The Trap known as "Love"

11 0 0
                                        

In class, lagi akong nakatingin sa isang babae,

sulyap sulyap lang para di mahalata,

at minsan napapaisip ako:

“Ano ba ang ibig sabihin ng "Love"? Parang trap na hindi namamalayan pag nahulog na?”

Haa… napaka cute niya talaga, siguro in love na ko

My name is Renz, Renz Sanchez, 15 years old na boring at binata, 1st year high school. Year 2090 na sa Philippines, supposedly ganitong edad daw ay nasa 4th year of High School na kami but things change. Lalo na back in 2020.

Flashback time, year 2020 may malalang virus na kumalat sa Philippines na kinamatay ng 57% of the entire Philippine population. Epekto nito ang pagbaba ng ekonomiya due to low manpower, low birthrate and other negative effects in the country. Nasolusyonan ang virus itself, pero nahirapan ang government sa pag handle ng population.

Kung kaya ginawa nila ang project na mag assign ng isang lalaki para maging asawa ng isang babae pagdating nila sa edad na 16, tinawag nila itong "PROJECT: Tadhana" na nag apply to the rich and poor alike. Unti unting naging stable ulit ang population at nung pinaghambing ang mga batang pinanganak sa mga couples na volunteer sa project mula sa ordinaryong mga bata, kitang kita na higit na physically and mentally healthy ang mga batang bunga ng project. Sila ang tinawag na "1st Generation of Science" na pinanganak around 2034. Pinagpatuloy ng gobyerno ang project dahil ito ang dahilan ng stable na population and balance ng stocks para sa citizens.

“Hoy, Renz!” tawag ni Ben

Nakakagulat pero sinagot ko siya ng “Bakit?”

“Hinding-hindi ko susundin yang gobyerno na yan!” seryoso niyang sinabi,

Medyo nakakalito kung ano sinasabi niya kaya nagtanong ako sa best friend ko,

“Psst, Frank!”

“Ano?” Sagot niya

“Anong meron kay Ben ngayon?”

“Natanggap na niya yung Notice of Marriage niya kahapon,”

“SERYOSO?” sagot ng buong tropa

“Oo nga, at bukas makikita na niya ang Assigned Wife niya, kaya ayan, duwag siya.”

“Di ako duwag!” sagot ni Ben, “G-Gusto ko lang magpakatotoo sa sarili ko!”

“Pfft, magpakatotoo ka nga, sex lang naman talaga habol mo eh” sabi ni Frank

“S-Sex?? Hindi, bobo! Di naman totoong pagmamahal yung ginagawa ng gobyernong yan sa PROJECT: Tadhana! Bahala kayo, pangako ko, di ko pakakasalan kung sino man inassign sakin!”

“Gets mo yang feeling mo, Ben” sagot ko naman

“Oo nga,” sagot ng tropa naming si Mark “Parang katangahan lang ang pagpili ng destiny mo for granted”

“Okay, ito ah, lahat tayong nandito ay mangangakong hindi magpapakasal ah!” Sabi ni Ben

“Oo!” Sagot ng buong tropa

Pinagsama-sama namin ang nga kamay namin pero nabigla kami dahil sobra ng isang kamay, at yung kamay na yun ay kamay ng isang dalagang nagngangalang…

Sheena Velasquez, ang babaeng matagal ko nang mahal.

Inalis ko kaagad ang kamay kong nasa ilalim lang ng kamay niya dahil sa gulat “Uy! Sh-Sheena”

“Ay! Sorry, bawal ba babae?” Sagot niya,

"A-Ay, di naman ma'am!” sabi ni Ben

“Huy bakit ka na nag ma'am” tanong ni Mark

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PROJECT: TadhanaStories to obsess over. Discover now