Chapter 1: Meet the Twin Towers

11 1 1
                                    

main characters: (tropang dingdong)

Johann(Yow-han) George  Fuentabella

Avvy Gale Gemini Rodriguez

Stephanie Grey

Eron Jay Tyler

Savannah Winters

other:

Keith Andrew Collins

Kurt Anjelo Collins

Kimberly Jhane Evans

Red Sanchez

Zyrin Paredes

*-*-*-*-*

Hai nako! Second semester na. Sa kamalasmalasan, sa 10 taong pagsasama namin ni Kim, ngayon lang kami hindi naging magkaklase. Hindi kasi katulad sa ibang school, dito sa West High, per semester ang palitan ng section. At yun nga! Bwiset na principal na yan. She put me here in the 2nd section while Kim is in the 1st. Random daw kc ung ginawa. Hindi daw by grades! Di pa naman sabay yung mga schedules namin. Kaya kawawa ako kasi I need to find new friends again. Wala kasi akong ibang ka close kung hindi si Kim, Collins brothers, Amber, Loui at Ethan. Lahat sila, 1st section! Unfair!! T_T

*-*-*-*-*

1st day of the class

Maaga akong pumasok sa school. Nakita ko si Andrew na nabili ng pagkain sa canteen. Ang takaw talaga nito kahit kelan. Pero kahit ganyan yan, crush ko pa din siya. Hahaha! Oo, crush ko siya since 1st year at alam na din ni Kim medyo matagal na.

Nilapitan ko siya then I pinch his side, “Na miss kita!"

“Ouch!! Can you say 'I miss you' without pinching me?" si Andrew. Naka kunot ung noo niya. Ang cute talaga nitong pangit na toh!

“Are you mad? Sarreh" sabi ko pero paawa lang. I pout my lips with matching puppy eyes. Tapos tumungo ako tumalikod na. 1,2,3

“Wait! I'm not mad. You're just a naughty brat!" pinigilan niya akong umalis. Diba? Effective yung ginawa ko. Hahaha! He pats my head.

Binigay na nung tindera yung pagkain niya inalok niya ko.

“Hindi na wag na. Baka kulang pa nga sayo yan eh. Tsaka I need to go na. Magi start na yung class namin."  sabi ko.

“Ah ganun ba? Hatid na kaya kita?" oyoyoyoyoy!! Nagtagalog na ulit siya!

“Wag na noh! May paa naman ako."

“Psshh.. Ok. Go now. Baka ma late ka pa" naloloka ako. Ang cute niya kasi magtagalog.

“Sige. See yah later!"

Naglalakad na ako puntang classroom ng makasalubong ko si Red Sanchez. Siya yung 1st love ko pero dati yun nung hindi niya pa ako pinagpapalit kay Zyrin Paredes. Di naman kasi ako magtataka, para sakin kasi, mas maganda at mas sexy siya kesa sa akin. Pero sabi ng iba, mas maganda daw ako pero kulang lang sa ayos. Anu ba ang masama sa suot ko? Over sized na hoodie at black pants. Converse shoes? Anung problema dun? Pero mas okay na rin na naging sila, masaya na ko sa buhay ko ngayon.

Meron din namang naidulot na maganda, kasi sumumpa ako sa sarili ko na di ako gagaya kay Zyrin na mang aagaw. Pero magiging 'Match Maker' ako.

Nakita ako ni Red na nakatingin sa kanila, he pulled Zyrin and kiss her passionately. Di ko alam kung bakit affected pa rin ako. Tumakbo ako paalis dun sa nakita ko, paalis dun sa mga taong yun. Nakatungo akong tumatakbo hanggang aksidenteng may nabangga ako.

Nakatungo pa rin ako nung huminto ako.

“Sorry! Di ko sinasadya" nahikbi ako nung sinasabi ko yun.

“Okay ka lang Miss?" sabi nung lalaki

“Ah, oo. Okay lang ako. Una na ko ha"

“Miss, di ka okay eh. Halika nga"

Hinila niya ko pero di ko alam kung saan niya ko dadalhin. Hinayaan ko lang siya.

“Johann!" narinig kong sigaw nung isa pang lalaki? Johann? Parang alam kokung kanino yung pangalan na yun ah.

“Sino yan? Bagong Gf mo? Pina iyak mo agad?" sabi ulit nung lalaki. Aangal sana ako kaso wala ako sa mood. Hinahayaan ko lang sila mag usap.

“Baliw! Alam mo namang si Gale lang diba?" ngayon ko lang na realized yung position namin. Medyo nakayakap pala ako sa kanya. Pero siya ang gumawa nun. Di ako. Binitawan ko siya bigla. Tatayo na sana ako nung bigla niya ulit akong hatakin paupo dun sa bench.

“Upo!" nakakatakot.

“Di. Okay na ko. May klase pa ko eh. Baka ma late pa ko" sabi ko. Natatakot na kasi ako.

“Wag ka matakot Miss. Di nangangain yang si Johann. Nangangagat lang" sabi nung isa pa.

“Loko ka talaga Eron"

Pinunasan ko yung mga luha ko. Kinikilabutan na ko eh.

“Miss. Sorry ha. Ako nga pala si Johann at eto naman si Eron. Ikaw? What's your name?" Johann? Eron? Napatingin ako sa kanila. Oh no!! Sila ung Twin Tower ng basketball sa West High.

“Savannah Winters. Sab na lang" sabi ko. Mabait naman pala sila.

“Ah ok. Anung section ka? Tsaka bakit ka umiiyak?" sabi ni Johann

“Section 2. Di wala."

“Anung wala eh halos mamaga na yung mga mata mo eh" totoo. Kulay pula na yung mata ko tapos maga na rin siya.

“May nakaaway lang" simpleng sagot ko.

“Sino yan? Tara bugbugin natin!" yaya niya kay Eron

“Hahaha! De wag na. Bahala na siya sa buhay niya" natawa ako. Kasi di naman nila ako kilala pero gagawin nila yun. Sadyang mabait lang sila.

“Section 2 ka? Halika na! Sabay na tayong tatlo. Section 2 din kami eh" sabi naman ni Eron

“Ah sige. Salamat ha! Kasi kahit di ko kayo kilala, na comfort nyo ako" sasama ako sa kanila dahil ewan ko ba kung bkit pero, magaan yung loob ko sa kanila.

“Wala yun. Pero next time, magsasabi ka na sa amin ha! Friends na tayo?"

“Sure. Sure!!" sumama na ko papuntang classroom. Buti na lang may friends na agad ako. :))

The Match Maker's MatchWhere stories live. Discover now