"Sorry dude, ginawa mo ang lahat," komento ni Thom.

"Oo nga naman, kaysa sa pilitin," sunod ni Ray.

"Hindi ako makapaniwalang hanggang doon lang. Nakausap mo ba talaga siya ng husto? Hanggang ngayon ba ay tinatanggi parin ni Lhaine?" si Brix naman at napainom din ito ng beer. A little joke wouldn't hurt.

"Isang round para sa broken hearted na kaibigan namin!" sigaw ni Thom sa waiter.

"Tatawagin ko sana kayo sa ibang lugar—" Brix cut me off.

"Uminom ka lang. Huwag kang mag-alala, hindi ko na ibabangga ang sasakyan mo," tinawag nanaman ni Brix ang waiter. Nauwi tuloy sa ubusan ng isang round ang nangyari. Natatahimik ako kakaisip kung paano ko ba sila tatawagin sa bahay na hindi sila nagsususpetsa? Ah!

"Samahan niyo naman ako sa—" napatigil ako dahil isang grupo ng kalalakihan ang pumalibot sa table namin. Narinig kong nagmura si Thom habang mukhang nagtatago naman ng mukha si Ray at Brix.

"May problema ba?" tanong ko sakanila.

"Ang sabi nila ay sa'yo ang plakang ito," pinakita ng pinakamalaki sa grupo ang isang plate card—sa akin nga.

"Akin nga. May problema ba?" ulit ko. What the heck?! Imbes na sumagot ay lumabas ang grupo dala-dala ang plaka ko.

"Tumawag ka na ng pulis," sabi agad ni Thom kay Brix. Nasa phone naman agad si Brix at tumatawag na.

"Sino ang mga 'yun?" tanong ko sa tatlo na parang natataranta na. Sa laki ba naman ng katawan ng mga mukhang naghahanap ng gulong iyon ay talagang baka maihi ka sa takot. Siguradong naghihintay na si Lee sa bahay at ilang minutong mahuli pa kami ay siguradong mag-aalala iyon.

Kinuwento ni Thom at Ray ang nangyari noong araw na malasing ako at 'pinalangoy' nila ako sa suka ko. Ilang motor pala ang natumba at ang isa ay 'malalang' nasukahan ko.

"Kausapin nalang natin ng matino para hindi na mapatagal. Kung gusto nila ng pera, ibibigay ko nalang dahil baka talagang nasira ang mga motor nila," anunsiyo ko. Tumayo ako at naglakad palabas sa back exit. Sumunod lang silang tatlo.

"Dude, baka naman may makidnap sa atin dito?" narinig kong sabi ni Ray.

"Wala ka sa action movie," sagot ni Brix sakanya. Paglabas na paglabas namin ay napansin ko agad na napaligiran ng motor ang sasakyan ko. Nagsi-alisan ang ilang taong nasa paligid namin dahil sa eksena.

"Magkano ba ang kailangan ninyo?" simula ko. Nilabas ko narin ang wallet ko.

"Makaka-alis kayo dito ng buo kapag ibinigay mo ang sasakyan mo sa amin. Ganoon kadali," nilalaro ng mukhang leader nila ang plaka ko. Mula sa tabi ko ay naririnig ko si Ray na nagtatanong kung parating na raw ba ang mga pulis.

"Let me see the damage first," tugon ko. Hindi ako naniniwalang katumbas ng sports car ko ang kung ano mang nasira namin sa mga motor nila. Baka nga gasgas lang ang damage eh.

"Boys," sabi lang ng leader nila at sa isang iglap ay umaatake na sila. Pinaghiwalay nila kaming tatlo at isa-isang ginulpi. Bukod sa naka-inom na kami ay wala talaga kaming laban sakanila.

"Gamitin mo ngayon ang pera mo para sanggahin ang sipa ko," ma-angas na sabi ng umatake sa akin. Sunod-sunod niya akong sinuntok hanggang sa mapahiga ako. Pinagsisipa niya ang bawat parte ng katawan ko. Unti-unti ay parang naparalisa ang buong katawan ko ko at nahihirapan na akong huminga. Teka naman oh, kailangan ko pang umuwi kay Lee...

