"They deserve that, Tito. Sa buong panahon ng pagiging artista ko, sinuportahan nila ako. Ups and downs they never left. I-plano natin yan once na kaya ko na,"

"As soon as you got your balance back, magpaplano tayo. Lahat ng gusto mong gawin sa concert mo, basta ba wala nang fan na aakyat sa stage ha. Wala na ang pinakamagaling mong bodyguard at mahirap makahanap ng taong tulad niya who is willing to stake her own life for you," sa binitawang salita ng kanyang tiyuhin, Rhian took a deep sigh. Tito Ronnie placed a pressure on her shoulder as an apology na tinanggap naman ni Rhian by placing her hand on her tito's hand.

Her therapy went well. Sa regular na pag-attend niya sa kanyang appontments, mabilis na nanumbalik ang pakiramdam ng kanyang binti sa pamamagitan ng pagkuryente sa kanya upang mabuhay ang kanyang mga ugat. Nakatulong din ang accupuncture upang maging maayos ang daloy ng kanyang dugo. Hindi naglaon, nagagawa na niyang lumakad ng nakatungkod na walang umaalalay sa kanya.

May mga araw din na nakakausap niya ang mga admins ng kanyang fan club at dito muna niya inamin ang tunay na nangyari but she left her relationship with her bodyguard hidden. Ayaw muna niya itong ipaalam dahil gusto niyang ang buong mundo ang makarinig nito mula sa kanya. She is happy with her lovelife and proud of the preference she chose. Niyakap at tinanggap niya ng buong-buo kubg sino at ano siya, and Glaiza has the biggest role that help her realize na isa siyang lesbian.

Isang magandang surpresa ang naghihintay na ipaalam ni Rhian sa kanyang mga tagahanga. Isang group call ang niorganize ni RM Raquel na nirequest ni Rhian para sa apat niyang admins. Nagulat pa si RM nang makatanggap siya ng tawag mula kay Tito Ronnie at sinabi nitong magschedule ng isang group videocall para sa mga admins dahil may mahalagang sasabihin si Rhian.

"Hey guys! Namiss ko kayo!" paunang bati ni Rhian sa mga admins nito. Ang isa sa mga admins nito na si Sylvia ay naluha. Namiss niya ang idolo nang maraming buwan dahil sa nagpapagaling ito.

"Syl, iyakin ka talaga," biro ng artista sa kanyang tagahanga.

"Namiss lang kita ng sobra boss," sagot naman nito na humihikbi-hikbi pa na sinundan ng tawa ng iba pang admins.

"Guys, alam ninyong I am planning to retire in showbiz, kaya Tito Ronniae and I decided to make my last concert para sa ibang fans,"

"Boss, kailangan nyo pa ba talagang magquit? Wala naman nang panganib sa buhay mo. Di ba wala na yung nagtangka ng masama sa'yo?" tanong naman ni Daisy.

"Oo wala na, but I have to focus on much more important things. Nawalan ako ng importanteng tao dahil sa nangyari and its hard na mangyari ulit yun. I mean its hard to take risks, and that event gave me trauma. I need to have my mind and heart more rest. Hindi ganun kadaling makalimutan ang nangyari sa akin lalo na't may buhay na nawala para lang mailigtas ako," sumandaling natahimik ang mga admins sa mga binitiwang salita ni Rhian. Hinayaan muna nilang lumuwag ang pakiramdam nito dahil sa nangingilod na luhang lumalabas sa sulok ng kanyang mga mata.

"Sige boss, kung yan ang desisyon mo, we will help," sagot ni admin Jellie.

"And all proceeds of the event will be divided and given to the charities I support,"

