"Tapos ka na?" mahina kong sabi. Bumuka ang bibig ni Lukas pero nang makita ang ekspresyon ko ay napahinto siya. Iyong kunot ng noo niya ay mas lumalim habang natigilan sa pananahimik ko.

"Kung wala ka ng sasabihin, mauuna na ako," anas ko sabay hagis ng baunan sa kanya. Lumagapak iyon sa mabatong daan pero wala na akong pakialam. Agad ko siyang tinalikuran at nagmartsa ako palayo sa kanya. Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko na siya hinarap.

Tears fell devilishly in my eyes. I wiped them harshly while I kept on walking. Ginamit ko ang braso ko para punasan ang aking luha habang patuloy na naglalakad.

The nerve of that guy! Akala ba niya porke't mayaman ako ay madali na ang buhay sa akin?! Hindi! Wala siyang alam! Hindi niya alam kung anog pinanggagalingan ko kaya wala rin siyang karapatan na pagsalitaan ako ng ganoon. Hindi niya ako kilala. Hindi niya alam kung anong tinatakbuhan ko!

Tuloy tuloy na ang hikbi ko at 'di na ako makahinga ng mabuti. Dala ng init, pagod, at inis na nararamdaman kaya nagsisikip na ang dibdib ko. Huminto ako sa paglalakad para huminga sandali ng maramdaman ko ang isang malapad na kamay na sumakop sa manipis kong braso. Tiningala ko ang may ari noon at nakita ang pawis na si Lukas, titig na titig sa akin habang bahagyang nakaawang ang labi dahil sa hingal.

"Ano?" sikmat ko. Kinagat niya ang labi niya at binitiwan ako. Nag iwas naman ako ng tingin para itago ang patuloy kong pag iyak.

"Oh," aniya. Marahas ko siyang tiningnan noong bumungad sa akin ang isang puting panyo. Nagpalipat lipat pa ang tingin ko sa kanya at sa hawak niya. Noong hindi ako gumalaw ay siya na ang lumapit at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

I moved back but he held my waist closer. His touch was gentle..too gentle. His eyes were caressing my tears softly, as if silently saying sorry for causing them.

His jaw moved violently as he brush away all stray tears. Binaba ko naman ang tingin ko at kaninang kalabog ng dibdib ko dahil sa galit ay mas nag alburoto...dahil sa ibang dahilan.

Umawang ang bibig ko at binaba naman niya ang kanyang panyo. Dumako ang mata niya sa nakaawang kong labi at napako ang tingin roon. Bumilis ang pintig ng aking puso habang pinapanood siyang nakatitig sa akin.

"Tara na..." bulong niya habang nakatitig pa rin. Tumikhim ako at nilagay ang kamay sa kanyang dibdib, tinutulak siya palayo. Para namang nagising si Lukas sa isang panaginip at agad akong binitiwan. Hinagod niya ang buhok gamit ang kamay bago muli ng naglakad.

Nakarating kami sa paradahan ng jeep. Pinauna ako ni Lukas sa pagsakay at agad naman siyang tumabi sa akin. Mabilis na napuno ang sasakyan dahil sa labasan ng mga estudyante. Ilang beses akong umusog para makaupo ng maayos ang mga pasahero habang iyong katabi ko ay nakatitig lamang sa akin.

"Ayos ka lang?" mahinahon niyang sabi. Aba? Iba ah.

Hindi ko siya sinagot. Pinanatili ko ang tingin sa aking harapan, hindi siya nililingon. Noong may umakyat na isang nanay at batang estudyante ay muli akong umusog. Hindi magkasya ang mag ina kaya ako ang nagpaubaya. Ngumiti lamang iyong babae sa akin kaya sinuklian ko iyon.

Noong umandar ang jeep ay nahirapan na ako. Mabato ang daan at ilang beses na akong nauuga. Dahil sa alanganin na pagkakaupo ay parang mahuhulog na ako. Kumapit ako sa hawakan at pinatatag na lang ang aking tuhod para hindi mahulog.

Isang malaking bato ang natamaan ng jeep at muntikan na akong mahulog kung hindi nahawakan ni Lukas ang aking balikat. Tiningnan ko siya at iyong marahas niyang titig ang sumalubong sa akin. Lumingon siya sa labas ng jeep at tinignan ang kawawang bato na natamaan namin.

"Dito ka nga," aniya sabay usog para pagbigyan ako ng pwesto. Halos kalahati na lang ng pang upo niya ang nakapwesto. Sobrang haba rin ng binti niya kaya mukhang mas mahihirapan siya kaysa sa akin na kayang pagkasyahin ang sarili.

SwitchedWhere stories live. Discover now