Entry 7: Goodbye

257 3 0
                                    

Another maiksing UD na naman po. Pagpasensyahan na lang po ninyo.

Salamat sa paguunawa.. Enjoy =)

------------

>> Alex’s Magic Words <<

== sa kwarto sa ospital ==

“Alex, ‘wag kang aalis ha.” Malungkot na sabi ni Jai

“Oo, promise” ano ba naman. Nag-promise na naman ako. Makikita mo sa mga mata niya ang takot at pangangamba.

♫♪ sa isang sulyap mo ay nabihag ako … ♪♫

 “Jai, saglit lang ha. Sasagutin ko lang itong tawag.” Sabi ko kay Jai. Lumabas ako ng kwarto. Paglabas ko Nandoon sila Krisha.

“Klarysse, Dane samahan niyo muna siya sa loob.” Sabi ko sa kanila “Saglit lang.” Pumasok na sila sa room.

“hello?”

“Alex?” sabi ni tita Rosalie, mommy ni Jade.

“bakit po tita? May problema po ba?”

“Kamusta na si Jai? Magpapa-opera na ba siya?”

“Opo. Magpapa-opera na po siya. Maya-maya na po siya ooperahan.”

“Good. Sino kasama niyo diyan? Kumain na ba kayo?”

“Close friends lang po. Kakatapos lang po namin kumain.”

“Pwede maka-usap si Jake?”

“Sure po. Saglit.” Inabot ko kay Jake ung cellphone “Kakausapin ka daw”

Kinausap na ni tita si Jake. Pagkatapos nilang mag-usap inabot na sa akin ni Jake ung cellphone. Nag-usap ulit kami ni tita saglit at binaba na ung cellphone.

“Oh? Ano sabi?” tanong ni Steve at Marion.

“May mga tinanong lang tapos alagaan daw  muna natin si Jai kasi eleven pa daw sila makakabalik.”

“Ah ganun ba.” Sabi ni Arvie

Dumating na ung doktor kasama ung nurse na may tinutulak na wheelchair. Tumingin ako sa orasan ko. Quarter to nine na pala. It’s time. Pumasok na kaming lahat sa kwarto.

“Jai, tara na.” sabi ng doktor. Tumango lang si Jai. Tinulungan ko si Jai na tumayo para makalipat sa wheelchair. Ako, si Klarysse, Arvie at Dane ang naghatid kay Jade sa operating room. Nang makapasok na si Jai sa operating room kinausap ko sila Dane.

“Klarysse, Dane kayo nang bahala sa kanya pagkatapos niyang ma-operahan” nakatungo kong sinabi

“Bakit?” sabay na sinabi ni Klarysse at Dane

“Kailangan kong bumalik sa Seoul. ‘Pag hindi ako nakabalik mapapahamak kayo.”

“Ha?! Eh paano ung promise mo sa kanya?”

“Well, I have to break that promise.” Hindi ko namalayang may luha ng pumapatak sa sahig. “Klarysse, Dane, Arvie paki-usap…. Lagi niyong siguraduhin na ligtas sila ha.”

Tumang lang sila at niyakap ako.

“’Wag mong kalimutang tumawag” sabi sakin ni Dane “Kundi susugurin ka ni Klarysse sa Seoul para sapakin” napatawa kaming apat sa sinabi ni Dane.

“Kailangan ko ng umalis. Alagaan niyo si Jai ha.” Tumango lang ulit sila “Favor, paki bigay kay Jai itong sulat tatlong linggo makalipas kong umalis.”

“Sige, maaasahan mo.” Kinuha sakin ni Dane ung sulat at tinapik ung balikat ko

“Last request” sabi ko. Nakakahiya naman. Ang dami ko ng request.

“Ano ‘yun?” tanong ni Dane

“Pwede pahiram kay Arvie? Magpapahatid lang ako sa Airport.” Sabi ko naman

“Sure. Basta siguruhin mong makakabalik ito ng buhay. Gusto mo magpasama ka pa sa airport.” Sabi niya “bye Arvs. Ingat kayo.” Sabi niya sa amin ni Arvie.

Nagpahatid na ako sa kanya sa airport. Sinamahan ako doon ni Arvie ng isa’t kalahating oras at umalis na.

“Korean Air Flight Number 5J571 is now ready for boarding” sabi nung announcer. Pumila na ako sa boarding gate. Mga limang minute lang ang inantay ko at nakapasok na ako sa eroplano. Ito na iyon. Paalam Philippines. Paalam Jai. Mamimiss kita. Take care and Get well soon. Mahal na mahal kita.

“Please fasten your seatbelt and get ready for take-off” sabi nung piloto.

 ------

Ilang chapters na lang mag-eend na ang Magic Word: I Love You.

Keep on supporting guys. Thanks =)

Magic Word: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon