Ang sabi ni Chloe ay ngayon mamimili ng mga kailangan para hindi magahol sa oras bukas. Mag aayos pa kasi sa bahay nila Xander kaya baka matagalan kung bukas din bibili.

"Pick up mo na lang, Xander, ang gagamitin para maraming mailagay. Hindi naman siguro uulan," si Chloe na nagbibigay na ngayon ng instruction.

"Magkano kaya ang magagastos sa liquors?" tanong ni Chloe.

"Kami na ang bibili nun." nagtaas ng kamay si Travis.

"Okay," may isinulat si Chloe sa papel na hawak.

"Tayo na lang sa mga plastic cups na bibilin at sa kung anu-ano pa," si Margou.

"Dumasog ka, fucker. Nasakop mo na tong buong sofa," si Jim ng hindi na nakatiis sa hirap ng pag upo sa gilid ng sofa at tinampal na si Deo.

Dahan dahang dumilat si Deo at dumasog para bigyan ng espasyo si Jim at muling natulog.

"Paano sa mga upuan?" si Travis.

"Sakto! Ikaw at si Jim na ang kumuha nun sa nakausap ni mommy na mahihiraman ng upuan. Konti lang naman iyon,"

Ngumiwi si Jim sa sinabi niya.

"Hindi naman namin alam kung saan yun, Chlo,"

"Asan ba si kuya?" tanong ni Chloe ng narealize na hindi nga naman alam nila Jim iyon.

"Date," simpleng sagot ni Travis.

Agad na dinampot ni Chloe ang cellphone sa lamesa at may pinindot dun bago ilagay iyon sa tainga niya.

Kasabay nun ay ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Kinuha ko iyon kinuha ang bagong notification mula kay Evan at Vaughn. Kanina pa palang umaga ang text ng kaibigan kong kay Evan at ang bago ay ang kay Vaughn kaya iyon muna ang binuksan ko.

Vaughn: Good afternon, Jessica. *Light smile emoji*

Hindi na siya nagreply kagabi dahil sa harsh na nireply ni Xander. Hindi ko alam kung naisip niya bang hindi ako iyon pero hindi naman ako ganon ka rude kaniya kaya paniguradong hindi ako ang naisip niya.

Nireplyan ko siya kahit na nahihirapan ako.

Ako: Good afternoon din. *light smile emoji*

Ibinaba ko ang cellphone ko sa center table at nahagip ko ang mata ni Xander na nakasunod sa cellphone ko. Nang mabitawan ko iyon ay tumingin siya sa akin. Nag iwas lamang ng tingin ng nakitang nakatingin ako.

Hindi na ulit kami nag usap kagabi. Sa kalagitnaan ata ng movie ay nakatulog na ako habang nakahilig kay Kuya Marcus. Wala rin naman siya sa tabi ko ng magising ako kaninang umaga.

Mabuti na rin siguro iyon. Nag aaway kami pag nag uusap. Buti nga ngayon at hindi na gaanong bangayan ang nangyayari sa tuwing nagkakasama kami 'e.

"Where are you, kuya?" napabaling ako kay Chloe.

Binalingan ko ulit si Xander at nakitang nakatingin siya sa akin. This time hindi na siya nag iwas sa tingin ko. I can't read his eyes. Hindi ko alam kung anong ibig sabihing ng mga mata niya ngayon habang nakatingin sa akin. Hindi siya nakangiti pero hindi nakasimangot. Seryoso lamang siya habang nakatingin sa akin.

Sa hindi malamang dahilan ay naramdaman ko ang bahagyang pag kirot ng puso ko habang nakatingin sa mga mata niya. Bakit? Bakit ako nakakaramdam ng lumbay ngayong nakatingin ako sa kanya?

Ganito ang laging kong nararamdam sa tuwing nakikita ko siya na kasama si Chinky. Lalo na sa mga panahon na masaya si Chinky habang isa sa amin ang naka away siya. Lalo na ako. That pain I felt when I saw him laughed with her when I found out I was adopted. That pain is what I'm feeling right now at hindi ko alam kung bakit.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now