"Kaka-computer mo yan, Gino!"
Singhal na naman sa akin ni mama. Napakamot ako ng batok at kumain na lang para maaga akong makapasok. Rinig na rinig ko ang malakas na pag-ulan.
Kinuha ko ang cellphone para tingnan kung suspended ba.
Ayos! Suspended nga mga par!
"Ma! Suspended ang klase!"
Nagsimula na naman siyang manermon. Kesyo sana daw pati yung mga nagtatrabaho, masuspend din yung mga trabaho nila.
Dahil wala si mama, at wala namang pasok, computer na to!
Naglaro ako ng mga paborito kong online games.
May isa akong online game na nilalaro pero hindi siya sikat. Kahit bata ay kayang kaya to.
Adventure game. Meron ka lang limang lives. Every level, pahirap ng hirap. Ang goal dito ay makaabot ka sa kingdom mo. Pipili ka ng avatar. Ang pinipili ko talaga ay si Hiana.
Humikab ako at napatingin sa orasan. Alas otso pa ng umaga. Inaantok pa ako dahil nagcomputer din ako kagabi bago natulog. Buti na lang at suspended pala ngayon.
Humikab akong muli at di namalayang unti-unti na akong napapapikit.
"LEVEL ONE"
Naalimpungatan ako dahil sa narinig na ingay. Ha? Anong meron?
"Gising!"
Napatingin ako sa nagsalita at nakitang si... Hiana?! Si Hiana nasa harapan ko? Suot ang sando nitong itim at leggings, tsaka boots, at brown nitong buhok, tiningnan niya ako.
"Bagong avatar ka ba?"
I was freaking out! Pero hindi ko iyon pinahalata at lumunok na lamang.
"A-ah... oo.."
"Tumayo ka diyan, kailangan na nating makapunta sa kingdom! Lulusubin na yon!"
"H-ha?!"
Hinila niya ako at tumakbo kami!
Oh shit!
"Jump!"
If I didn't jump, I would've been crush by some freaking obstacle! Binitawan niya na ang kamay ko. Nagulat ako ng mag-appear na lang bigla ang isang bow and arrow! Suot niya na iyon.
I remembered, iyan ang ginagamit ko. Kung hindi sword, bow and arrow.
Mas lalo akong nagulat ng may hawak na akong sword!
Fuck! This is scary and cool at the same time!
Tumakbo ulit kami at nasa isang parang ilog na kami. Shit. Paano kami tatawid sa kabila?
Biglang may lumitaw na mga bato. Oh, I remember, ang mga batong 'yon ang magsisilbing tulay namin. She started jumping. Ang bilis niya! Hanggang sa makarating na siya sa kabila.
Habang ako, parang baklang naiihi sa takot!
"Hey! Faster!"
Lumunok ako at nagsimulang tumalon. It was hard all right! Dahan-dahan akong tumalon, hanggang sa namali ang talon ko at nadulas ako!
Nahulog ako! Mukhang mababaw lang ang tubig kung titingnan pero malalim pala talaga! Pinikit ko ang mata at nagpalunod na lamang.
"FOUR LIVES REMAIN"
Nagmulat ako ng mata. Tangina! Muntikan na yon! May limang lives pala ako! Ngayon apat na lang ang naiwan!
Nagulat ako ng may sumapak sa akin.
"That's for making me nervous! Lives here are very important, Mr. New Avatar! Pahalagahan mo 'yon!"
At padabog itong umalis. I was left stunned.
Lives here are very important.
It must've been hard for them being controlled, and with only five lives in this fucking game.
"U-uy! Sorry!"
Pinana niya ang mga maliliit na nilalang na kalaban namin. Ganoon din ang ginawa ko.
"Huy! Sorry!" Habang naglalaban, ay humihingi ako ng tawad.
Ilag dito, gamitin ang sword, ilag ulit...
Iyan ang ginawa ko habang humihingi ng tawad. Nang matapos, nauna na siyang maglakad.
"Hiana!"
"What?" sagot niya ng hindi ako nililingon.
"Sorry."
Tumigil siya, at bumuntong-hininga.
"Let's rest for a little bit. Gabi na."
Naalala kong kapag gabi, maari silang matulog at kinabukasan, ang mga lives na nasayang, ay mababalik.
Naghanap kami ng mapagtataguan at matutulugan. Nang makahanap, humiga siya sa damuhan.
Pumikit siya. Akala ko tulog na siya pero bigla siyang nagsalita, "Sorry. Alam kong mahirap din yun. Kinabahan lang kasi ako. And as what I've said, lives are important."
Dumilat siya at tumingin sa kalangitan. I didn't know the sky here is breathtaking.
"Ang mabuhay sa larong ito ay mahalaga. Para maabot mo yung hinahangad mo."
Tumingin rin ako sa taas, "Yep. Life's a game. A survival game. It's either you fight, or you surrender."
I heard her sigh, "You're still gonna die even if you fight tho. But that's better than not fighting at all."
Hindi ako nakapagsalita. For an avatar, she's deep.
"I'm more than just an avatar, Gino."
I looked at her, but she closed her eyes. And so, I closed mine also.
"Kapag ako namatay, iiyak kayo kasi wala ng mag-aasikaso sa inyo!"
Napakamot ako sa noo. Anong ingay ba yun?
"Ikaw, Gino!" Tuluyan na akong nagmulat ng mata nang may humampas sa balikat ko. "Nakatulog ka nanaman diyan! Ang sabi ko sayo, matulog ka sa kama mo! Hindi diyan sa computer table mo!"
"M-ma!" Luminga-linga ako.
What the?
"Oh? Anong mina-mama mo riyan?! Hala, kumain na tayo!"
Napatingin ako sa computer ko na naka-off na. It was all a dream...
---
Badtrip. May pasok kanina at may assignments agad. Nagloko pa ang printer namin kaya wala akong choice kundi lumabas at magpaprint sa malapit na com shop.
"Paprint nga po."
Binigay ko ang flash drive ko.
May bumangga sa akin kaya napatingin ako kung sino iyon, "Sorry."
Natigilan ako ng marinig ang boses na 'yun.
"H-hiana.." bulong ko, tama lamang para marinig niya.
Suot ang isang black hoodie jacket, black leggings at boots nito, humarap siya sa akin at kumindat, "Told you. I'm more than just an avatar."
