Make It Count (One Shot)

116 4 2
                                    

I’m his bestfriend. I’m his best buddy. He even told me that I’m his everything, but I refused to believe it. We have a lot in common, yet we also have our own differences. He’s always there for me. He valued me more than he valued his self. And I wanted him to be valued as much as someone can. I want to take care of him as much as I can but it’s too late. He’s dying. Anong magagawa ko? May magagawa pa ba ‘ko? Sapat ba ang huling isang araw para iparamdam ko sakanyang mahal ko rin siya? Para iparamdam ko sakanyang he’s also my everything?

 

“B-best?” napatingin ako agad sa taong nagsalita.

“Best! Ano? May masakit ba? Teka, tatawag ako ng doctor.”

“N-no.” at saka nito hinawakan ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alis. “Gusto ko ng umuwi.” Sabi nito na halatang nanghihina na.

“Pero sabi ng doctor hindi pa pwede. Kailangan mo munang mag-pagaling.”

“Pero magaling na ‘ko.” Sabi nito at saka akmang tatayo pero agad ko rin naman siyang nilapitan at pinigilan. Sa totoo lang, natatakot akong hawakan siya. He’s too fragile. Feeling ko isang pagkakamali ko lang, masasaktan ko siya.

“H’wag ka ng tumayo, Best.  Teka, kukuha lang ako ng pagkain mo. Kumain ka, ha?” sabi ko dito ng naka-ngiti. Pekeng ngiti.

“Ayokong kumain. H’wag ka ng umalis. Samahan mo na muna ako dito. H’wag mo na muna akong iwan.”

“Ano ka ba? Sino ba nag-sabing iiwan kita?” sabi ko ng nagpipigil ng luha. “Walang iwanan diba? Hindi pa nga nagiging tayo.” Sabi ko at saka nag-fake ng tawa. Nakita ko naman siyang ngumiti ng matipid.

“Nililigawan na kita dati, nagpakipot ka pa, eh. Ayan tuloy ngayon, nanghihinayang ka.” Sabi nito at saka mahinang tumawa pero hindi pa man din nakakatagal yung pagtawa niya, e nagtuloy-tuloy na yung ubo niya.

Mabilis akong kumuha ng tubig at pinainom siya pero ubo pa rin siya ng ubo.

“Tatawag lang ako ng doctor.” Halata sa boses ko ang takot at pagka-taranta. Nasasaktan akong nakikita siyang nahihirapan.

Mabilis akong umagaw ng atensyon ng mga nurses at doctors.

“Yung kaibigan ko po.” Naiiyak kong sabi. Agad din naman silang nag-takbuhan papunta sa kwartong nilabasan ko.

God, please. H’wag po muna. Please. Bigyan niyo po muna kami ng kahit ilang sandali nalang. Please.

Mahinang dasal ko habang hindi mapakaling nag-aabang sa labas ng kwarto ni Jer. Ilang minuto lang ay lumabas na rin ang doctor  na tumingin sa kanya.

“Doc? Kamusta po? Ano na pong balita sa kaibigan ko?” natatarantang tanong ko.

“Kumalma ka muna, Hija. Nasabihan na naman kita diba? Mahina na ang kaibigan mo. Onti-onti na siyang nilalamon ng sakit niya.” Sabi nito ng nakatitig sa mata ko. “Sorry to say, pero hanggang bukas nalang ang itatagal niya.” Matapos kong marinig ‘yon ay agad na tumulo ang mga luha ko.

Make It Count (One Shot)Where stories live. Discover now