CHAPTER (IX)

135 6 0
                                    

My Ex-Girlfriend Is My Bestfriend Lover!?


Chapter Nine:

Third Person's POV

Hindi parin maka paniwala si Seth na si Arrah ang ka meeting niya, ang akala talaga niya ang mga magulang nito ang ka meet niya. Mukhang pinaglalaru yata sila ng tadhana, hindi alam ni Seth kong ilang minuto silang nagkatitigan ni Arrah ng biglang nabasag ang kanilang katahimikan ng secretary ng kanyang papa.

"Maam/Sir magkakilala kayo?" tanong ng babae sa kanila.

"Oo you may go now, ako nalang bahala dito" utos niya sa secretarya niya. Agad naman itong sinunod at iniwan sila.

"Mr. Demetrius sorry if I'm late, na late lang naman ako da-"

"Don't be formal Arrah, tayong dalawa lang naman ang nandito. You can call me Seth" pagputol sa iba nitong sasabihin. Tumango naman si Arrah, agad silang umupo para simulan ang kanilang meeting. Inilabas ni Arrah ang iba't - ibang documents sa bag niya, pinag usapan nila ang tungkol sa kalagayan ng kompanya nila at tungkol sa pag invest.

Habang nag - uusap sila napansin ni Seth na namumutla si Arrah na para bang may sakit ito. Kita niya sa kasi sa dalaga na panay ang lunok nito at tila pinagpapawisan.

Is she sick?

Tanong niya sa sarili.

"Hey Arrah you okay? You look paled" tanong niya sa babae.

"I'm okay Seth" nakangiting sabi nito, sabay ng pagtunog ng tiyan nito. Napansin niyang napakagat ng labi si Arrah at namumula ang mukha nito, halatang nahihiya.

"Nagugutom kaba? Don't tell me hindi kapa kumakain ng lunch?" sunod - sunod niyang tanong sa babae. Napapikit naman siya ng mariin ng tumango ito ng dalawang beses. Napahilot naman agad siya sa sintido at tumayo sa kinauupuan.

Napakunot naman ng noo si Arrah kay Seth dahil sa bigla nitong pagtayo. Hindi na nagsayang ng oras si Seth at hinawakan nito ang braso ng dalawa at hinila palabas ng office niya. Dinala niya ito sa canteen.

"Bakit? Tayo nandito, diba hindi pa tapos ang meeting natin" tanong sa kanya ng babae. Pero imbis na sagutin niya ito, nag order siya ng maraming pagkain. Halatang nagulat si Arrah sa ginawa niya, sino ba naman hindi magugulat dahil sa maraming inorder mo.

"Seth!!! Marami naman yatang inorder mo? Para kanino bayan?" tanong nito sa kanya.

"Malamang sayo, bakit? Kapa nagtanong" sabi niya sa babae. Napanganga naman si Arrah sa kanya.

"Seth hindi mo naman kailangan orderan ng marami eh at isa pa nakakahiya sayo" sabi nito. Bumuga naman siya ng hangin.

"No! Kakain ka and that's final, bakit? Kaba nagpapalipas ng gutom, gusto mobang mamatay? Alam mo bang maraming bata sa lansangan na naghahanap ng pagkain sa basura para mabuhay, tapos ikaw nagpapalipas ng gutom. Dapat nga magpasalamat kapa dahil na libre kana" sabi niya sa babae. Natahimik naman ito bigla dahil sa mga sinabi niya.

Nang maibigay na sila kanila ang kanilang inorder agad silang naghanap ng mesa para kumain. Nang makahanap na sila agad silang umupo at nilagay ang kanilang pagkain, nagtaka naman si Seth dahil hindi ginagalaw ni Arrah ang kanyang inorder.

"Bakit? Kumain kana" sabi niya sa babae pero umiling ito.

"Ayokong kumain at isa pa nakakahiya" sabi naman nito.

"Ayaw mo bang kumain? Gusto sabayan kita? Marami naman ang inorder ko eh" sabi niya kay Arrah. Napaangat naman nito sa kanya at tumingin.

"Talaga? Sasabayan moko" tanong nito sa kanya. Tumango naman siya, agad namang nagsimulang kumain si Arrah at nakita niyang ang bilis nitong kumain, tapos nabulonan pa, agad niyang binigyan ng tubig ito halatang gutom.

My Ex-Girlfriend Is My Bestfriend Lover!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon