Wala lang

3 0 0
                                        


Dear Friend,

kamusta na? Ngapala may bago kanang kaibigan, may ipinagpalit ka na sa akin matapos mo lang marinig ang mga maling salita na hindi naman galing sa akin.

Ngapala kung nasaktan ako? Oo, nasakatan ako. Hindi dahil sa ipinagpalit mo ang ilang taon nating pinagsamahan kundi dahil hindi nga pala kita naging kaibigan sa ilang taon nating pinagsamahan.

Alam mo ba kung anong mahirap sayo? Hindi mo pinapansin ang mga taong may malasakit sayo kundi iyong mga taong nagbibigay lang ng sakit sa puso mo.

Ang daming daming tanong sa isip ko: kung kamusta ka na, kung okay ka lang ba. Pero siguro nga mas naging makulay ang buhay mo nung marinig kong sinabihan mo sila na mas okay lang nawala ako dahil simula't sapul pa lang ako na ang tradya't suliranin sa buhay mo.

'Attention seeker' 'KSP' ang mga salitang palaging karugtong sa pangalan ko, pero alam mo kung anong mas masakit? Nung marinig ko ang mga salitang iyon galing sa labi mo.

Kaya ako'y lilisan na lamang at iiwan ang nakaraan na hindi ko na kayang balikan dahil alam ko sa sarili ko sa ating dalawa ako lang ang nasasaktan.

-A

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Uncrossed BoundaryWhere stories live. Discover now