.

"Naiilang ka ba?" What?! Okay. Shit. Parang gusto ko na lang maglaho ngayon, kahit saang planeta mapunta ayos lang. Basta makaalis lang ako rito. "I thought you're comfortable with me," ako lang ba o may bahid ng hinanakit iyong boses niya?

"Uhm, yes! Of course!" I laughed.

"Alright." Bumalik ulit sa malamig. Just how could he change his mood easier?!

"Uhm, okay..."

"Coleen." Tanginis. His cold voice really gave me goosebumps.

"Hmm?" As much as possible, I needed to avoid his gaze but it looks like that he knew it.

Tumayo siya at hinawakan ang baba ko. Dahan-dahan niyang ipinihit ang ulo ko paharap sa kanya. He was gentle... shems. A little smile was plastered on his face, damn it! Todo lunok na ako at kulang na lang ay isigaw ang pangalan ni Kuya para kuhanan kami ng picture.

Binitawan niya ang baba ko at bumalik sa pagkakaupo. "Focus on me." Tipid akong ngumiti at marahang tumango.

Nagsimula siyang magstrum ng gitara. Medyo nakahinga na ako nang maluwag dahil wala na ang tingin niya sa akin kundi sa gitara. Hindi na rin siya nakangiti – malamig na ulit ang awra niya.

"Every time in my mind
I'm telling myself..."

Ang lamig.

Ang lamig na ang ganda. Tumataas ang mga balahibo ko dahil sa kanya. Hindi ko alam kung malungkot ba siya o sadyang gano'n lang ang boses niya. Kainis, ba't ang ganda rin ng boses niya? Lahat na lang okay sa kanya. Sobrang pinagpala niya. Ta's ako heto... tamang daydream lang.

"Should I'll be?
Who will be?
The man who will hold your hand..."

Bawat strum niya ng gitara, ramdam ko 'yon. Masaya. Siguro, masaya ako. Ito 'yon, 'di ba? 'Yong gusto kong mangyari. I couldn't stop myself from smiling. Gusto kong sumigaw sa kilig, gusto kong kurutin si Elise sa sobrang saya at bilis ng tibok ng puso ko.

"Whenever I close my eyes
I can see your lovely smile
And I open it again
And then I see the midnight sky..."

Gusto kong makita 'yong mga mata niya ngayon pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakayuko siya at focus sa pagstrum ng gitara.

Medyo lito pa ako kung totoo ba 'to o panis iyong nakain ko kaya kung ano-ano ang na-i-imagine ko.

Pero... pero... pero no'ng oras na i-angat niya ang tingin niya... parang lumutang na iyong utak ko sa kalawakan at siya na lang 'yong nakikita ko... focus on me... parang paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig ko 'yong sinabi niya kasabay no'ng kanta niya.

"Wishing that I'll be
The man that you'll touch and see
I'll give my love that can't explain
We will be running in the rain
And I will hold your hand
Hold my hand..."

The chorus... shit.

Okay, kalma. I needed to breath enough para maikalma ko ang bawat parte ng puso ko na sobra sa pagtibok. Did he mean it? The chorus. Or it was just a simple song? No meaning, I mean. But... why did he choose that song?

"Aalis na ako." Malamig niyang saad at ibinaba ang gitara.

"Magmeryenda ka muna." I quickly replied.

"I'm in a hurry, remember?" Napatango na lang ako. Hindi nga pala siya pwedeng magtagal. "Bye,"

Tumango na lang ulit ako. Pero bago pa man siya tuluyang makalabas ng pinto ay tinawag ko siya. Hindi siya humarap sa akin pero huminto siya sa paglalakad.

That Cold Guy Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon