Tumingin siya pabalik kay Chase tsaka inulit ang tanong ng hindi na nauutal. "Si miss Irina ba?" aniya.

"Leave Irina alone. She has nothing to do with my decision, Rina." ani Chase.

Hayy Chase... Sana nga meron akong kinalaman sa mga desisyon mong nakakagago eh. Tagal ko ng pinangarap yun.

"S-sige Chase. Rerespetuhin ko ang desisyon mo kahit mahal na mahal kita noon pa man." ani Rina raw.

Sinubukan kong wag tumawa ng malakas pero si Zach hindi niya napigilan kaya hinampas ko siya ng malakas sa balikat. Humiga pa sa damuhan si gago kakatawa na siyang sinipa naman ni Chase ng matigilan ang kakatawa.

"Good. Now, leave." utos ni Chase.

Kinurot ang puso ko sa tono ng pananalita ni Chase lalo na nang makita kong humikbi ulit si Rina saka tumakbo palayo sa pwesto namin. I looked at Chase na umupo sa tabi ni Zach. Tumingin ulit ako sa tinakbuhan ni Rina. Mukhang di ko kakayanin kung ako ang ganunin ni Chase. Mukhang diretso pagpapakamatay ang puntahan ko pag inutusan ako ni Chase ng ganon.

"You're too harsh, Chase." ani ko saka kinagat ang labi.

"What's harsh about that Irina?" tanong ni Chase sa malamig na tono.

Tumayo si Zach at tinignan ako ng may halong kuryosidad.

"Babae yun Chase. As a female I'll be really hurt lalo na't inutusan mo pa siya ng ganon." ani ko at pinilit na pigilan ang sarili.

"Why would you care about her feelings, Irina? I didn't do it to you." aniya sakin.

Tinapik ni Zach si Chase sa dibdib, asking him to stop and let me be. Tumingin naman silang dalawa sakin. Si Zach nagmamakaawa na manahimik na ko pero hindi pwede dahil nasasaktan rin ako sa pagturing niya sa aming mga babae.

"Kasi babae ako Chase! Nasaktan ako sa pagtrato mo sa kaniya! Sa kanila! You think we're robots that can't feel shit pero Chase nasasaktan rin kami!" sigaw ko kay Chase.

Lumapit sakin si Zach at inilayo ako kay Chase. Kinagat ko ang labi ko at di ko na namalayang tumulo ang luha ko. Pumunta kami ni Zach sa kabilang side ng field, malayo kay Chase. Napasuklay si Zach sa buhok niya at ako naman ay napaupo sa damuhan.

Masakit Chase. At tuwing iniisip ko na kapag ako ang humingi ng chance sa'yo ay uutusan mo rin akong umalis at ipapahiya kila Zach. Sa harap ng barkada dahil isa kang demonyo na walang kinatatakutan. Para kang kambal mo na demonyita. Magsama kayo ng kambal mo, magsasama kami ng kambal ko.

Hindi ko maiwasang hindi isipin na paano kung ako na ang gumawa non sa kanya. Will he willingly accept my confession? Suklian kaya niya yung binigay ko? Kahit siguro wala ng sukli wag niya lang ako iwasan at utusang lumayo ok na. Kasi ang magmahal ng patago mahirap. Nasasaktan rin kasi ako ng patago kaya di ko kaya. Hindi ko pa masabi sa kambal ko.

"What the hell just happened, Irina?" tanong ni Zach sakin.

"I-I bursted out. Hindi ko na kinaya yung ginagawa ni Chase na pantataboy sa mga babae." sagot ko.

"I thought you're used to it? You said so yourself." ani Zach.

"I guess not that used to it." sagot ko at pinunasan ang luha dahil sa sobrang inis kay Chase.

Yumuko si Zach para tignan ako. "I understand that you got hurt because of the way he treats girls. But we can't do anything about it Irina. Not even me, Eris or you. He needs to change on his own." ani Zach sakin.

Tumango ako at tinulungan niya ko tumayo. Hindi ko siya kayang pabaguhin. Hindi si Eris, hindi rin si Zach. Siya mismo dapat magpabago sa sarili niya. He should get rid of those strings because inch by inch it's ruining my chances of loving Chase freely.

"You wanna go back to Chase and apologize?" tanong ni Zach sakin.

"Sure." sagot ko.

Bumalik kami ni Zach doon at nakita si Chase na nakikipagtalo sa kambal niyang si Eris. Nakikipag-sigawan pa rin si Chase sa kambal niya pero natigil lang nang dumating kami ni Zach. Tinulak ni Eris ang kambal saka minura ito.

Napasabunot si Chase sa buhok niya saka tumingin sakin. "I'm sorry, Chase." simpleng sinabi ko.

"I'm sorry too." ani Chase saka ako hinawakan sa braso at hinila palapit sa kanya.

Niyakap niya ako sa di malamang dahilan ay parang gusto kong umiyak ulit. Tangina mo Chase, please wag kang manhid.

Nothing But StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon