Pinagtagpo Pero Hindi Itninadhana

6 0 0
                                        

tuluyan ng magtapat Kay kyle kahit pa anong magiging reaksyon nito. Desidido na siyang gawin ito dahil baka sumabog na siya kapag Hindi niya pa ito nailabas. Nag antay siya Kay kyle sa bus stop pero Hindi ito dumating o napadaan lamang doon. Naisip ni Andrea na baka Hindi pa ito ang tamang panahon para magtapat dahil parang pinipigilan siya ng tadhana Tatlong linggo ang nagdaan ngunit Hindi niya nakikita ang binata Kaya nagulat siya ng umupo ito sa tabi niya. " Hi.. Uhm san ka nanggaling..bakit parang Hindi kita nakita these past few weeks?" Tanong niya dito. Napangiti ito " ah napansin mo pala...nagkasakit kasi ako eh Kaya ayun at natagalan sa pagpasok". Nag aalala siyang tumingin dito "ayos ka na ngayon?". Tumingin ito sa kanya at sumagot "Yup. Thanks for your concern".
Huminga ng malalim si Andrea saka humarap sa binata "May gusto sana Kong sabihin sayo". puno ng kuryosidad na sumagot ang binata " hmm ano naman yun?" Kinagat ni andrea ang pang iba bang labi saka nagsalita " Matagal na kasi kitang gus-" Naputol ang mga sinasabi niya nang maramdaman ang malakas na pwersa galing sa unahan ng sinasakyang bus, biglang tumagilid ang bus. Tanging ang mga sigawan at nasisirang bahagi ng bus ang naririnig ni Andrea. Naramdaman niyang may kung anong bumalot sa kanya dahilan para Hindi siya masaktan.
Iminulat ni Andrea ang mga Mata at nagulat sa nakita. Puno ng dugo ang taong nasa harapan niya at halos Hindi niya na ito makilala.
Kapos sa hininga itong nagsabi "m-m-matag-gal n-na k-kit-tang gusto" saka ito umubo na may kasama ng dugo. Napatakip na lamang si Andrea ng kanyang bibig habang patulog ang pag agos ng luha sa kanyang mga Mata. " Kyle. Kyle makinig ka ha" pagsusumamo niya sa binata " m-mabubuhay k-a ha...hihingin ako ng tulong" aalis na sana siya ng hawakan ng binata ang kanang braso saka sumagot " w-wag k-kang aalis. D-dito k-ka l-lang a-alam k-ko naman n-na h-hndi na k-ko aabot eh" pilit na ngumiti si kyle kay andrea at Hindi mapigilan ng dalaga ang takot at panginginig na narramdaman. " G-gusto k-kita m-mtagal n-na. N-nagh-hanap l-lang ak-ko ng t-timing p-pero h-hanggang d-dito na l-lang pala ak-" hndi na natapos ng binata ang sinasabi ng may bumulwak na dugo sa bibig nito. Humagulgol si Andrea at pilit na ginising ang binata ngunit hindi na ito muli pang sumagot. " M-Mahal k-kita kyle ..mahal na mahal..hanggang sa muli" saka niyakap ang binata. Tatlong taon na din ang nakakaraan binata. simula nung mapag isa si Andrea...pa laging pumapasok sa utak niya si kyle at ang malagim na nangyari sa kanila. Ngayon ay alam niya na kung bakit siya laging pinipigilan ng binata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pinagtagpo Pero Hindi ItinadhanaStories to obsess over. Discover now