* * *

Lhaine Lee Ramos – POV

Napatayo agad ako nang magising ako. Akala ko ay naidlip lang ako pero matagal pala akong nakatulog. Napagod kasi ako ng husto kaka-organize ng mga gamit ko. Ang dilim na sa labas at halos malapit ng mag alas nuwebe. Pagbaba ko ay nandoon si Brie at Czar na nanonood ng TV habang kumakain ng cake.

"Sorry, nakatulog ako!" sinalubong namin ang isa't-isa ng yakap.

"It's okay, alam naming pagod ka sa biyahe. You just arrived, right?" tanong ni Czar. Here goes the lying! I gave them enough lies before then gagawin ko ulit? Naku po, si Lee naman kasi eh.

"I'm okay, napagod lang sa pag-labas ng gamit," sagot ko nalang.

"We're dying to know how he convicned you back," sunod ni Brie.

"Nakausap ko kasi si Thom kanina at sinabi niyang kasama nila si Ryan. Drinking, of course. Totoo bang babalik siya sa New York?" tanong ni Czar. Pinanindigan talaga ni Lee ha. Kaya pala late na ay wala parin sila. Sana naman ay tumawag siya sa akin baka mabuking agad ang plano niya dahil sa akin.

"Ang totoo niyan ay, auhm," patigil-tigil ako. Buti nalang at nag-ring ang phone ni Brie. I need to stall but for how long! Si Lee naman eh. Sinagot ni Brie ang tawag sa harap namin dahil si Ray naman daw iyon.

"What's wrong Brie?" tanong ni Czar agad nang sumeryoso ang mukha ni Brie.

"Lhaine I want you to watch this..." iniabot ni Brie sa akin ang phone niya.

Isang madilim na lugar na mukhang bar ang unang lumabas sa video. Maingay ang paligid pero malinaw naman ang boses ni Lee sa una, "I-video niyo 'to dahil baka bukas ay mamatay na ako!" unang sabi niya. Ang gulo ng buhok niya, malalim ang mga eyebags at namumula ang mga mata niya.

"Lhaine Lee ko, masaya ka ba ngayon? Sana pagdating ng araw ay marinig mo ito. Ah hindi, baka masaktan lang kita. Pero kung sakaling makita mo ang freak show na 'to, huwag kang tatawa. Alam mo bang mahal na mahal parin kita? Kung saan ka masaya, doon din—ah f*ck it... Hindi ako masaya, miserable ako..." he paused and drank straight from a Vodka bottle.

"Oy! Kilala mo ba si Lhaine Lee?" tinuro niya ang camera, "If you do, then can you tell her that no matter what, she's the girl for me. Yeah, she's the girl. She'll be the only one. Sana lang talaga. Kaso lang—f*ck this. Sorry kung nagkulang ako. Dahil sa akin ay bumaliktad ang mundo ko. Sorry dahil kailangan mong pagdaanan ang mga komplikadong bagay... Dahil nasaktan kita ng paulit-ulit..." huminto nalang siya bigla sa pagsasalita at yumuko sa mesa. Nakita kong lumapit si Thom sa kumukuha ng video. "Tama na 'yan... Idelete mo 'yan Ray," sabi nito bago huminto ang video.

My heart ached. I didn't imagine he was this misserable before the day he came and asked me to come back home. Hindi ko mapigilang maluha.

"Nakita lang daw ni Rayn 'yan sa phone niya. Hindi nga raw niya maalala na may ganoon silang vinideo," Brie broke the silence. Sigurado akong pinakita nila ito para mabago ang isip ko o na para matulungan kami ni Lee.

"Something bad happened. They got into a fight Lhaine... And Ryan, I'm sorry, but he's gone," sabi ni Brie bago ko pa masabi na ayos na kami.

"Gone? What gone?" napatayo ako.

"Lhaine... I'm sorry," niyakap ako ni Brie at Czar. My mind went blank, my throat went dry and my tears won't stop.

"Brie, call them again," sabi ni Czar.

"Wala ng sumasagot sa tawag ko," tugon ni Brie.

"Hahanapin...hahanapin ko lang siya..." tumayo ako but my knees went week. Why is Lee gone? No way.

"Lhaine, umupo ka muna," inalalayan ako ni Czar. I tried to walk towards the door. He's not gone—he's right there. Andiyan siya sa pintuan oh... Sasalubungin ko lang siya at sasabihan ng 'Welcome home Lee ko, kamusta ang araw mo?'

---


SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon