Hinabol siya ni mama sa ulanan. Hinabol ni mama yung sasakyan ni papa tas ang lakas lakas ng ulan. Umiyak na kami ni Ina lalo na nang nakita ko si mama na nadapa. Tinakbo ko si mama at nakita ko siyang nakahawak sa dibdib niya sa may bandang puso habang umiiyak at bumubulong ng 'masakit' ng paulit-ulit.

Huminto naman yung kotse na sinasakyan ni papa tapos lumabas si papa saka niya tinakbo ang distansya. Pinalo palo ko pa si papa noon nung nakalapit siya sa amin. Hinawakan niya si mama tas binuhat niya sa bisig niya habang paulit-ulit na sinasabing 'sorry' kay mama.

Sa nangyaring yun, dun lang napag-alamang namana pala ni mama ang sakit ni lolo. Pinacheck-upan kami pagkatapos noon at mabuti naman daw dahil di namin namana ang sakit ni mama. Si Zion din naman wala.

 Bumaba kami ni Ina ng hagdan at nakita si Zion na kasama si papa. Nagf-fatherly advice siguro kay Zion. Eto kasing si Zion napakasuplado. He's 9 dahil 8 years ang tanda namin ni Ina sa kanya. 

"Appa! Alis na muna kami ni Ina." ani ko at nauna nang maglakad si Ina sakin.

"Okay, Irina. Be careful." ani papa sa amin.

Tumango ako at nagwave sa kanya saka lumabas kasunod ni Ina. Hinatid kami ng driver sa school. Binilinan ko siya na hintayin kami dahil saglit lang naman to si Ina sa pagppractice samantalang ako ay magbabaka-sakali lang naman na nandiyan si Chase. Baka lang naman nandito.

At hindi ako nagkamali.

Nakita ko si Chase na kasama si Zach sa open field ng school. Nakaupo si Zach sa damuhan at may kausap sa cellphone habang nagbabasa ng libro at si Chase naman ay nakatayo at may kausap na babaeng mukhang nagmamakaawa na naman.

Lumapit ako ng kaunti at nakita ako ni Zach na kausap pala si Kendra. Kumaway siya sakin kaya nginitian ko lang siya.

"Chase, please give me a chance." ani nung babae kay Chase habang nahikbi sa harap nito.

"How many times do I have to say this, I don't want to get involved on some relationshit!" ani Chase.

Binaba naman ni Zach ang tawag niya tsaka tinapik sa binti si Chase. "Calm down, dude. That's a girl." ani Zach saka bumaling sakin. "Hi Irina." 

Bumaling sakin si Chase at ngumiti. "Hey, Irina." ani Chase sakin.

Gusto kong lamunin ako ng damuhan lalo na nang maramdaman kong pinamulahan ako ng pisngi sa ginawa ni Chase. Darn it. Hi lang ni Chase kinilig na agad ako.

"Hello." ang tanging naisagot ko na lang.

Tumingin ulit si Chase sa babae na nakatingin na pala sakin. "S-si miss I-Irina ba?" tanong nung babae.

Napa-what ako sa narinig ko. Wag niya kong madamay damay sa kadramahan niya dahil wala kami sa shooting ng isang telenovela at labas ako diyan. Nananahimik akong nagmamahal kay Chase dito kaya wag siyang ano.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now