Simula

3 0 0
                                        

"Roxanne anong sagot mo sa number 11?"
Tanong sakin ni Alex.

"B."
Maikli kung tugon sa kanya. Nagco-concentrate pa kasi ako sa number 12.
'What is the value of x?'

Maglilimang minuto na ata ako sa numerong ito pero di ko padin alam kung ano ang resulta.

'Negative o Positive?'

Shit! Kahit sign di ko na alam.

Tinignan ko si Alex mukhang nahihirapan din siya. Baka may sagot na sya sa number 12.

"Pssst."
Tawag ko sa kanya. Andito lng naman sya sa tabi ko pero kailangan ko mag-ingat baka makita kami ng Professor namin.

"Ano?"
Tanong nya pero nakatutok pa din ang mata nya sa papel. Halatang nahihirapan din, baka wala pa syang sagot sa number 12.

"Anong resulta nang sagot mo sa number 12."

Tinagnan nya muna ang papel nya na para bang hindi sya sigurado sa sagot nya.

"-23."

Kinunotan ko sya ng nuo.

"Panong naging -23?"
Kunot-nuo ko ding tanong sa kanya. Kasi kung ipagpapatuloy ko ang nasimulan kong calculation ay hindi magiging -23 ang sagot.

Tinagnan nya ko na parang sinasabi edi-mag-solve-ka-din look.

"Pakita nga ako ng papel mo."
Inilahad ko kamay sa kanya.

"Bakit?"

"Titignan ko yung paraan mo ng solving."

Nagdalawang isip pa sya, pero at the end kinuha nya pa din sa table ang papel nya at saktong ilalahad na sakin.

"WHAT ARE YOU DOING MS. SAN BUENAVENTURA AND MS. LINCOLN?!"

Shit! Nahuli kami patay na!

Nagkatinginan kami ni Alex at yung hitsura namin patay-na-tayo look.

"S-Sir we are just-"

Hindi na natapos ni Alex ang sasabihin nya ng biglang hugutin ni Sir yung papel na nasa kamay pa naming dalawa.

"DINADAYA NYO ANG EXAM KO?!"

Napahangos kami ng hininga ni Alex sa naging reaksyon ni Sir. Kapag kasi nagtagalog na sya ibig-sabihin galit na talaga sya.

Nakita ko ang pag-tungo ng ulo ni Alex at ang pangi-nginig ng kanyang mga kamay.

Tumayo ako. Ako dapat ang pagbintangan dito dahil ako naman ang nagpumilit sa kanya, kung hindi ko ginawa iyun hindi sana sya nasa ganitong sitwasyon o kahit na ako.

"Sorry po."

Hindi ko na kailangan magpaliwanag dahil huling-huli na kami.

Dinilitan ako ni Sir na para bang hindi nya inaasahan ang sinabi ko.

"Sorry? It's that all Ms. San Buenaventura? Did you know that cheating is against in the school law?"

Tumango ako.
Halos tumigil na ang mga kaklase ko sa pag-sagot at nakatingin nalang silang lahat sa amin.

"And why did you still do it?"
He ask between his anger.

"Na-nahirapan lng po talaga a-"

"I'M VERY DISAPPOINTED OF YOU MS. SAN BUENAVENTURA!"

Napaigtad ako sa sa isang malakas at puno na galit na sigaw ni Sir.

Hindi na ako makasagot kaya tumungo na rin ako. Tinignan ko si Alex, ganun pa din ang ayos nya.

Greatest FallStories to obsess over. Discover now