Chapter 34: The Visit

Start bij het begin
                                    

Tanging si Asti lang ang hindi kumikilos dahil tutok parin ang mga mata niya sa phone niya at walang kamalay-malay sa mga mangyayari. "Asti?"

Hindi siya nag-angat ng tingin at nagpatuloy lang sa ginagawa na parang wala siyang pakielam sa mundo. "O?"

"Anong tingin mo sa human canvas?"

"Ha?" distracted na tanong niya. "Go. Bahala kayo kung anong gusto niyong gawin. Dito lang ako basta sabihin mo kay Gaige dalian sa pagpapadeliver ng pagkain. Gutom na ko."

"Talaga, okay lang?"

Ginalaw niya ang isang kamay niya na parang sinasabi sa amin na 'go on'. Bnrush ko ang natitirang pintura sa kamay ko at kasabay ng pag-angat ng tingin ni Asti nang maramdaman niya na patayo ako ay kaagad akong nakalapit sa kaniya at walang babalang ipinunas ko sa kaniya ang nanlilimahid sa pintura kong mga kamay. Gano'n din ang ginagawa ng dalawa pa na may kasama pang pagtili at hinawakan ang kung anong maabot nila kay Asti.

"Anong- TIGILAN NIYO KO!"

Ako naman ang napatili nang maabot niya ang bukas na botelya ng puting pintura at iwinasiwas yon sa ere dahilan para matamaan kaming tatlo niyon. Dumikit 'yon sa buhok ko at sa leeg dahilan para mabitawan ko si Asti at sumisigaw na tumakbo ako para lumayo sa kaniya dahil hindi pa din siya tumitigil sa ginagawa.

Malas lang ni Syrah dahil siya ang kaawa-awang hindi makaalis agad dahil nadulas siya at nadapa. Hinila ni Asti ang paa niya at kinuha sa kamay ng babae ang hawak no'n na paint tube at pinisil niya yon at ikinalat sa buhok ni Syrah. At dahil kulay green 'yon ay nagmukhang alien ang babae dahil kulay na kulay 'yon sa kaniya.

At dahil wala na sa amin ngayon ang atensyon ni Asti, halos sabay pa kami ni Rous na tumakbo palapit sa kanila at kung anong paint ang maabot ko ay iyon ang kinalat ko sa likod ni Asti.

"I'm gonna get you all for this!" Asti shouted at us and screamed her own version of a battle cry.

Wala ng napunta na pintura sa mga canvas namin dahil lahat na ata ay napunta sa mukha, buhok, at katawan namin. Nagtitilian kami at nagtatawanan...at kahit bahagya na kaming napapagod ay parang walang may balak tumigil.

Isn't this the best bachelorette party ever?



KASALUKUYAN akong busy sa pag skip ng skip sa pinapanood kong pelikula sa laptop ko habang mag-isang nakadapa sa malaking kama ng hotel na kinaroroonan ko. Natutulog na sila Syrah sa sarili nilang kwarto. Pagkatapos kasi naming dumihan ang condominium ko ay tumuloy kami dito sa Oriental Luxury Suites Tagaytay dahil mas malapit ito sa simbahan. We also went to a spa to relax. Kailangan ko 'yon dahil paniguradong maraming magaganap bukas sa kasal.

At pagkatapos ng kasal.

Nag-init ang mukha ko sa naisip. Kahit sabihing hindi naman kami nawala sa honeymoon stage ni Gaige pakiramdam ko ay bago ang lahat sa amin. Araw-araw parang mas lalo ko siyang nakikilala at gano'n din siya sa akin. Araw-araw...mas lalo ko siyang minamahal.

Ang sarap lang sa pakiramdam na kaya ko ng sabihin ang bagay na 'yon ng walang pag-aalinlangan. Na hindi ako natatakot na malaman 'yon ng iba o aminin iyon sa sarili ko. Like it's just a normal thing to me. Loving someone...and being love by that one special person.

Nahugot ako mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang pagtunog ng telepono ng hotel. Kumunot ang noo ko at bumangon ako para abutin 'yon at sagutin. "Hello?"

"Mrs. Hendrix, there's someone would like to see you. Pinaakyat ko na ho siya diyan."

Napakunot noo ako. Wala naman akong inaasahang dadating. At isa pa...bakit basta-basta na lang sila nag a-allow ng bisita na hindi ko man lang inaaprubahan muna. "May I know kung anong pangalan ng naghahanap sakin?"

Exquisite Saga #1: Chianti CallahanWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu