Isabela's POV
Hiiiiiiiiiiii papunta ako ngayon sa room ng boyfriend kong si Noah. Hihi it is our 1st monthsary eh. Ang sabi ko sa kanya,di ako papasok ngayon dahil plano ko siyang surpresahin.
Naalala ko tuloy nung una kaming magkita at magmeet. Iyak ako ng iyak sa park nun kasi nakipagbreak saakin si Seven. Nagtataka ako kasi yung mga tao diring diring tumitingin sakin.
Hanggang sa lumapit saakin si Noah at sinabing may kulangot daw sa pisngi ko. Nagpasalamat ako nun sa kanya hanggang sa lagi na kaming magkatext at magkasama. Sweet no?
Sobrang sweet din niyan. Lagi akong kinakamusta.
At laging bumabanat ng pick up lines which is ginagawa saakin ni Seven noon.
Pero iba si Noah no duhh.
"Hi Ian!"bati ko sa barkada ni Noah nang makita ko siya sa pintuan ng classroom nila.
Bigla namang nanlaki ang mata ni Ian at parang natataranta.
Huh? Bat kaya? Baka prineprepare palang nila yung surprise saakin ni Noah tas dumating naku. Yiee ang sweet talaga ng honeypie koooooo.
"Lala? Bat andito ka?"kinakabahan niyang sabi
"Syempre para isurprise ang boyfriend ko! Monthsary kaya namin ngayon. Asan siya? Andyan ba siya? Babatiin ko nga"haharangan pa sana ako ni Ian pero huli na at nakapasok na ako.
Tumingin ako banda sa upuan ni Noah na may kausap na babae habang nakangiti.
Ahh siguro kaibigan niya no? Di naman kasi player si Noah eh.
Ngingiti na sana ulit ako nang bigla silang maghalikan.
Hala? Friends lang sila diba? Bat kaya sila naghalikan? Friendly kiss? Pero bat sa lips?
Naramdaman ko nalang ang mainit na likido sa aking mga mata.
Hahawakan na sana ni Noah ang dibdib nung babae pero pinunasan ko ang mata ko saka mabilis na lumapit sa kanila.
"Honeypie! Happy monthsary!"nakangiti kong sabi
"Who's that girl?"maarteng tugon nung babaeng nasa tabi niya
Tumingin saakin si Noah and He bit her lower lip.Shit ang gwapoooooo
"Uhmm a friend?"
Bigla na namang nanubig ang mata ko.
"Wow! Oo friend ko si Noah grabeee. Ang sweet nga niyang friend eh. May pa monthsary pa tapos honeypie pa tawagan namin tas--"
"Lala,stop"malamig na sabi ni Noah
"Ano Noah? Kinakahiya mo ba ako? Kinakahiya mo ako AS YOUR GIRLFRIEND? Kinakahiya mo ako kasi babae mo yan!"tinuro ko ang babaeng nakakapit sa braso niya"Tangina kala ko ba iba ka sa kanila ha? Yun pala hanggang salita ka lang"
Diko na kinaya kaya tumakbo na ako palabas ng room nila saka pumunta sa garden ng school namin.
Ako dapat yung magsusurprise eh. Pero bat ako pa 'tong nasurprise?
"Lala?"nagulat ako nang may tumawag saakin kaya agad kong pinunasan ang luha ko."Bat ka umiiyak?"
"Uy! Seven ikaw pala yan!"
Diko pala nasabi. Kahit mag ex na kami ni Seven,magkaibigan parin kami.
"Pinaiyak ka ba ni Noah?"nakakunot noo niyang sabi.
Wow. Kala mo naman di niya ako pinaiyak dahil sa panloloko niya rin. Tangina mga lalaki talaga.
"Uhmm mauna naku. Pasabi nalag sa teacher nating mag aabsent muna ako"tipid akong ngumiti
"Teka Lala--"hahawakan na sana niya yung kamay ko pero nilayo ko.
"Please Seven huwag muna ngayon"huling sabi ko saka umalis
Ayoko makakita ng nga ex ko ngayon. Nabwibwisit ako. Kaazar.
Kung bakit naman kasi ako kumagat agad sa bitag ng mga lalaking yun eh.
Bigla tuloy akong napaisip na what if may kuya ako. Siguro ipagtatanggol niya ako sa mga nanakit sakin no?
Haayy. Saan ba ako pinaglihi para maging ganito karupok?
Well,this is me.
I am Isabella Bomba. "Lala"for short. Ang marupok na babae. Pero masisisi niyo ba ako kung ganito ako?
Balakayojan
----------------------------------------
(A/N:Hi readers!(kung meron man hihe) kunti lang yung chapter nito and expect na baka matapos ko hanggang sunday maybe?)