"Aprub, boss," sabay-sabay na sagot ng 5 admins na nagsalute.
----------

Mabilis na lumakad ang mga araw. Isa't kalahating buwan ng paghahanda para sa huling pagtatanghal ni Ms. Rhian Ramos, ang pinakasikat at multi-talented na artista ng henerasyon. Inasikaso rin ng mga admins ang sponsorship kung saan nakakuha sila ng mga pangself-defense para sa kababaihan. Isa't-kalahating araw lang simula nang ianunsyo ang pagbenta ng tickets para sa concert, sold out agad ito. May ibang tumatawag upang magpareserba, umaasang gagawa pa ng ticket, ang iba naman ay nag-eemail at chat sa management ng dalagang artista, humihiling na magkaroon ng repeat ang concert pero ang masabing event ay for one night only.
----------
Malaki at nakakalulang espasyo ng moa Arena kung saan idinadaos ngayon ang huling pagpapakita ng talento ng nagiisang Rhian Ramos. Maraming buwan din siyang nawala sa limelight pero maraming buwan ding laman ng broadsheets at tabloids. May mga balitang siya ay kinidnap, nagtanan, ikinasal at nagtatago dahil buntis pero pinabulaanan itong lahat ni Rhian at ni Tito Ronnie na siyang manager nito. Wala silang kinumpirma at walang inamin. Ayaw pang buhayin muli ni Rhian ang alaala ng nangyari sa kanya.

Dalawang oras pa bago siya lumabas ng entablado. Sa harap ng salamin habang siya ay inaayusan, sa sarili niyang mga mata siya nakatitig. Sa ilang taon niyang pagtatanghal at pag-arte, ngayon lang siya nakaramdam ng kaba. Para bang natatakot soya na baka may isang tao na naghihintay ng pagkakataon na sugurin siya sa stage at bigla na lang siyang patayin.

Pero hindi naman siguro mangyayari iyon dahil humingi ng security si Tito Ronnie sa kapulisan at hinigpitan ng mga ito ang pagbabantay. Maging ang pagpasok ng mga manonood at tagahanga ay mahigpit din. Kinumpiska ang mga flammable na gamit gaya ng alcohol, lighters at pabango. Hindi rin hinayaang ipasok ang mga matutulis na bagay tulad ng mga lapis, ballpen at mga doctor comb at plastic na mga suklay at brush o kahit anong nakakasaksak. Nagtataka man ang ibang mga manonood, pero hinayaan na lamang nila. Inisip na para rin ito sa kaligtasan ng lahat at ng kanilang idolo.

"Ms. Ramos, 30mins till curtain time," sambit ng floor director na tinanguan naman ng diyosa.

"Your last performance hija," salita ni Tito Ronnie na nakatayo sa kanyang likuran.

"Yes Tito Ronnie, and I will give everything I have. I owe my success in this field dahil sa mga taong nasa labas. They supported me in everything that I do, at kahit antagal kong nawala sa harap ng camera, hindi nila ako iniwan. This concert is a tribute to them and for them,"

"I'll ask everyone to leave, alam kong you need some time alone,"

"Thank you, tito,"

Tito Ronnie tapped Rhian's shoulder then call the attention on everyone inside the make-up room and polite asked to leave Rhian for awhile.

Sa katahimikan ng kwarto, isang malakas na tibok ang pumupuno sa katahimikang iyon. At sa bawat tibok, bumabalik ang nakaraan kung saan nakilala niya ang tunay niyang kaligayahan. Noon, akala niya ay maligaya na siya sa tinatamasang kasikatan na ang tanging dahilan ng pagpasok niya sa larangan ng pag-arte ay para mahuli ang pumatay sa kanyang kapatid. Hindi niya inakalang magiging sing-sikat niya, o mahigitan man, ang pumanaw na si Maxene. If there's one thing she is thankful for sa nangyaring banta sa buhay niya, iyon ang ang nakilala niya si Glaiza. Ang babaeng gumising sa tunay niyng pagkatao. Ang babaeng nagmulat sa kanya at nagpamulat sa kanyang isipan na maaaring magmahal ng higit pa sa kaibigan ang babae sa kapwa babae. Na hindi ito dapat hinuhusgahan lalo na't totoo at tapat ang pagmamahal na ito. Kay Glaiza niya nakita ang katapangan nang hinarap nito ang sariling ama at ipinaglaban ang kanilang relasyon. Kay Glaiza rin niya naramdaman ang seguridad nung araw na nasa panganib siya.

Si Glaiza... Ang kanyang pinakamamahal... Ang kanyang buhay...

Tok tok tok

"Ms. Rhian, 10mins..." pagtawag sa kanya mula sa labas ng pinto.

"I'll be out," sagot naman niya at saka tumayo mula sa kinauupuan, sinipat ang kanyang buhok, make-up at damit.

"Mahaba pa ang oras but this is it. My last performance. Pagkatapos nito, haharapin ko na ang tunay na buhay,"

----------

The FanWhere stories live. Discover now