Kaibigan
Isang salita walong letra
Walong letra na hindi ko pa rin maunawa
Hindi ko pa rin maunwa sayo
Ano nga ba talaga ako sayo?
Na ako ang kaibigan mo noon
Pero anong nangyari ngayon?
Sinira ko ang ating relasyon
Sa isipan ko isang ilusyon
Isang ilusyon na nagsasabing kaya ko na
Nagsasabing kaya ko ng mag- isa
Na hindi ko na kailangan kayo
Na parang nawalan na ako ng gana
Sa relasyong ito
Pero may naalala ako
Nung magkakasama pa tayo
Inisip ko kailangan ko pala kayo sa buhay ko
Nagsisi ako nung iniwan ko kayo
Alam kung masyadong magulo ang isip ko
Sa huli nagsisi lang pala ako
Kaibigan
Isang salita walong letra
Walong letra na nagsasabing
Dapat maging masaya
Ito din ang salita na sana
Matagal ko ng naintindihan
Sana matagal ko ng naunawaan
Na tayong lahat ay magka- kaibigan
