“Ganyan ka rin naman dati, ah,” jinoke ko si Lamont.

“I am not like that,” Lamont gave a me a death glare, pero nang kalaunan ay nag-shift ito sa isang nahihiyang expression. “Well, I used to be, but not anymore. Tsaka hindi ako kasing-lala ni Sheen. Don’t brand me with him.”

“Heehee!” pinisil ko ang pisngi ni Lamont.

“Fuck!” bulalas niya. “Stop that.”

“Sabi niyang huwag mo nang gawin,” binaba ni Rydia ang kamay ko.

Nagpout ako sa kanya. “So ikaw lang ang may karapatan na pisilin ang pisngi niya?”

“Baka lumawlaw ang pisngi niya,” nagdahilan si Rydia, tapos siya naman ngayon ang pumisil sa pisngi ni Lamont.

“Tang ina, Rydia, tigilan mo nga ako,” nahihiyang sabi ni Lamont, complete with blushing. Ah, so magkaiba ang response niya sa mga pisil depende sa mga tao, ha! Pwe!

“Sige na nga, baka nga lumawlaw ang pisngi mo,” Rydia cheekily laughed as she put down her hand.

-----

Nasa backstage na ang buong section namin para makapagprepare na kami sa sayaw na i-pe-present namin. Hindi pa tapos yung section na nauna sa aming magperform, at mukhang magiging matagal ang sayawan nila. Pumunta na agad kami sa mga partners namin, which means, yes, katabi ko si Xander backstage.

“Yo, Elise!” bati ni Xander sa akin nang lumapit ako sa kanya. Bigla tuloy siyang napatulala sa akin nang makita niya ang ayos ko. Ako rin, napatulala. Typical lang ang suot ni Xander. White polo shirt with black vest, tapos may nakapatong pang black na coat, complete with a necktie. And of course, black slacks and black shoes. Tutal, madali lang naman makapili ng susuotin ang mga lalaki sa mga prom. Ang mga babae lang talaga ang mahirap, kasi ang dami-daming disenyo ng gown at hindi ka makapili kung ano ang pinakamaganda.

Ang kaibahan nga lang, may fedora siyang suot-suot. Wala namang binanggit sa rules namin na bawal ang fedora, kaya nagsuot na siya ng fedora. Loophole abuse ba ito? Haha. Pero stylish, grabe.

Nag-expect nga ako na baka mamaya zebra-striped coat ang suotin niya, pero yeah, typical wardrobe ang pinili niya. But what makes him so different is that it looks so damn good on him. Ewan ko ba, wala akong paki kung sinuman ang magsuot ng ganyan mismong damit, pero kapag siya na ang nagdala ng damit na ito, I’ll be like... oh my God, I think I’m going to melt.

Matagal na kaming nagtititigan ng mga damit hanggang sa nagsalita na si Xander. “Ah, sorry, bigla na lamang ako napatulala! Nakakapanibago—I mean, nakapapanibago~” kinumpas ni Xander ang kanyang kamay. “Nakapapanibago ang iyong suot, binibini.”

“Hay, naku!” I almost cringed at tinulak ko uli si Xander. “Tigilan mo nga iyan, just for once?”

“Ikaw talaga, Elise!” Xander patted my head. “Sige na, sige na. For this day, hindi ako magpapakaganito para sa iyo.”

Nabigla ako sa huling tatlong salita na sinambit ni Xander. Para sa akin? Talaga?!

“Ah, sorry! I mean, sige, for now, hindi ako magpapaka-Ms. Domingo, haha,” Xander sheepishly laughed.
“Sorry na, Elise. Sorry na.”

“Sige na nga, apology accepted,” I felt like making a sheepish smile too.

Ilang sandali ang nakalipas at tumahimik na naman kaming dalawa. Awkward silence? Yes. Kulang na lang, magkaroon ng krik krik sa background.

Message from AlexanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon